Capitulo 4

93 7 0
                                    


Cyrus Pov

"I don't love you."

"I just love your money!"

Ito na naman, paulit-ulit ko na namang naririnig. Huminga ako ng malalim, ipinikit ko ang mga mata ko ang mukha ni Brie at Gregory ang nakikita ko. Paano sila nakakagalaw ng maayos sa ginawa nila sa akin. Bakit malaya sila? Imposibleng hindi sila ang pinaghinalaan, kilala ko ang pamilya ko siguradong si Brie ang unang-una nilang tatanungin? O baka may sinabi ito na pinaniwalaan ng lahat? Baka magaling itong magdahilan, hindi na ako magtataka magaling silang magpaikot ng tao.

"Cyrus."

Nagmulat ako at napatingin sa tumawag sa akin. Tumayo ako at nilapitan si Aria na hirap na maglakad. "Bakit ka lumabas? Nanatili ka nalang sana sa loob." Ani ko.

"Parang may problema ka kasi eh,  kanina pagbalik niyo ni nanay ang lalim ng iniisip mo." Sabi nito. Inalalayan ko siyang makaupo at naupo naman ako sa tabi niya. "Sabihin mo sa akin, anong problema?"

"I saw her."

Kumunot ang noo nito.

"I saw Brie, she's with Gregory. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila dito pero..... gustong-gusto ko na talaga silang sugurin but I stopped myself dahil hindi nila ako pwedeng makita, hindi nila pwedeng malaman na buhay pa ako." Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga, nagsisimula na akong manginig sa galit. "Sa nakita ko ay masaya sila, malaya sila. Paano sila nakakagalaw ng maayos? Paano si—."

Natahimik ako at napatingin sa kamay ni Aria na humawak sa kamay ko. Pinisil niya iyon, tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako. "Relax ka lang Cyrus, relax ka lang. Naiintindihan kita pero hindi ka pwedeng sumabog ka sa galit sa ngayon, ang gawin mo na muna ngayon ay isipin mo kung ano na ang plano mo dahil siguradong makakasalubong mo lang sila dito, maliit lang ang bayan namin hindi malabong makasalubong mo sila, ihanda mo ang sarili mo na makita ka nila, ipakita mo na ang taong binaril nila, inihulog sa tubig ay buhay na buhay pa."

"Gusto kong maghiganti." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi, bakit iyon ang lumabas sa bibig ko pero iyon kasi ang sinasabi ng puso't isipan ko.

"Cyrus..."

Umiwas ako ng tingin. "Babalik ako sa amin, buo na ang decisyon kong ipaghiganti ang sarili ko." Seryosong sinabi ko. Unti-unti namang binitawan ni Aria ang kamay ko. "Hindi pwedeng nagsasaya lang sila, hindi pwedeng malaya lang sila at ginagawa ang gusto nila."

"Mag-demanda ka, ipakulong mo sila, iyon lang ang tamang gawin Cyrus wala ng iba, iyon lang ang magandang paghihiganti na magagawa mo."

"Hin—."

"Cyrus! Hi Cyrus! Hi Aria."

Nakangiting lumapit sa amin si Isla. "Pasensya na Aria huh, pumasok na ako." Sabi nito.

"Ayos lang, napadaan ka?" Tanong ni Aria dito.

"Hindi ba next week ay may sayawan dito sa atin. Pupunta ka ba Cyrus? Isama mo siya Aria." Sabi ni Isla na sumiksik pa sa upuan, napagitnaan nila ako.

"Sayawan?" Tanong ko.

"Buwan-buwan ay may sayawan na nagaganap dito sa amin, lahat ng mga taga rito ay lumalabas para makisaya." Ani Aria.

Kumapit si Isla sa braso ko. "Kaya sumama ka, siguradong magi-enjoy ka doon. Alam mo may damit ako na ibibigay sayo na susuotin mo."

"No need Isla—."

"Wag mo ng tanggihan. Ikaw Aria may isusuot ka na ba?"

"Meron yung dating suot ko din nung nakaraang sayawan."

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now