Capitulo 17

111 6 0
                                    


Third Person's Pov

"Eat more Arianna." Ani ng ina ni Harold dito ng mapansin nitong tapos na itong kumain at sila ay hindi pa.

"B-busog na po kasi ako." Saad ng dalaga.

"Okay lang na kunti lang ang kakainin niya mommy, hindi siya pwedeng tumaba, hindi bagay sa kanya."

"Why Harold? Hindi mo na ba siya mahal kapag tumaba siya?" Cyrus asked.

"I didn't say that."

"Parang iyon na ang ibig mong sabihin sa sinabi mo. If you love someone even if he is fat or whatever you will accept it." Wika ni Cyrus.

Nagkasalubong ang kilay ni Harold. Hinawakan ang kamay ni Aria na nakapatong sa mesa.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Cyrus ang pagpisil ni Harold sa kamay ni Aria.

Tiningnan niya si Harold na nakatingin na din sa kanya. "Do you like my girlfriend?" Tanong niya kay Cyrus. Lahat naman ay natahimik.

Ngumisi si Cyrus. "Bakit naman naisip mong may gusto ako sa kanya?" He asked.

Umiling si Harold.

"Don't worry Harold, my grandson will never steal your girlfriend from you." Ani Don Ignacio.

"Cyrus is a casanova Don Ignacio. Kaya possible pa rin na makuha niya ang girlfriend ko."

"Noon pero hindi na ngayon." Sabi ni Neiji.

"Kahit na."

Napailing nalang si Cyrus. "Okay, so take care of your girlfriend Harold, of you don't want me to steal her from you." Madiin na pagkakasabi niya.

Napapikit si Aria dahil mahigpit na ang pagkakahawak ni Harold sa kamay niya. Gusto na niyang tumayo at umalis pero ayaw niyang masabihan siyang bastos.

"You know what, nandito tayo para kumain ng maayos. Magkwentuhan sa mga magagandang nangyari, kaya ipagpatuloy natin ang pagkain." Ani Marlon ang ama ni Harold.

____

Aria's Pov

Nagpapasalamat ako dahil natapos na din ang dinner, hindi kasi ako makagalaw ng maayos, kagaya nalang kanina nahihiya tuloy ako dahil sa mga sinasabi nina Harold at Cyrus. Sa ngayon ay gusto ko na talaga umuwi.

"You can't take Aria home dahil may kailangan tayong pag-usapan. Pwede naman siyang ihatid nina Cyrus." Ani ng ina ni Harold.

Sa itsura ni Harold ay parang ayaw niya pero dahil nga sa sinabi ng ina ay wala na siyang magagawa. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na, nakasandal si Cyrus sa kotse niya, si Neiji at Lance ay nakasakay na sa likuran.

Tumayo ng maayos si Cyrus ng makita ako, ngumiti siya at umikot para buksan ang pintuan sa passenger seat.

"P-pwede naman akong umupo sa likod. Kahit sa harap na ang isa sa inyo." Ani ko sa dalawa.

"We're good! Okay na kami dito. Sa harap ka na." Nakangiting sinabi ni Lance.

"Aria." Tawag ni Cyrus kaya naman nagpunta na ako sa harap.

Tahimik lang naman kami, nilingon ko ang dalawa sa likuran pero nakatulog sila. Ang bilis naman ata nilang makatulog.

"Pagod at puyat ang mga iyan kaya nakatulog agad." Ani Cyrus at inihinto ang sasakyan, nasa tapat na pala kami ng inuupahan ko.

Inalis ko ang seatbelt. "Salamat ha, mag-iingat ka sa pagdrive." Ani ko.

"Ikaw din, mag-iingat ka....sa boyfriend mo."

"Huh?"

Ngumiti siya. "Sige na para makapagpahinga ka, goodnight."

Ngumiti ako at lumabas na. "Goodnight din." Sabi ko bago isinara ang pintuan.

His Name is CYRUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon