DyOsA 46

29 10 0
                                    

DyOsA 46

Savannah's Speaking;

    Bumaba na kami sa tapat nang isang Abondanadong Bodega. Maluwang naman sya.

      "Hayts! Nakaraos din. Tumbelina yang pwet mo naman kase ang laki di tuloy ako naka upo ng maayos!" Reklamo ni Inday nang makababa.

       "Sus! Reklamo ka pa, Spell Tumbelina??" Hamon ni Dumbelina kay Inday.

  "T-H—"

      "Oh mali kana!!! May H ba sa Pangalan ko. Boba!" Sabi ni Dumbelina kay Inday.

  "From the word Tumb, oo may 'H' yon dahil ang hinalalaki sa ingles ay Thumb!! Ikaw ang Boba!!!"

      "Shh!! Shut up nga!!!" Suway ko sa kanila.

"We're here to save Gian hindi para mag away!" Sabi naman ni Avia sa kanilang dalawa at yun natahimik sila.

      "Salingkitkit lang ang peg nyo kaya sa side kayo!" Sabi ko sa kanila at gumilid naman sila.

     Sabay sabay kaming pumasok sa abondonadong bodega. Maluwang at puro mga alikabok ang sumalubong saamin.

     "Huyy tama ba yung pinuntahan nating lugar???" Tanong ni Ezi.

  "Oo, Dito yon. Pero nasaan sin—"

      "GIAN!!!" Bigla ko na lang bigkas dahil nakita ko sya dun sa may taas. Naka tali sa isang silya at kung pupuntahan namin sya ay tatahakin namin ang isang ladder.

        Bigla na lang nagsara ang lahat ng mga labasan. Ang mga bintana ay nagsara na parang de remote silang lahat. Ang Malaking papasukan sa bodega ay nagsara din at maging sa exit door ay nagsara. Sabay sabay na nagsara ang lahat at kami naman ay natakot. Anong nangyayare??

     *Insert, Serious mode*

         "Hellow mga Bida" At bigla na lang may isang matigas na bagay ang tumama saaking likodan dahilan para mawalan ako ng malay.

                                *****

   Nagising ako ng masakit ang aking ulo. Kumalas ako sa pagkakaupo pero parang may nakatali sa aking leeg na isang kadena.

      "Ayos ka lang" Si Raegen na ngayon ay nakatali rin sa poste.

       "A-anong nangyare" Nanhihilo ako at parang nawalan ng lakas.

  "We're all clumsy that the fact that we are all tied up!" Sagot nito.

   Napalingon pa ako sa kabilang banda. Oo nga lahat kami ay nakatali. Pati sina Avia ay naka tali din at kanina pa gumagawa nang paraan para makatakas. Pero nasan si Ezi??

      Hinanap ng aking mata si Ezi at ngsyon ay nakita ko syang nakahandusay at walang malay sa gilid. Bubog sarado dahil madami syang natamong pasa.

       "Times Up! It's now 2:30 in the eve. Now I welcome all of you to seat back, Relak and enjoy the show!!!" Napatingin kami sa taas at nakita dun ang demonyong Victor kasama nya ang aking kapatid na si Gian na naka tali sa isang silya.

  "Pakawalan mo sya!!!" Sigaw ko sa kanya pero talaga ngang demonyo ang isang toh.

      "Huh? Pakawalan? Hindi ako yung tipong bobong killer kung makikinig ako sayo. Engot!" Sabi nya saakin.

   Tsk, Ba't pa kasi nagpa kidnap din si Gian. Sayang Happy Ending na sana pero umepal nanaman ang kapatid ko.

      "Relax lang kayo. Ienjoy nyo ang show ko dahil ipapakita ko kung paano unti unting kitilin ang buhay ng kapatid nyo!!! HAHAHA!!" Wala ng puso itong hayup na to. Gago syaa!!

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now