DyOsA 32

34 11 0
                                    

DyOsA 32

Savannah's Speaking;

   "Sir Rae, Ma'am Sav ang aga aga nag swimming agad kayo baka sipunin kayo ehh" Singit ni Inday na ngayon ay kasalukuyang pinupunasan ang aming mga katawan.

     "Ang Sabihin mo inggit ka, Oh ayan!" Tinulak ko sya sa swimming pool, Inggit ehh kaya ayan naligo na rin sya.

   "Hayyts! Ang lamig! Waah!" Daing ni Inday na ngayon ay kasalukuyang nasa pool. Sus! Ineenjoy nya. Ayaw umahon eh.

      "Sorry, Iniwan kita dun sa concert last night" Wait, Totoo ba yung narinig ko? Nag sosorry sya???

  "Ano sabi mo ulit? Pakiulit po???" Hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.

     "Wala, Let's go na! Late na tayo!"

  "Hindi! Sabihin mo muna yung sinabi mo kanina!" Pangungulit ko.

     "Ang Sabi ko, Let's go na late na tayo!" Sagot nya.

  "Iss hindi yon! Yung sorry mo! Huyy! Talaga ito ehh" Nadismaya na lamang ako dahil di nya na inulit. Sayang dapat may record ako non bilang patunay na marunong din palang mag sorry ang isang nyebeng shit.

      Nagpalit na kami ng school uniform at sabay na kaming pumasok sa eskwelahan namin.

     "Sunduin na lang kita mamaya" Sabi nya.

"Woah! Totoo? Sige" Sagot ko na lamang atsaka bumaba na sa kotse nya at maging sya ay bumaba na din.

     "Oh? Ba't ka sumasama? Diba dun yung room mo?" Takang tanong ko.

  "Actually hinahatid kita ngayon" Sabi nya. Huyy! Wag masyadong kiligin self. Hatid lang yarn.

      Bigla na lang nahawi ang daanan sa tuwing dadaan kami dito sa hallway na magkaholding hands.

   Shitt!!! All this time di ko namalayang magkahawap pala ang aming kamay. Huyy! Rae ano ka baa! Bwakina ka talaga!!!

     As usual madami nanamang nagbubulungan mga marites. Naku! Di na kailangan isulat yung mga sinasabi nila. Mga wala namang kwenta.

       Nang makarating kami sa room ko ay dun nya na binitawan ang kamay ko.

  "Hintayin na lang kita sa Parking area" Ang huling sinabi nya bago nya ako linisan.

     Bigla na lang nag ring ang school ringing bell ng school namin hudyat na klase na. Right timing lang pala ang pagpasok namin ni Raegen. At least naka bonding kami kanina. Ehee!

   Kung tatanungin kung ano ang meron saamin ni Raegen? Well Relationship? Or more like RelationSHIT! Oo! Fake Girlfriend lang ako nya pero.... Arghh! Ewan ko kung ano tong nararamdaman ko. Huhuhu! Unti unti kasing dumedevelop itong feelings ko para sa kanya. Oo maldita ako pero may puso din ako nohh! Mahal ko na ba sya?? Uyy! Wala pa tayo dyan. Wag assuming self! Nasa kontrata yan kaya wag kang ano dyan.

    Umupo na ako sa seat ko. Napatingin ako sa aking katabi. Wait, Nasaan si Henry??? Naku Shit!!! Mamaya ay quiz wala akong makokopyahan. Arghhh! Baklang toh! At ano naman pumasok sa isip non at hindi pumasok? Ehh lagi namang present yon sa tuwing may lecture. Hayyts! Bahala na! Ipasa Diyos na lamang ng aking sagot. Ehee.

                                 *****

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now