DyOsA 29

33 11 0
                                    

DyOsA 29

Clarissa's Speaking;

     Ngayon ay nasa pamilihan ako ng Selpon dahil balak ko sanang magpa tempered glass ng phone para naman kahit malaglag ang aking phone ay hindi mababasag.

     "Salamat kuya" Sabi ko na lamang sa taga ayos ng cellphone.

  "Salamat lang walang bayad?" Maarteng saad nung baklang taga ayos ng selpon.

     "Ayyt ito pala po yung bayad ko. Hehe" Sabi ko sa kanya at nilisan na ang lugar na iyon.

      Naglalakad ako ng biglang may nabunggo ako. "Pasensya na po" Ang aking sinabi sa aking nabunggong tao.

  "No it's okay, Apology accepted" Sabi ng lalaking nasa Mid 40s ata dahil na rin sa itsura.

    "By the way anong pangalan mo hija?"

  Sabi, sa Kasabihan ay 'Don't talk with a stranger cause it will lead you to Danger" pero itong nabangga ko..... Well, Parang ang gaan ng loob ko sa kanya at para saakin parang hindi sya stranger. Basta mahirap ipaliwanag tong nararamdaman ko.

    "Oh I guess your not comfortable, Anyway let's have a coffee here. Total nasa tapat naman tayo ng Coffee shop"

   Tinignan ko naman kung saan kami ngayon at totoo nga ang kanyang sinabi dahil nakatayo kami sa tapat ng coffee shop.

     "So??? Have a minute for me" Sabi nya naman at yun wala akong masabi kundi ang tumango na lamang sa kanya.

     "By the way, My Name is Greg Hilton" Sabi nya saakin. Ako naman ay speechless. Magpapakilala ba ako?? O hindi?

     "Ahh Clarissa po. Clarissa Madrigal" Pagpapakilala ko din sa kanya.

   "It's nice meeting you here. Iilan lang ang mga student na ganyan kabait. I envy your parents dahil pinalaki ka nila ng maayos" Sabi nya atsaka nagbuntong hininga. Sa totoo lang wala akong intensyon na tanungin sya pero parang may part saakin na gusto kong malamang kung bakit sya naiingit sa aking pamilya.

      "Ahh yung anak nyo po ba, Sir Greg?" tanong ko sa kanya. Oo na marites na ako pero sya unang nagbigay ng topic ehh.

   "Ahmm, Maldita rin pero yung anak kong yon may kapatid pa yon atsaka kabaliktaran sa kanyang ugali. Mabait sya" Sabi nya saakin at parang may pumitik na kung ano sa aking puso. Anong ibig sabihin non?

     (Kringggg!!!)

   Biglang nag ring ang telepono ni Sir Greg. "Ahh wait, Let me answer this" Sabi nya pero agad na akong tumayo.

    "Ahh Sir, Thank you po sa kape pero mauuna na din po ako kasi may gagawin pa po ako" Sabi ko sa kanya at nag bow na.

      "Ahh ganon ba? Okay then. Kung may time ka please mag kwentuhan tayo ulit haa" Sabi nya at nilahad nya ang kanyang kamay. Siguro ay para sa shake hands. Tinaggap ko iyon ng biglang... Nabasa ko ang kanyang vision.

    Pinakita sa eksena na naka gapos sya at naka tali sa isang silya habang duguan ang kanyang mga damit at humihingi sya ng tulong— Bigla na lamang nawala ang vision na iyon ng tanggalin nya na ang kanyang kamay sa pag shake hands namin.

    "Pano ba yan hija? Mauuna na ako? Maraming salamat sa oras mo" Sabi nya at umalis na.

     Naiwan akong tulala sa coffee shop. Inaalam kung saang lugar iyon. Yung kaganapang nagpakita saakin kani-kanina lamang. Ang eksenang naka gapos sya at naka tali sa silya.

    Hindi ako makapakali, Wala akong maalala at hindi ko makumpirma kung anong excact location non.

    Masyadong mabait ang lalaking iyon at feel ko ay parang importanteng tao sya para saakin. Ewan ko! Basta ang alam ko ay kailangan matulungan ko sya.

Lumabas ako sa coffee shop nilibot ko ang aking paningin sa labas hoping na makita ko pa sya para balaan pero sadyang kanina pa sya nakaalis kaya malamang wala na iyon.

     Hindi sa lahat ng oras ay mangyayari agad agad ang mga vision na nakikita ko. Maaaring may katagalan iyon kayo yun ang aking ipinagdarasal na sana di pa mangyayare iyon.

    Kailangan magkita kami muli upang balaan na sya. Shitt! Ako pa ba toh? Ba't pati mga di ko kilala ay parang nagalala ako sa kanila? As if naman they cared me ehh.

    Tumakbo ako mula palengke hanggang dito sa aking bahay. Hingal na hingal akong pumasok sa bahay ko at dumiretso agad sa aking sala at binuklat ang nakatakip na isang purple blanket at bumungad saakin crystal ball ko.

     "Zuè Elmedà Viara Maskrou!" Enchanting ko at umilaw ang crystal ball. Kinuha ko ang mga naka ayos na braha at nag shuffle at pumili ng tatlong braha. Nilapag ko ang tatlong braha patalikod sa lamesa at pinili ang nasa gitna.

    Isang Ibon na nahimatay na may dalawang itlog. Isang itim na itlog at isang puti na itlog ang naka dikit sa hinang hina na ibon. Yan ang ipinakita ng braha. Anong ibig sabihin nito?

    "Ohmygosh, Akala ko ba di mo pwedeng hulaan ang yong kapalaran eh Ba't mo hinulaan? Luhh ka!" Bigla na lamang ako napatingin kay Abie na ngayon ay kumakain ng isang barbeque. Bagkus di ko sya pinansin at iniisip kung ano ang ibig sabihin nito.

    Kung ano man ang ibig sabihin nito ay magiging palaisipan para saakin. Ang tadhana ni Sir Greg ay nakasalalay sa kanyang sarili. Kung padadaliin nya ba ang tadhanang nyang yon o patatagalin nya.

  Nawa'y walang mangyare sa kanya.....

                              *****

Owen Speaking;

    "Pinopormahan mo ba ang kanyang anak? Nakuha mona ba ang kanyang loob?" Tanong saakin ng aking tatay na ngayon ay naninigarilyo ngayon.

     "Hindi pa ama, pero sinusubukan ko ngayon" Sagot sa kanya.

   "Well, Nalalapit na ang kanyang mga araw haa. Kailangan mapalapit mo ang loob ng anak nyang maldita sa iyo Nawa'y ang mga kayamanan nila ay mapunta saatin" Sabi nya saakin na syang kinatango ko.

     "Pero ama, Baka naman pagnakuha na natin ang kanilang kayamanan ay ititgil na natin to—"

  "Ano bang sinasabi mo Owen? Nasisiraan ka na ba? Sila ang dahilan para tayo'y maghirap. Sila ang dahilan para mawalan tayo ng hanapbuhay wag mong sabihing naawa ka sa kanila. Maawa ka sa sarili mo. Sa akin. Sa ating pamilya ka maawa, Ang isipin mo na lamang ay ginagawa mo ito para saatin" Sabi saakin ng aking ama na syang kinayuko ko.

   Tama ang aking ama. Magbabayad sila sa kanilang mga ginawa. Sabihin nalang natin na ang aming gagawin ang kabayaran ng mga paghihirap namin.

      "Ano? Binigay mo ba sa kanya ang mga tsokolate?" Tanong ni ama saakin. Ang kanyang punto ay yung pagbibigay ko ng chocolate kay Savannah.

   "Oo binigay ko na sa kanya, Ang tanong Ama ano yung nilagay nyo dun?" Tanong ko sa kanya. Ang totoo ay hindi talaga ako mapakali dahil baka anong manyare pa kay Savannah. Oo matagal ko ng crush si Savannah pero nung nalaman kong ama nya pala ang dahilan para maghirap kami ay hindi nagbago ang aking pagtingin sa kanya bagkus ay sa kanyang ama oo naiinis ako sa ama nya.

     "Ahmm, Ngayon siguro ay sumasakit na ang lalamunan non dahil sa linagay kong 100% magic sugar. Sa sobrang tamis non pwedeng masira ang kanyang lalamunan at baka yon ang maging dahilan para mawalan sya ng........ Panlasa! HAHAHAHAHA!" Hindi ko na kilala ang aking ama. Natatakot na ako sa kanyang inaakto baka kasi ito ang maging dahilan para mas lalo kaming mapahamak.

     "Magaling anak!" Sabi nya ng naka ngiti. Ngiting tagumpay na nakamit nya na.

                             *****

  
   
   

   
    

    

    

   


   

  

 

  
    

 

 
   

 

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now