DyOsA 11

38 11 0
                                    

DyOsA 11

Clarissa's Speaking;

   "Ahmm magpapahula nga po ako. Sino po ba ang para saakin? Sino po ba ang nakatadhana saakin? Ang papakasalan ako at mamahalin ako ng higit sa walang katapusan? Sino pa sya?"

    Agad namang dinalat ko ang aking mata. Tsk, Pati ba naman kung sino ang para sa kanya ay ipapahula pa.

    Agad namang hinimas himas ko ang crytal ball na nasa harapan ko to see the vision of the future.

     "Gwen Ramos, Oo tama! Gwen Ramos ang lalaking naka tadhanan sa iyo!" Sagot ko sa kanya. At ang loka loka ay sayang saya naman. Well totoo nakita ko talaga sa vision of the future.

     "Maraming salamat, Magkano po ba ibabayad ko?" Aba! Ang bait naman. Sa totoo lang wala akong sinabing mag bayad sya.

   "Wag na, Libre na lang. Makakaalis kana!" Sabi ko sa kanya at yun hindi talaga nagbigay umalis talaga. Tsk, Di man lang tatanungin kung 'Sigurado ka ba ayaw mo ng bayad?' juskoo kala ko mabait.

   Ganyan sa aming barangay, Ako ang takbuhan nila para ipahula kung ano ang magiging kapalaran nila. Katulad ngayon, expected ko talagang may dadayo saakin dito sa pamamahay ko para lang ipahula kung sino ang nakatadhana sa kanya. Sabi nga sakin ng aking Lola ay 'Gifted Child' daw ako dahil sa aking kakayahan para hulaan ang kanilang kapalaran.

    Agad na kinuha ko ang host at inopen ang gripo para mag dilig na ng halaman.

   "Mang Ferdy tignan mo dadaanan mo madadapa ka!" Sabi ko kay mang ferdy ng hindi lumilingon. Alam ko kasing sakto sa harapan ng bahay ko ang eksena na madadapa sya.

   "Ano ka ba Clarissa tinitignan ko ang da—Waah!" At yun, Tuluyang nadapa na nga.

     See? I can see their future at binabalaan ko lang sila.

     "Hayyts! Grabe bakit kasi hindi pa nababakbak tong malaking hams na to" Reklamo ni Mang Ferdy.

   "Ayyt oo nga pala manong ferdy, Wag ka ng tumuloy sa sugal dahil mananalo ka pero sa bandang huli matatalo ka din!" I warned mang ferdy pero talagang mas matigas pa sa hams ang kanyang ulo at di talaga nakinig saakin.

   "Tsk! Tsk! Tsk!" Napa iling na lamang ako sa kanyang ginawa. Well basta binalaan ko sya ay sapat na.

    Patuloy lang ako sa pagdidilig ng biglang bumukas ang gate at base sa presence kilala ko na kung sino toh.

   "Abie alam kong gugulatin moko" Sabi ko sa kanya at ayun napa 'Ayyt' na lang ang loka loka.

   "Juskoo Clar, Pati ba naman gagawin ko sayo huhulaan mo?" Sabi nya at nag cross arms pa.

     "Hindi ko naman hinulaan ehh, Yan naman kasi lagi mong ginagawa! Ang mang gulat" Sabi ko naman sa kanya at napa 'chee' na lang ang gaga.

     "Okay, By the way where is your kape? I punta punta here cause I want kape!" Sabi nya saakin.

  Pagpasensyahan nyo na mga readers dahil sadyang conyo talaga mag salita ang babaitang toh. May pagka remix yung language ehh. Taglish.

     "Nasa Kusina!" Sabi ko at tinunga na lang ang atensyon ko sa pagdidilig.

   "Wow haa! Masama ang loob yarn? Juskoo kape lang Clar hindi ko uubusin!" Defend nya sa kanyang sarili.

   "Kilala moko abie, Hindi lang ako manghuhula. I can also read minds though!" Sabi ko sa kanya. "And base sa iniisip mo ay balak mo talagang ubisin ang kape namin!" Diretsahang saad ko at yun natalo ang gaga at umirap na lang sa ere.

   "Oh sige na sige na!" Nasabi nya at pumunta na sa loob siguro mag titimpla na ng kape.

     Nang matapos akong magdilig ay pumasok na din ako sa loob. Hindi kasi ako tiwala kay abie ehh si abie pa naman ang tinaguriang Siba Queen dahil sa sobrang siba nyang kumain. Baka kasi ubusin nya kape ko ehh mahirap na.

    "Oyy! Awat! Wala ng natirang cream ohh!" Sabi ko sa kanya.

  "Ano ka ba! Para namang hindi tayo mag best friend. Bili ka na lang saw ulit!" Sabi na ehh! Ang takaw kumuha ng kape. Punyemas sarap iuntog sa kisame.

     "By the way Clar, Bakit hindi mo subukan ang Ability mo para tignan mo ang kapalaran mo. Alam! Ikaw na lang kasi ang walang lovelife dito sa buong barangay natin ehh!" Mahabang salaysay ni Abie saakin.

   At yun ang aking problema, Sa Ibang tao ay kaya kong basahin, hulaan ang kanilang kapalaran sa hinaharap ngunit sa aking sarili? Hindi ko kaya. Blanko ang aking kapalaran. Ni hindi ko nga alam kung ano ang aking hinaharap ehh, ang aking lovelife? Ang aking kapalaran? Kung ano ang magiging trabaho ko? Ay Nanatiling blanko para saakin.

   "Oh! I don't sadya to offend you Clar, wag ka quite dyan cause your ano your ano basta yun! Ang tahimik mo!" At yun, Di na kinaya ang ka conyohan nya. Pa english english pa kasi.

    "Wag mong igupin ang kape mainit yan!" Sabi ko sa kanya pero ang gaga ay di ako sinunod.

  "Clar, I'm too hot para sa kapeng ito. Kayang kaya ko to, Ako pa?? *Sip! Sip!* AYYT PUKA!! MY TOUNGE IT BURNSS! WAAAAHH!" See? Talagang sila sila lamang ang gumagawa ng kanilang kapalaran. Mga Boba.

    Agad kong binuksan ang TV at nanood na lamang habang yung si Abie naman ay ayun. Pilit na nagkakape parin. Tsk!

Minsan tinatanong ko sa aking sarili kung bakit pa ako binigyan ng ganitong kakayahan kung magagamit ko lamang ito ay para sa ibang tao at hindi para saakin.

   Meron nga yung time na tinry kong hulaan gamit ang crystal ball ko ang mga sagot sa test exam namin pero ayun! Ayaw talagang mag work ang powers ko lalo na't kung para sa kasamaan ang pag-gagamitan ko. Kaya't hanggang maaari ay hindi ako nagpapabayad sa mga taong nagpapahula saakin.

    Na boring ako sa kanonood ng mga palabas sa television kaya lumabas muna ako sa harap ng bahay namin para magpahangin. Umupo ako sa rail ng terrace namin at pinagmasdan ang mga bituin sa mga ulap. Dun ko napansin na dumaan si Mang Ferdy nang naka simangot.

    "Oh mang ferdy, Naniniwala kana sabi ko kasi wag ka nang tumuloy ehh" Sabi ko sa kanya.

  "Tsk, Sana nakinig na nga lang ako sayo para di nasayang pera ko!" Sabi nya habang kinakamot ang kanyang batok at yun umalis na.

   Napa buntong hininga na lamang ako. Ang ganda nga ng Kakayahan ko ehh, Pang Final Destination. Makikita ko ang mga kapalaran mo. Maaring Oras ng kamatayan mo, Oras para sa sakit mo, at ano pang mga dapat hulaan.

     "Clar, Want mo ba hanapan na lang kita ng Lalaking magmamahal sa 'yo? Look oh your sad at ang lonely mo here at your bahay!" Sabi ni Abie conyo.

   "Tsk, Ang Pagmamahal ay pupunta ng kusa yan sayo. Maaaring hindi ngayon pero mag tiwala ka lang sa Destiny mo!" Sabi ko na lamang sa kanya.

   "Wow Clar! Hindi ako marunong manghula pero sa Facebook mo siguro nakuha ang quotes na yon nohh?" Tinignan ko sya at tumango sa kanya. So ayun! Tumawa kami ng tumawa best friend talaga kami.

                  ********
                           

  

   

  

  

  

 

 

  

 
  

   

     

RelationSHIT (Maldita The Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن