DyOsA 35

34 11 0
                                    

DyOsA 35

Savannah's Speaking;

      Badtrip akong papasok ngayon sa school. Imbis na makisabay ako kay Raegen ay nag decide na lamang akong lumakad mag isa. Total ayaw ko muna syang kasama.

   "Arghhh!!! Pakyu kang Nyebeng Shit!!" Sigaw ko na lamang habang naglalakad dito sa sidewalk. Wala na akong pake kung tawagin ako ng mga ibang tao na baliw. Ehh sila naman ang baliw dahil pinapanood nila ako.

      Bigla na lang may nakasalubong akong isang lalaking weirdo at dahil sidewalk nga ito ay dumaan na lang ako sa left para maiwasan syang banggain pero ganon din sya, Sa right na ako pero ganon din sya, Bumalik ako ulit sa left pero ganon rin ulit sya. At talaga bang bwinibwisit ako nito haa! Badtrip ako at baka gusto nyang malditahan ko to.

    "Tatabi ka sa daan o itutulak kita sa gitna ng Highway at dun ka makipagpatintero! Bwakinang Shit ka din ehh" Sabi ko sa kanya at binagga ang kanyang shoulder. Bwisit sya ehh.

      Naglakad na ako patungo sa school namin habang dala dala ang aking naka simangot na mukha.

    Nang nasa field na ako ay nakasalubong ko nanaman ang feeling kontrabida dito sa aking storya. The One and Only Queen Bee of this School na walang binatbat saakin. Si Kangkong.

     "Well well, Look who's here. Speaking of the malanding babae" Sabi nito na syang kina cross arms ko. Puro waley naman kase mga panlalait nya ehh.

  "Oh? Nasan yung baklang back up mo? Wala ba sya? Oww pity on you. Wala ng magtatanggol sa'yo" Sabi pa ni Rose na akala mo naman ay kinatakot ko.

     Tinignan ko sya from head to toe at di pa ako nagsawa at tinignan muli sya ng ganon ng naka kunot ang aking noo.

    "Ohh ano? Ba't pati paa ko at mukha ko ay tinitignan mo? Pati ba paa ko gusto mong halikan dahil—Pakk!!" Nabigla ako dun sa sa lakas na impact na yon. May sumapak sa kanya. Napatingin ako kung sino ang malakas ang loob na sumapak sa kanya at walang iba kundi si Clarissa. Ang Babaeng Taga Hula ko.

     "Arayy haa! Ansaket!!! Sino ka ba sa tingin mo? Haa Nerdy?!!!" Sumbat pa ni Rose at di na ako nakapagpigil pa at sinapak na din sya sa kabilang pisnge. Narinig ko pang napa gasp ang mga alipores nya dahil sa pagsapak ko sa pisnge nya.

     "Sayang kasi kung hindi pantay yung blush on mo kaya ayan. Dinagdagan ko" Walang ganang saad ko sa kanya.

      "Oh ayaw mo pa??? Instant Blush on yan. Aarte pa ba?!!" Sabi naman ni Clarissa na ngayon ay nakapameywang ang isa nyang kamay.

   "Pagbabayaran nyo tohh!" Sabi nya pa na ikinatawa naming dalawa ni Clarissa.

       "Oh, Kanina di ba tinatanong moko? Kung bakit ko tinitigna yung mukha mo at paa mo? Well nagtaka nga ako kung ano ang pinagkaibihan nilang dalawa ehh" Sabi ko sa kanya.

  "The differentiate of your Face to your toe is the spelling only but the looks??? Well similarities lahat" Dugtong ni Clarissa sa aking sinabi at ako naman ang nagsalita.

     "In short, Mukha kang paa!" Ang sinabi ko at yun tuluyan ng nag walk out ang babaitang saksakan ng arina I mean pulbos.  At maging ang mga alipores nya.

    Aalis na rin sana ako dahil tapos na ang show pero biglang hinawakan ni Clarissa ang aking balikat na syang kinatigil ko.

     "Sav, Magiingat ka. Wag kang tatanggap ng mga pagkain at inumin kahit kanino"

  "Alam mo pati ikaw ehh naiinis na rin ako sa yo? Ano ba role mo dito sa kwento ko? Hula mo, gawa ko? Ganon ba ang role mo. At pano kung ayaw kong sumunod sa sinasabi mo?" Binawi ko ang aking kamay na kanina nya pa hinahawakan.

     "Nag aalala lamang ako sa iyo dahil hindi ko maipaliwanag ang sinasabi ng Tadhana saakin. Mukhang may ugnayan tayo na hindi ko alam kaya lubos ang aking pag aalala sayo" Sabi nito na syang kinakunot ng aking noo. At nakuha pang magbigay ng palaisipan si Clarissa haa.

   "Basta wag ka na lang tumaggap ng mga pagkain sa iba at mga inumin. Nakita kita sa vision ko at may tinanggap kang isang soft drinks at ng ininom mo yun ay bigla ka na lang bumalagta sa daan at bumula ang iyong bibig" Aalis na sana ako dahil ayaw ko ng marinig pa ang mga babala nya pero hinawakan nya muli ang aking kamay kaya napalingon muli ako sa kanya.

     "Please, Mag tiwala ka saakin. Ikaw Bida dito kaya wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong mamatay!" Huling kataga nito at umalis na.

     Naiwan nanaman akong tulala. Seryoso ba sya sa kanyang sinasabi??? Oo tama! Nung Una hinulaan nya ang tungkol kay Raegen kung saan sya mahilig at yun ay ang mga My little Pony. Yung Pangalawa na sinabi nya saakin na umiiyak ako sa gitna ng kalsada habang umuulan ay yun yung time na pinalayas ako ni Dad na lubos akong umiyak at dumating si Raegen para sunduin ako. Lahat ng kanyang Hula ay tama, Hindi naman siguro masama kung magtitiwala ako sa kanya.....

Bumalik na ako sa paglalakad ko at maka ma late pa ako.

       Sa may Hallway papuntang classroom ko ay may nasagap ang aking panignin na dalawang professor at naguusap. Seriously? Nakuha pa nilang mag chismisan haa.

   Agad akong dumaan sa kanilang gitna. Di na ako yumuko at nag sabi pa ng excuse dahil mga sagabal sila daanan ko.

    "What a Disrespectful Student!" Narinig ko pang sabi nung Prof pero snob lang saakin yon. Dedma sya at di ko na sya pinanasin.

    Pagpasok sa classroom ay natahimik ang lahat. Dapat lang matakot sila saakin. Umupo na ako sa aking upuan at dun na umubob sa desk ko.

     Expected kong may kakalabit saakin at may mangkukulit pero wala. Tsk! Nasan na ba yang Henry na yan??!!

    Agad na tinignan ko ang seatmate ko at wala pa ring nakaupo. Nasan na si Henry? Anong nangyare dun? Patay na ba??? Huyy halaa wag naman sana mabawasan yung mga character dito sa aking storya. Grabe naman.

                               *****

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now