DyOsA 24

31 11 0
                                    

DyOsA 24

Savannah's Speaking;

     "Ang Ganda mo talaga Self!" Sabi ko sabay nag aura look sa salamin. Nag perfume lang ako at nagsuot ng Black Denim Dress na bumagay sa School Uniforms namin na color Red.

    And speaking of School Uniforms ay malamang papasok nanaman kami sa School. Kung san pinagsama sama ang lahat ng mga mayayamang student.

     Ineenjoy ko ngayon ang buhay mayaman dahil wala ang mga parents ni Nyebe dahil kung meron siguro sila ay baka malamang napatalsik na ako sa pamamahay na to noh.

     "Hey! Hurry Up! We're gonna be late!" Sabi ni Nyebe na nasa labas ng room ko. Di na sya kumatok pa kaya sinigawan na lang ako.

   Kinuha ko na ang Prada Bag ko at lumabas na sa kwarto ko.

     "Beautiful"

  "Tcc! Tagal na ahh"

       "I mean my Unicorn" Boom Bars! Talaga napakalaki ko nga naman talagang assuming.

   "Di wow! Halika na nga!" Sabi ko sa kanya at yun tumawa ang gung gung. Peste sya!

      Sumakay na ako sa Maybach Exelero nya dun sa backseat.

  "Ayaw mo bang dito sa shotgun seat?" Arghh! Those voice. Nakakakiliti peste.

      "No, Dito na ko. Thanks na lang" Okay self good choice!!! Must prioritize being a Maldita para hindi ka mahulog dyan.

   "Okay sabi mo ehh" Sabi nya at inistart na ang kotse at pumunta na kami sa school.

                                 ***

Clarissa's Speaking;

     Bumangon ako sa kama ng nakangiti. I can't still forget our Moment of Ezi nung nasa Restaurant kami.

   Humikab ako at sinimulan na ang mga Morning routines ko. About yesterday, Nakumpirma kong may gusto sya sakin. He even Confess about his feelings towards me at ako naman ay hindi maalis ang kaba sa aking sarili.

   First Time na nangyare saakin toh and I can't still believe it. Ganito ba ang mainlove? Muntanga ang mga ginagawa? Ngayon kasi ay nagtooth-brush ako ng walang tooth paste oh di'ba ang Boba! Tapos kanina kumain ako ng sopas tapos ang ginamit ay tinidor haytts Muntanga na nga pero itong mga ngiti ay hindi maalis alis. Naku! Dapat maalis tong ngiting toh. Tulad ngayon ulit napakatanga ko. Nag tooth brush na ko tapos kumain oh di'ba ang useless ng pag sipilyo ko dahil kumain ako. Hayyts Tanga talaga.

    May kumatok sa Gate ko. Kahit na nandito ako sa loob ay rinig na rinig. Sorry, Di Uso ang Doorbell saamin dahil I admit mahirap lang ako noh. At itong bahay ko? Well bunga lang naman ito ng aking paghihirap tulad ng mga part time jobs at mga scholarship ko. Oo isa ako scholarship sa Royalty High Academy.

   Anyway, parang feeling ko ay ibang tao to dahil kung si Abie to ay wala ng paalam na papasok yan. Ganyan talaga yan, Walang Respeto. Kaya ngayon ay nakakapanibago.

     Pumunta ako sa labas at pinihit ang Gate ko para ma unlock ito at bumungad saakin ang katawan ni.............................. Ezikiel.

    "Ahh ehh ahmm a-anong ginagawa mo dito?!!" Di makapaniwalang tanong ko. Imposible, Pano nya nalaman kung saan ako nakatira ehh si Abie lang naman— Wait a minute......
   
    "Abieeeeeeeeee!!!!!!!" Sigaw ko at bigla na lang dumungaw saaming gitna at nag peace sign. Pinanlakihan ko sya ng mata.

    "Hehehehe First of all Una sa lahat I'm very very veryy Sorry humihingi me ng tawad dahil sinabi ko sa kanya yung address mo. Na tempted kasi ako sa Dairy Milk at may kasamang 5,000 pesos. Hehehe sorry talaga" Conyong Grammar ni Abie.

      "Ahh ehh sabay na tayo" Alok nya saakin at imbis na ako ang kikiligin ay si Abie tuloy. Ayieee ng ayiee ehh ang loka loka.

   "Sorry Wala akong Kotse kaya nag rent na lang ako ng Commute" Sabi nya.

     "Haa??? Okay lang naman pero Ba't ka pa nag rent??? Ehh malapit lang naman yung school natin dito haa" Sabi ko sa kanya.

  "Ehhh, Wala gusto ko lang ihatid ka" Sabi nya habang kumakamot.

     "Ahh, Couples maglalakad na lang ako at di na sasabay sa inyo"

  "At bakit naman?" Tanong ko kay Abie.

     "Dahil malamang kailangan nyo ng Sweet momen—este may dadaanan ako sa Bookshop! Oo tama! May bibilihin pa ko kaya. Byeeee!" At pinoke pa talaga ako ni Abie sa aking tagiliran.

     Napailing na lamang ako habang tumatakbo paalis yung si, Abie. Alam ko namang gusto nyang dalawa lang kami ehh.

    Sabay kaming pumasok sa Taxi. Magkatabi sa Backseat. Walang imikan, In short awkward ang dating. Naku! Dapat may topic kami ano ba yan!!!

      "Ahh Musta na?"

            "Musta ka na?" What the— Jinx kami. Dapat kasi nahuhulaan ko kung ano ang gagawin nya pero hindi ehh. It's empty. Mahirap syang basahin.

  Tumawa kami ng sabayan. At sumagot ako. "Okay lang naman ako" Ang tugon ko sa kanya.

   Oo na wala kaming kilig moments tulad nung mga nasa Love Story pero wala akong pake talaga.








                             ***

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now