DyOsA 39

30 11 0
                                    

DyOsA 39

Savannah's Speaking;

     "Oh san ka pupunta? Nakabihis ka ehh?" Nakaupo ako sa couch at busy sa panonood ng Horror Movie ng biglang nakita ko si Raegen na ngayon ay bihis na bihis talaga.

      "Just Going Somewhere, I mean to Date someone" Napatayo ako sa kanyang sinabi. Anong Date? Gago ba sya??? Sino?? Sino nanamang hudas ang nakapasok sa aking storya!!!??

  "Hep! Hep! Hep! Anong Date ang sinasabi mo? Baliw ka ba? Walang papatol sayo kaya If I we're you wag ka ng sumipot pa. Kala mo naman may papatol na babae sayo, Kung bakla siguro Oo pero walang matinong babae ang mag da-date sayo!" Salaysay ko ng dire-diretso. Malinis at hindi ako nabulol ng kahit isang salita.

  "So....... Are you proclaiming na hindi ka matinong babae? Well if that so. Byee!" Sabi nya at sinuot na ang kanyang Blazer. What the—Pupunta talaga sya? Pero ano yung sinabi nya na hindi ako matinong babae? Di ko sya maintindihan.

       "Oh, I forgot my kiss" Sabi nya at lumapit saakin ng naka ngiti. Ngiting may binabalak.

  "H-hoy anong pinagsasabi mo— Manyakk ka talaga!!! Umalis ka na nga!" Suway ko sa kanya ng biglang may kinuha sya sa aking likodan.

     "Assuming mo naman, I said I just forgot my Keys, Ikaw ang manyak pati ba naman Keys ay napagkamalan mong halik" Sabi nya at umalis na pagkatapos kunin yung susi na nasa lamesa sa likod ko.

       "Arghhhh!!! Bwisit ka talaga!" Sabi ko sa kanya at ang Gago ay natawa.

  Pwes, Ewan ko lang kung tatawa ka pa kung gagawin ko ang aking plano.

    Nang umalis na sya ay bumalik ulit sya sa kwarto nya. Nakalimutan nya daw kasing mag toothbrush. Now this is the chance.

     "Indayyyyy!!!!!!!!" Sigaw ko at in just a snap ay nasa harapan kona sya.

  "Ma'am sorry po talaga di ko kaya yung pinapagawa nyo na tahiin yung nabasag na flower vase. Kahit ano na lang po yung ipagawa nyo ma'am" At talaga namang sineryoso nya yung sinabi ko, Minsan may pagkakahawig talaga si Inday pati si Dumbelina ehh. Parehas silang shu-shunga shunga at uto uto.

     "Tsk, Okay lang. Ikuha mo na lang ako ng Pako!!! Yung kasing laki ng hintuturo mo haa! Bilis"

  "Ahh opo ma'am!" And agad agad na tumakbo paalis si Inday. Bumalik agad sya na wala pang 10 seconds ang nakakalipas dala dala ang malaking pako.

     "Good!" Sabi ko na lamang at kinuha ang pako na yun at lumabas agad sa front door.

   Dumiretso agad ako sa garahe ng mga sasakyan at hinanap ang Maybach Exelero nya at...... "Bingo!" Nasabi ko na lamang.

   Tsk, Lagot ka sakin ngayong kotse ka. Dahil sa ginawa mo sakin ay ito ang ganti ko at isa pa, Di ka na makaka attend sa date mo dun sa babae mo. Haha!!

     Nag squat ako ng upo at wala ng intro intro at dali daling tinusok ang gulong ng kotse nya. Ahahaha! Ganito ang totoong demonyo.

        Tinusok ko ang isang gulong nya na nasa likod at di pa ako nakuntento at binutas rin ang nasa kabilang likod na gulong.

     At dahil parang naaawa ako. Wow! Demonyong may Konsensya yarn? Well dahil may natitira pa naman akong kabaitan ay di ko na tinuloy at umalis na agad sa garahe. Fvck!! Bilis!

     Pagpasok ko ay sya namang pagbaba nya sa hagdan at dahil konti na lang ang oras ko ay agad akong tumalon para lamang mapadali ako sa pagpunta dun sa couch. Oh di ba? Breath taking ang eksena.

      "Ba't ka pinawisan? Nanood ka lang naman haa" Sabi nito saakin na syang pinunsan ko ang mga pawis ko.

  "Mainit kasi, Kaya wala toh. Sige na nga! Umalis ka na nga!!!" Sabi ko sa kanya ng naka ngiti.

      "Ang dungis dungis mo rin. Yung totoo, Dati ka bang mangangalakal?" Tanong nito at ako naman ay tumawa. Fake laugh.

     "Hahahahaha! Nakakatawa ka. Umalis ka na nga. Punta ka don sa Date mo at baka hinihintay ka nya" Sabi ko sa kanya at tumalikod ng konti para dun ilabas yung totoong ngisi ko. Wahahaha!!!

      "Actually mukhang ako yung maghihintay sa ka date ko ehh" Sabi nya at tinignan pa yung wrist watch nya. Pinagsasabi nitong asungot na to???

        "Hoyy! Anong trip mo?" Nagtataka na kasi ako sa kanyang inaacto ehh.

  "Why are you so Clueless Savannah??? Ikaw...... Ikaw ang aking ka-date ko" Sabi nya na nagpalaglag nang aking panga. Huyy seryoso ba sya???

     "Now I give you 5 minutes to change. Now!!!" Sabi nya na syang tinakbo ko mula sa taas.

   Kung diretso nya sanang sinabi na ako yung ka date nya edi sana kanina pa ako naka palit. Gung gung rin to ehh. Manhid!

     Buti na lang at naka ligo na ako kanina at magpapalit na lang ang aking gagawin. Nag Pink Floral Dress na lamang ako na hanggang tuhod at nag pulupot ng pink na balahibo sa aking leeg. Nag apply na rin ako ng mga jewelry habang naka sukbit saaking balikat ang Channel Bag ko. Nag high heels na lang ako ng simple 3 inches pink at nag belt ng Gucci. Kinuha ko na din yung sunglasses na syang sinuot ko sa aking leeg at nag ponytail na lamang.

     "Let's go na!" Sabi ni Raegen pagkababa ko pa lamang sa hagdan. Dumiretso na kami sa labas at dun na ako kinabahan. Pakshett!!!

    "Raegen, Anong sasakyan yung gagamitin na-natin?" Kinakabahang tanong ko. Naku! Hindi pwedeng yun yung gagamitin namin.

   "We're using the Maybach Exelero Car. Why???" Sabi nya at dun na ako kinabahan. Oh No! Ang bilis ng Karma ko. Arghhhhhh!!! Dapat pala di ko na lang binutas yung gulong.... Huhuhu!

                            ******

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now