DyOsA 5

41 11 1
                                    

DyOsA 5

Savannah Speaking,

   Ngayon ay nandito ako sa parking lot still waiting for manong gardo at tinext ko pa sya na sunduin na ako. Grabe ang hassle idagdag mona yung pesteng magnanakaw. Ang kapal talaga non eh! Alangan naman na tangayin nya yung prada bag ko ehh ako ang bida malamang extra cast lang yun.

    Bigla na lang may humintong sasakyan saakin and it's manong Gardo. Arghh Finally!

   "Ma'am uuwi na po ba tay—"

  "Naku manong Gardo tigil tigilan moko dyan sa napaka common sense mong tanong at baka di ko namalayan nasapak na kita!" Inopen ko ang car door at ng makapasok ako ay patabog kong sinara. Nakakainis lang kasi ehh.

                              *****

   "Ano tong nabalitaan kong scandal mo sa isang Fast Food Chain?" Si Dad.

  Nakayuko lamang ako habang Sinesermonan nya ako.

    "Nakakahiya ka, Kulang na lang itakwil kita dahil sa kahihiyang ginawa mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao??? Na scandalosa ang anak ng Hilton Family? Juskoo!" Wag kang iiyak Sav, it's just a sermon. I tried to calm my self kahit deep inside ay parang isang pikit na lang ay dadaloy na mula sa aking pisnge ang mga luhang hindi dapat lumabas.

    "And also, Ano tong sinabi ng kapatid mo na grabe ang pagtra-trato mo sa mga maids natin? Aber?!!" Hindi na ako nakapagsalita. Tanginang kapatid yan dapat pala sinabi kong bakla na to para sya naman ang pagalitan ni Dad.

     "Ahh ehh Sir, Singit lang po ako" Napunta ang aking mga tingin or should I say ang aming mga atensyon kay..... Dumbelina.

   "Sir hindi naman po sya gaanong masama sa totoo nga lang po kahit hindi ako educated na tao ay pinatuloy nya pa rin ako sa mansion nyo" Defend ni Dumbelina.

     "Opo Sir, Mabait po saamin si Ma'am Savannah pero kapag wala po talaga sya sa mood ay dun nya lang kami pinapagalitan pero ang totoo ay mabait po sya" Pag sesegundo ni Manong Gardo.

   Sarap pala sa feeling na may mga taong handang makielam sa away basta maipagtanggol ka lang nila at mai-defend ka lang sa Dad mo. Kahit napaka maldita ko sa kanila ay ipinagtatanggol parin nila ako. Ngayon ay parang gumanda ang aking pakiramdam. Akala ko ngingiti na si Dad dahil sa mga sinabi ng mga katulong pero blanko pa rin ang kanyang mukha.

     "The Topic is all about your attitude towards to others, Ayaw ko man gawin ito pero kailangan mo mag transfer into another school"

   "Whatttt????!!!!!!" Biglaan kong tanong. I mean na shock ako dahil sa sinabi ni Dad dahil kaka transfer ko lang tapos mag tra-transfer nanaman ako juskooo! Wala bang matinong school ang para saakin?

   "And also wala kang magiging finances or income. To make it short stand up with your own feet" At tuluyan ng umalis si Dad.

   Naiwan akong speechless dahil sa ginawa ni Dad. Anong sinabi nyang 'stand up with your own feet?'

   Bigla na lang may nag poke sa aking bewang at napalingon ako and guess what nakita ko ang aking bwisit na kapatid nang naka ngiti saakin.

   "Ate ang ibig sabihin ni Dad ay kailangan marunong ka ng tumayo sa sariling mong mga paa at hindi mo na kailangan umasa pa sa kanila. In short, Be Mature dahil puro ka nalang inarte" Wow! Thank you sa advice haa.

   "Umalis ka nga dito at baka ipalamon ko sayo lahat ng laruan mong Unicorn. Bakla!" At yun narinig ko pang tumatawa sya habang naglalakad papuntang room nya. Arghh! Putragisss!

    Nag walk out narin ako at pumasok na sa room ko. Pero nabigla ako dahil inaalis ang aking mga ibang gamit.

   "Aling Martha! Ba't mo sinusupot ang mga Heels ko? They we're expensive!!!" Sigaw ko sa kanya.

    "Ahh ehh ma'am utos lang po saakin ng Dad nyo. Ayaw ko nga po pero tatanggalin nya daw po ako kapag sumaway ako" Dahilan nito habang walang tigil sa kakapasok ng mga branded na damit, heels at bag ko sa garbage bag.

    "No Use Ate, Actually I warned you ate na don't be so rude, don't be so mean pero anong ginawa mo??? You just ignored me kaya yan ang consequences mo" At umepal pa talaga tong kapatid ko.

   "Umalis ka dito kundi ipapalamon ko sayo yang hawak hawak mong unicorn! Arghh!" Naiinis na saad ko dahil konti na lang ay baka patayin kona to.

    "Oopps Sowyy atee! Hahahaha" Wait lang haa, Ba't parang baliktad ang nangyare? Bakit parang yung kapatid ko yung naging kontrabida? Ehh ako dapat yun ehh!

   At dahil ngayon ko lang naisip na kontrabida ako ay bigla kong inagaw sa kanya ang unicorn na hawak hawak nya atsaka binato dun sa window.

    "Halaaa!!! Si Rainbow Dash yun ehh!" Nangingiyak na saad nya.

  "Wakom Pakels! Dapat nga ikaw maging matured satin ehh! Ayan isip bata pa!" Nag tantrums ang kapatid ko at umalis na. Yan! Ganyan dapat! After all ako pa rin ang kontrabida.

                   

                              ****

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now