DyOsA 37

30 11 0
                                    

DyOsA 37

Savannah's Speaking;

      "Ang putla mo ata Sav??? Okay ka lang" Ewan ko kung sino yung nagtanong. Pangalanan na lamang natin syang 'Nobody' isa kasi syang kaklase ko.

   Nahihilo at nagiging blured ang aking paningin. Oh di ba ang taray ng mata ko. Naka Version dahil may pa blured effect pa.

     "O-okay lang ako" Hinang hina kong saad. Ewan ko kung bakit ang alam ko na lamang ay nag aalburuto ang aking tyan na parang kanina pa gutom na gutom. Para ngang sasabog na bulkan ang aking tyan ehh.

       "Guys tulong! Si Savannah idala natin sa clinic!!!"

  "Ohmygosh!!! We need to help her!!!"

   "Oo nga tulungan natin sya!!! Ngayon na nga lang tayo magkakaroon ng exposure sa kwento aarte pa ba tayo! Go na! Tulungan natin sya!!!"

     Bigla na lang may mga babaeng nagsisigaw sa labas ng classroom namin. Walang mga lalaki sa classroom namin at puro mga maaarteng babaeng ang mga nandito sa loob.

      "Guys!!! Sa Savannah!!! Idala natin sya sa clinic Guys—"

  "Move aside" A familiar voice. Kilalang kilala ko to. Cold talaga sya sa mga ibang tao. No wonder kaya pala tinaguriang syang Snow Prince.

     Naramadaman ko na lamang na binuhat nya ako na pang bridal ang style at di ko na namalayang nahimatay na ako. Eckkk--

                                *****

   "Okay na sya, She's stable. Nalipasan lang sya ng gutom kaya nahimatay sya. Next time I recommend na kailangan kumain sya sa excact time at hindi na dapat sya magpalipas pa ng gutom" Nagising ako sa kawalan at ang alam ko na lamang ay nakahiga na ako. Anong nangyare saakin?? Bakit ako nandito sa clinic! Huyy Grabe!!! Anong ginagawa ko dito?

     Bigla akong bumangon at nakita si Raegen na nakaupo sa isang silya umalis na rin yung babaeng nurse.

     "Didn't I tell you that—Arghhh!! Just get well soon!" Sabi nya. At plano nya pa talaga akong ratratan ng mga sermon haa.

"Ikaw tong nagsabing 'Wag ka nang kumain! We're getting late! Sa Fast Food Chain kana lang kumain!" Ginaya ko pa yung the way nang pananalita nya ehh.

    "Ehh sinabi ko namang kumain ka sa Fast Food Chain ehh hindi ko naman sinabing magpalipas ka ng gutom!" Sumbat nya naman saakin.

  Edi kung Fast Food Chain lang naman ang aming pinaguusapan ehh bakit hindi na lang yun yung naging title ng storyang toh? Bwakina ehh pati pa talaga Fast Food Chain dinamay.

      "Okay, Aalis na ako" Sabi nya at tumayo na.

   Syempre ayaw kong maiwan dito mag isa kaya ginamit ko na ang acting skills ko.

      "A-aray ang sakit ng Puson ko!!! Aray!!!!"

"Hinahawakan mo liver mo hindi yung puson. Aarte na nga lang mali pa" Sabi nya at sinara na ang pinto.

    "Pakyuuu!!! Tanginamoo!!! Sagad na Sagad!!!" Sigaw ko na lamang dahil bwisit sya.

   Ayaw ko namang mag stay dito pero naalala ko na clinic lang pala to at hindi hospital. Agad na bumalikwas sa pagkakahiga at inayos ang unan at tinupi ang mga kumot.

    Sinukbit ko na ang channel bag ko ng may mahagip akong isang Dairy Milk. Oops! Paalala, Hindi ko to ineendors. Sadyang favorite ko lang...

    Kinuha ko ang Dairy milk na naka patong sa lamesa sa tabi ng kama ko. Dun ko lang napansin na may sticky notes ito kaya binasa ko ang nilalaman nito.

     "Eat this before you leave my Wifey.............. From your Hubby, Raegen" Pshhh!!! Ang corny.

   Kung ang iniisip nyo man ay kinilig ako pwes hindi dahil tawa ako ng tawa. Juskoo sa mundong puno ng couples na ang Call Sign ay Babe, Honey, Sweetie, Luv ay ito kami ni Raegen. Wifey at Hubby ang tawagan. Ano ba yan?!!! Nakakaumay haa.

    At ilan nanamang mais ang nakain ng Nyebeng yon para ganito nanaman maging corny. Aber?? Ghaddd!!

                            *****

    

   
  

 

      

      

     

  

  

 




RelationSHIT (Maldita The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon