DyOsA 42

31 10 0
                                    

DyOsA 42

Tumbelina's Speaking;

    Sa wakas! Salamat author dahil magkakaroon na ako ng exposure dito sa kwento bago matapos. Phew!!!

     Kasalukuyan akong nagwawalis dito sa sala ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ay ang mga armadong lalaki.

      "Ayytt!!! Wag poooo!! Wag nyo po akong saktan, Parang awa nyo na poo!!! Huhuhu!!!" Sabi ko pero nilagpasan nila lamang ako.

   Ayyt huyy sandali?? Bakit nila ako nilagpasan? Di ba nila ako nanakawan? Huwaw haa! Ano tohh? Bastusan??? Pinagmukha talaga saakin ng Harap-harapan na wala talaga akong silbi sa kwento haa!! Mga bwisit toh!

     Bigla na lang akong nakarinig ng isang putok ng baril at nasisiguro kong galing iyon sa kwarto ni Sir Greg.

        "Waaaaaaaahhhh!!!!!!! Tulong! Help!!!!" sigaw ko dahil wala akong magawa. Binuhat nila si Sir Greg na ngayon ay may tama sa kanyang ano sa wait basta dun sa malapit sa kanyang ano dun sa. Iss!!! Basta nabaril sya.

    Lumabas na sila habang ako ay sumusunod sa kanila. So ano? Pati ako hindi nila ki-kidnapin? Mga bastus haaa!!! Wala pa silang pansin sakin.

     "Tulong!!! Tulongg!! Mga Kapitbahay!!! May mga nanloob saamin!!! Waaaahhh!" Sigaw ko na parang tanga dahil wala naman talaga kaming kapitbahay dahil private area ang location nito at puro mga naglalakihang mga puno ang mga kalapit ng bahay namin.

      Sumakay sila sa Puting Van. Kinidnap nila si Sir, Waaaaaahhhh!!!!

   Agad akong lumapit kay Manong Gardo na ngayon ay bugbog sarado. Sayang ang laki laki ng katawan mahina naman pala sa suntukan.

     "Halina po kayoo, Aray ang bigat!!!" Daing ko na lamang ng binuhat sya at dinala sa loob. Maging si Aling martha ay nawalan ng malay. Wala namang nangyare sa kanya kung nag trigger lamang ang nerbyos nya kaya ayun. Nahimatay ang Gaga!

     Agad kong tinawagan si Ma'am Savannah pero parang hindi matawagan sya ang sa tingin ko ay nagpalit dya ng numero. Ano ba yan! Next ko namang tinawagan si Sir Gian pero cannot be reached naman ang isa. Tinawagan ko si Sir Greg at dun ko lang naisip na napaka dumbel ko dahil di ba nga na kidnapped sya ng mga armadong lalaki. Tsk!!! Pano na to??? Hindi pwedeng wala akong magagawa dahil baka i kick out ako ni author dito.

    Biglang nag pop out sa aking isipan. Oo nga pala!!! May pulisya! Napaka dumbel ko rin pala. Bobo ka self!!! Juskooo!!!

                               *****   

Clarissa's Speaking;

    Hellow ulit guyz! Nagbabalik ulit ako hayyts!

        Kakauwi ko lang galing probinsya at ngayon ay nandito na ako sa bahay ko. Inaasahan kong sasalubungin ako ni Abie at tama nga ang hinala ko dahil bigla na lamang nya akong niyakap.

       "Miss na kita, Clar! Di mo na ako pinapansin haa!!! Ganyan pala!" Reklamo nya sakin at nag cross arms pa.

  "Gaga nandito ako ngayon dahil kakain lang ako tas mamaya aalis din ako" Sabi at tinaliman nya na ako ng tingin.

     "Joke langgg!!! Ito naman di mabiro" Sabi ko sa kanya at nag peace sign pa.

   As usual, Marites si Abie dahil lahat ng nangyare dito nung wala ako ay sinabi nya saakin. Sinabi nya din na nagaalala na saakin si Ezi at lagi daw syang pabalik balik dito sa bahay ko.

   Naku! Tatlong araw lang ako nawala na miss nya na ako. Jokeee! Ganon din naman ako sa kanya haa.

  "Oh Clar, Bakit wala yung Crystal Ball mo dito na naka patong? San nagpunta?" Tanong nya saakin at napailing naman ako.
 
     Na clear na ang aking isipan. Isinuli ko na din ang aking hawak hawak na Crystal Ball sa aking Lola.

   Malinaw na ang lahat saakin. Hindi ako ang totoo anak ng anak ni Lola kundi pina-ampon lamang nila ako sa kanila ng aking totoong magulang.

   Sabi ni Lola ay may rason ang aking totoong magulang kung bakit nila ako pina-ampon sa kanila yun ay ang dahil sa kahirapan kaya nila nagawang ipa-ampon ako sa iba.

    Dumating daw yung time na kailangan na nila ako para bawiin dahil nakaraos na ang aking toyoong pamilyan ngunit ang aking nanay-nanayan na si Thelma Managuelod-Madrigal ay hindi sumang ayon.

   Ayon kay lola, Baog daw ang kanyang Anak na si Thelma at nung dumating daw ako sa kanilang buhay ay halos matuwa sya dahil sa wakas ay may sarili na syang anak.

   The story goes by, Inangkin nila ako na parang anak pero namatay din sila dahil sa Cancer.

     Matagal na din daw akong hinahanap ng aking mga totoong magulang at natanong ko nga rin kay Lola kung bakit panay Avia ang tawag nya saakin. Yun daw kasi ang totoong pangalan ko at hindi Clarissa.

   Aviannah Mae Hilton ang aking totoong pangalan. Alam ka na ding kapatid ko si Savannah Hilton at ama ko ang aking nakausap nung last sunday nung nagpa tempered glass ako ng selpon. Yung sa sobrang pag aalala ko sa kanya kahit na di ko kaano ano ay ang Ama ko pala. Talagang mapaglaro itong tadhana ehh.

       Nagtungo na ako sa kitchen dahil kukuha ako ng baso at naiinom habang si Abie naman ay ayon tuloy sa pagkwento.

          Bigla ko na lamang nabitawan ang basong hinahawakan ko sanhi para mabasag ito at nagsikalat ang bubog sa sahig.

     Pupulutin ko sana ang nagkalat na mga bubog ng biglang nasugatan ako. "Aray!" Daing ko ng masugatan ang aking palad.

     Ito nanaman tayo. Kinakabahan at parang feel ko ay may masamang mangyayare ngayong Hapon.

     *insert, Intense music* Mababa yung budget ehh.

       Napatayo ako sa sandali habang ang aking mga mata ay nakatitig lamang sa aking kamay na ngayon ay nasugat dahil nabasag na baso.

    "Owemji Clar!!! Are you engot ba? Or sadyang boba lang ang peg? Why you only watch the dugo flowing in you hand? Your blood is not a teleserye? Why you panood it?" Sabi ni Conyong Abie na nagbalik sa akin sa realidad.

    Napailing na lamang ako. Mangyayare ngayon??? Masama to! Kailangan kong iligtas ang aking Ama!!

      Pumunta agad ako sa sala. Binuksan ko yung drawer ko at nakita ang isang caliber 38 na may anim na sunod sunod na putok. Nilagay ko ito sa bag ko at isinukbit na sa aking balikat.

     "Huyy Sandali Sama ako! Where are you going ba?" Sabi ni Abie ngunit tumakbo na ako para di nya na masundan. Ayaw kong madamay pa sya sa eksenang ito, Ang dami nya na kasing exposure dito sa kwento ehh.

                               ******

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now