DyOsA 40

28 10 0
                                    

DyOsA 40

Savannah's Speaking;

     Ngayon ay nasa Talyer kami. Jusmeee kung bakit ba naman kase ako yung dahilan para di matuloy yung Date namin.

      "Hayyts! Nakakapagod!" Sabi ko na lamang.

  "At ikaw pa napagod haa? Ano lang ba ang ginawa mo??? Ehh si Inday ang nagtulak papuntang dito ehh ikaw naglakad lang naman!" Sabi ni Raegen saakin. Susumbatan ko sana sya ng biglang nagsalita ulit sya.

     "Just who the hell kasi ang gumawa sa kotse kong toh, She or he will pay for this. Inday meron ka bang napaghihinalaan sa bahay natin aside kay Ezi???" Tanong nito kay Inday na ngayon ay lantang gulay na nakasandal sa isang upuan dito sa talyer.

    "Ahh Sir, Hindi ko po talaga alam" Sagot ni Inday.

   Speechless ako ngayon. Oo na! Talaga kapag may nagawa kang kasalanan automatic talagang magsasara ang bibig mo at magtatago ang dila mo sa gilagid. Grabe ehh, Natamaan ako dun.

      "Tsk, Oh? Ba't natahimik ka?!! Ikaw ba yung gumawa" Bigla namang nanlaki ang mata ko.

  "Hoy Excuse me—"

      "Daan kana ang Luwang ng daanan oh" He cut me off. Bwakina ka talaga haa.

  "I mean excuse me dun sa words na 'ako yung gumawa' dahil ang totoo ay nanonood lang ako sa sala at hinintay kita! K?" Sumbat ko sa kanya.

       "Tinatanong lang kita. It's either oo or hindi ang sagot pero and dami mo nang sinabi. Tsk, Guilty Means True" Sabi nya at umiling iling pa.

  Gosh! Ang hirap kausap nito haa, Di talaga makakalusot.

     "Ahh ehh ano. Ahmm— I'm just defending myself. Bakit? Kung madami bang sinabi guilty na? Hindi pa pwedeng pinagtatanggol lang ang sarili dahil sa maling paratang mo sakin??" Pagsusungit ko sa kanya. Nice One Sav! Galing mo talaga.

      "Tsk, Whatever. The Point is hindi matutuloy yung Date natin because of the tire na sinadya talagang butasin" At tinignan nya pa ako ng masama, Telling me that ako talaga ang may sala. Kung sinabi nya kasi sana kung sino yung  i-da-date nya edi sana hindi nangyare ang lahat ng toh. Bwisit sya.

    "Ahh ma'am, Nauuhaw na po ako—"

       "Manahimik ka!" Sigaw ko sa kanya at tumikom agad ang bibig. Di ko pa pala sinabi, Si Inday yung nagtulak all the way here para lang mapunta sa talyer na to.

   As usual, Pakitang hero naman tong si Nyebe at tinulangan na din pwes ako? Naglakad lang atsaka buti may mini umbrella ako na syang ginamit ko but after all napagod pa rin akong naglakad. Pshh...
  
  
                                 ****

Narrator's Speaking;

    Patuloy ang kanilang pagbabangayan ni Savannah at Raegen dito sa talyer. Maging ang kanilang katulong na si Inday ay nandito din.

    Sa kabila ng kanilang pag uusap ay hindi nila alam na may matang nagmamasid sa kanila. Minamanmanan ang bawat kilos nila.

     Agad na tinawagan ng nagmamasid sa kanila ang kanyang amo.

      "Boss nandito sila ngayon sa talyer kasalukuyang nagpapaayos ng kanilang sasakyan. Isagawa naba natin ang plano?" Tanong ng lalaki sa kanyang amo.

  Sa kabilang linya ay napatango tango ang kanyang Amo atsaka sumagot. "Bantayan mo sila ng maigi, Papupuntahin ko na sila dyan" Sabi ng amo nito at bigla na lamang namatay ang tawag.

    Ang among iyon ay si Victor Hugo. Ang ama ni Owen, Kinuha nya ang isang device na kung saan ay kaya nyang paibahin ang iyong boses. Kumbaga Voice Changer. Kinuha nya ang telepono at may tinawagan.
   Sa pang apat na ring ng telepono ay dun sumagot ang kanyang tinatawagan.

    "Atee?? Ba't ka napatawag?" Si Gian. Ang nakakabatang kapatid ni Savannah.

      Sumagot si Victor. "Ahh ehh, Na platan kasi kami dito sa daan at ngayon ay nasa talyer kami. Pwede bang pumunta ka dito?" Ginamit nya ang device na iyon para mag mukhang boses ni Savannah ang kanyang ginagamit.

      "Huhh? May Klase pa ako ehh? Pero sige saan bang talyer yan?" Tanong ni Gian.

  "Huyy ate! Bati na ba kayo ni Dad? Alam mo deep inside parang namimiss ka nya ehh. Balik ka na kay—"

      "Nasa Taccad Street kami dito sa talyer na ito. Hihintayin kita dito. Byeee!" Sabi ni Victor gamit ang boses ni Savannah.

    "Okay byeee!" Sabi naman sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.

      Napahalakhak na lamang si Victor sa kanyang ginawa habang si Owen naman ay tahimik at nakaupo lamang isang sofa. Sa isip ni Owen na baka may gawin ang kanyang Ama sa nakakabatang kapatid ni Savannah. Sa pagiisip ni Owen ay mali na ang kanilang ginagawa ngunit wala syang magawa para hadlangan ang kanyang plano.

    Tanging dasal lamang ang ginagawa ni Owen at wala ng iba habang demonyo namang tumatawa ang kanyang Ama na wala na sa tamang pagiisip.

                            *****

    

   

   

    

                     

 

     

     

     

      

    

     




   

 

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now