DyOsA 6

38 10 1
                                    

DyOsA 6

Savannah's Speaking;

   Nandito na ako ngayon sa Second Floor at dito na daw ang aking magiging room. Simula bukas ay kailangan tipidin ko na ang aking allowance na 10,000 pesos. I mean Sheyt!! Ni High Heels nga di ako makabil dahil look oh nasa 10k lang like ewww! Ang cheap tapos sabi ni Dad titipidin koto? Haa! No way!

    Ang dating nagmamalditang bed kong violet na Size kind bed ay ngayon isa na lamang single bed at punit punit pa ang bedsheet. Bedshit! Talaga Tangina!!!

     Tsk! Pano na ko makakatulog ngayon? Lalo na't walang aircon? Putanginaa talaga hoo!!

    Ngayon ay nakahiga ako sa made of wood na higaan pero don't worry dahil may bed naman ito. Hindi aircon ang gamit kundi electric fan at kung dati ay halos kalaki ng kwarto ko ang aking silid paaralan ay ngayon parang naging banyo na lang. Arghhh! Wala na! Ito na siguro ang sinasabi nilang 'The Cycle Of Karma'

    Napapagod na ang aking mata kaya ipinikit ko na ito. Nagulat na lamang ako ng may marinig na kalampag sa may balcony ko.

     Putraagiss! Bakit naging Horror Story tong kwento? Huyy author! Anong ginagawa mo? Alisin mo to napaka cliche ng scene na ganito.

   At may narinig nanaman akong kalampag. Oo kontrabida ako pero may takot din naman ako kaya sinubukan kong lakasan ang aking loob.

   "Sino 'yan?" Malakas kong sigaw at dun ko lamang na realize na ang tanga tanga talaga ng tanong ko. At sino namang magnanakaw ang magpapakilala jusmee. So Ano yun? Introduce yourself bago magnakaw at manloob? Hayytz!

    Bumangon ako sa kama, dahan dahan na lumapit sa balcony habang hawak hawak ang prada kong bag. Sa mundong walang makakapitan nandyan lang talaga ang prada kong bag na kulay pula. Juskoo panginoon tulungan nyoko.

   Ayyt wow! Di ko namalayang nagdasal nako juskoo kontrabida parin ba ko?

      Nang may maaninag na akong anino ng tao dun na ako sumugod. Yes! Ganyan nga self! Laban kung laban! Di ka pwedeng mamatay dito sa kwento mo! For your life! Kyaahhh!

     "Aray! Aray! Saglit— Ouch!! Aray! Tekaa!!" Pinagsasangga nya ang kanyang braso kaya di sya natatamaan ng ultimate super skill ko nang Prada Bag.

   "Sino kang putanginakaa!! Ang kapal mong manloob!!!" Sigaw ko sa kanya habang walang tigil ang paghahampas ng aking prada bag.

   "Wait, Hindi ako magnanakaw, Kakausapin lang kita—Aray!" At dahil may explanation ang gung gung na to ay pinagbigyan ko. Tumigil ako sa kakahampas sa kanya.

     "Okay go, I give you 1 minute para masabi mo ang kailangan mong sabihin pero una sino ka?" Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka face mask to.

    Tinanggal nya ang face mask nya at nagpakilala. "Ako Si Ezikiel at ikaw naman?" Ngumiti sya saakin. Wow! A genuine smile! May mukha ang putaa!

    "Kung si Poseidon ay may anak at yun ay si Percy Jackson ako naman ang anak ni Aphrodite, Savannah" Pagpapakilala ko sa kanya. Napakamot naman ito ng ulo.

   "Talagang sinama pa ang mga Greek Mythology" Sabi nya habang nakangiti. Owemji bat ganun yung ngiti nya? Pero never ako maiinlab sapakin ko pa to ehh.

    "So, May 30 seconds ka na lang upang sabihin mo na ang dapat mong sabihin" Nag cross arms ako nang sinabi ko yun.

   "Ayyt oo nga pala sorry" At ngumiti ulit, Isa pa talagang ngiti at hindi ako magdadalawang isip na tahiin ang kanyang bibig. Nakakarindi ehh.

    "About that ay kailangan ko ng tulong mo. We need your participation para sa gawaing ito" Ang kaninang palangiting mukha ay napalitan ng seryoso.

      "Ano??? Tulong? Nagpapatawa ka ba?" Sarkastikong saad ko at nagkunwaring gulat na gulat na talaga.

  "Nakalimutan ko pangalan mo pero isa lang masasabi ko. Mali kayo ng pinaghingian ng tulong" Sumbat ko pabalik.

    "Dyan ka nagkakamali dahil ikaw ang may taglay na ganyang ugali" HAHAHAGAGO! Ano sabi nya? Ako lang daw ang nagtataglay ng ganitong ugali? Ano tohh? Unique Attitude?

"FYI, Isa itong Warfreak, Isa itong Demonyo, Isa itong Bitch kaya pano mo nasabing napaka unique ng ugali ko aber?" Nagpameywang na ako dahil sa pakikipagtalo dito sa kausap ko.

    "Ito lang naman ang kailangan mong gawin, Be My Boss's Fake Girlfriend"

  At dun na ako napahinto ng sandali. Estimated ko mga nasa 10 seconds ang katahimikan bago ako ulit sumumbat.

    "Huhh? Be your Boss's Fake Girlfriend? Ang Kapal!!! One word para sayo! AYOKO!!" Sabi ko sa kanya.

     "Pero please pumayag ka dahil may ibabayad sayo na Isang Milyon"

    "Wala akong care sa pera mo! I am rich mayaman ako!" Defend ko muli.

       "Pero sige na—"

  "A-YO-KO!!!! PERIOD!" Sabi ko muli at tinulak na sya palabas ng balcony ko.

     "Teka, Oo Aalis na ako" Sabi nya at dun na ko huminto sa pagtulak sa kanya.

  "Okay Go! Umalis ka na dito at baka di ako magdalawang isip na tumawag ng pulis" Pananakot ko sa kanya.

   "Teka, Baka magbago isip mo. Ito yung number ko" At ibinigay saakin yung papel na may number nya. "Wag kang mag alala hanggang bukas ng hapon yan kaya isipin mo mabuti para sa tumataginting na One Milyon" Dagdag nya pa.

    "Wala akong pake! Umalis ka!!!" Sabi ko sa kanya at ayun umalis. Iniisip ko kung paano sya nakatungtong dito sa second floor pero ang gago dahil naka ladder ang putcha!

   Umalis na sya at ang kapal dahil binuhat yung ladder ang kuripot naman! Kahit sana iwan nya na lang.
 
   Anyway, pumasok na ako sa nagmamaldita kong kwarto. Nakita ko kaagad yung trash bin malapit sa balcony at dun ko lang naalala na hawak hawak ko pa pala yung pesteng number nya kaya ayun tinapon kona dun sa trash bin na nakita ko.

      Humiga na ako sa made of wood na higaan. Juskoo sana bangungot lang ang lahat ng to at bukas pag gising ko ay hindi ko na maranasan ang paghihirap na to.

               

                             *****

     

  





  

  

 

     

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now