DyOsA 38

30 11 0
                                    

DyOsA 38

      
Owen's Speaking;

      "Nabalitaan kong nag collapsed si Savannah sa inyong paaralan. Hmm, dahil ba yon sa binigay mong may lason na soft drinks???" Tanong ng aking ama na ngayon ay naka upo sa silya.

     "Hindi ko alam ama pero imbis na ibibigay ko pa lamang sa kanya ay nahimatay na sya" Kinakabahan kong tugon sa aking Ama.

"Goddamn it!!! So anong rason kung bakit sya nag collapsed?!!" Kinalampag nya ang lamesa na syang kinagulat ko.

    Hindi na sya ang aking Ama. Nabaliw na sya dahil sa paghihiganti.

    "Sinundan ko sya sa clinic at nabalitaang hindi pa sya kumakain kaya sya nahimat—"

  (Kablaggg!!)

      Napatigil ako sa pagsasalita at ang aming mga mata ay nakuha ng isang drum na natumba.

   Lumapit ako dito para sana itayo ito at ayusin.

       "Anak, Hayaan mo na yan. Daga lang siguro yan bumalik ka na dito! Mamaya at di ako nakapagtimpi at patayin na rin yang Dagang yan!!!" Sabi ni Ama na syang ginawa ko naman.

  "Kunin mo ang loob nya Anak, Make her fall in love with you and then..... Dun mo sya lasunin. WAHAHAHAHA!!!" Sabi ng aking ama na ngayon ay parang demonyo na kung tumawa. Sumosobra na sya.

       "Hayyts, Just sitting here waiting for the right time. Kapag namatay ang anak nyang maldita I assure na maririnig ko ang sweet melody na iyak ni Gregorio! WAHAHAHAHA!" Dugtong pa ng aking ama.

   "Too bad dahil hindi nya na makikita ang other daughter nya rin" Napakunot ako sa kanyang sinabi. Anong Other Daughter ang pinagsasabi nya???

       "Oh, Wait Anak. Bakit tulala ko??? Don't tell me naawa ka sa kanila??? They are the reason kung bakit tayo naghirap. They are the reason kung bakit namatay ang yung nanay. Lahat ng ito ay rason na kailangan natin paghigantian. Kaya wag kang maawa sa kanila. Sa sarili mo maawa ka, saakin at sa ating paghihirap!!" Salaysay ng aking ama. Tama naman sya ehh,

    Nung nalaman ko ang kwentong iyan na dahil sa tatay ni Sav ay namatay ang aking Ina ay dun ko lamang sya kinamuhian pero ang lihim na pagtingin ko kay Sav ay hindi nagbago.

      "Now, Isasagawa ko na ang plano. Bukas!" Sabi nito.

   Sa totoo lang kinakabahan ako. *Insert, Intense Music*

      Nawa'y sana magbago ang isip ng aking ama na wag na sana ituloy ang kanyang mga plano. Ang paghihiganti. Buhay sa buhay.

           ****

Ezikiel's Speaking;

     (Knock! Knock! Knock!!!)

   Nandito ako ngayon sa labas ng Gate ni Clarissa. Sa pakiramdam ko ay may nangyare sa kanya.

   Patuloy pa rin ako sa pagkatok nang mapansing hindi nya pa binubuksan ito. Aakyat na sana ako ng may nakita akong sticky notes na naka dikit sa gate.

    It says here, "Napagdesisyunan kong mag bakasyon muna para bumalik ako sa aking sarili. Tatlong araw lang naman ako mawawala sa kwentong ito pero may kalakip iyon na kasagutan sa aking mga tanong. Kung mabasa mo man ito, Nawa'y hintayin nyo ko sa pagbabalik ko"

   Bilib ako dito sa sticky notes ehh. Mahirap basahin dahil ang liliit na nga ng mga letters ay ang dami dami nya pang sinabi.

       Napangiti na lamang ako sa kawalan. Naintindihan na kita, Kailangan mo ng space para makapag isip ng mabuti.

      At dahil dun ay umalis na ako at nagtungo na muna sa mansion nila Raegen. Naglalakad ako sa may eskinita dahil shortcut ito para makarating ako sa ikalawang district. Hindi na yung liliko pa ako ng napakalayo atleast dito malapit lang.

       "Nabalitaan kong nag collapsed si Savannah sa inyong paaralan. Hmm, dahil ba yon sa binigay mong may lason na soft drinks???" Napatigil ako sa paglalakad.

   Just by hearing the Name na topic nila ay parang may something wrong.

     "Hindi ko alam ama pero imbis na ibibigay ko pa lamang sa kanya ay nahimatay na sya" This is a familar voice. Sumilip ako sa isang butas na kasing laki lamang ng aking mata at nakita ang eksena.

    Sabi na ehh! Kaklase ko tong si Owen ang leader ng Arks Team sa soccer. Pero sino naman yung kausap nya.

"Goddamn it!!! So anong rason kung bakit sya nag collapsed?!!" Kinalampag nya ang lamesa na syang kinagulat ko. Grabee! Nakakabingi yun haa!

     Dahil na rin sa pagod ko ay napagdesisyunan kong sumandal muna sa drum pero hindi umaalis ang aking tingin sa nagaganap ngayong eksena.

    "Sinundan ko sya sa clinic at nabalitaang hindi pa sya kumakain kaya sya nahimat—"

  (Kablaggg!!)

      "Ayyt Putch—" Agad kong tinakpan ang aking bibig. Shittt! Kailangan ko ng umalis.

       "Anak, Hayaan mo na yan. Daga lang siguro yan bumalik ka na dito! Mamaya at di ako nakapagtimpi at patayin na rin yang Dagang yan!!!" Narinig kong saad nung kausap ni Owen. So tatay nya pala yon.

     Agad akong nag dog walk at nilisan na ang lugar na yun. Mahirap na! Kailangan di ako mamamatay dito sa kwentong ito. Kailangan kong balaan si Raegen na nanganganib si Savannah. Bilis!! Di talaga ako pwedeng mamatay dito.

                              ******

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant