DyOsA 8

37 11 1
                                    

DyOsA 8

Savannah Speaking;

       "Okay Class Dismiss" Sabi nung prof kasabay nun ay ang pag ring ng bell.

  Chineck ko ang Magenta Lacoste Watch ko at 10:30 na ng umaga it means reces time na.

     "Uyy ghurl di ka ba mag rereces? Sabay ka na sakin!" Si Henry. Ang Bakla kong seatmate.

  "Of course mag rerecess!" Sabi ko sa kanya at ayun nakisabay na din.

    Pumunta kami sa isang— Fast Food Chain? Ano to city??? Ba't my Fast Food Chain dito sa loob ng campus?

    "Halika na pasok na tayo bakla at baka maunahan tayo ng seat" Sabi ni Henry at pumasok na kami.

   Pumunta na kami sa counter at pumipili ng oorderin. "Isang Mac Crispy Chicken with Spaghetti and a two piece of vanilla cake and ice tea na lang sa drinks" Sabi ni Henry at nakita ko pang my hinablot sa kanyang pocket.

    "It cost 13,000 pesos po lahat!" Sabi nung babae. Whattt!!! 13k? Taray ang mahal! So hindi talaga pang hampaslupa ang mga pagkain dito. Juskooo animal.

   "Okay here" Nagbigay ng puro blue na pera si Henry.

   "Keep the change na lang te" Sabi pa ni Bakla.

  "Oii tulala ang peg? Order na baka mainis sayo ang mga ibang student sa katagal mong pumili!" Sabi ni Henry. Juskoo na pre-pressure ako.

   Tinignan ko ang laman ng nagmamaldita kong wallet na pink and just what I expected ay 10k lang ang laman nito. Dun ako nabalik sa ulirat na kailangang magtipid pero pano na? Hindi naman pwedeng di ako makisabay sa flow ng mga mayayamang student dito dahil baka pagkamalang poor ako.

   "Ahh One Chessy Burger with one piece of Pepperoni pizza at water nalang sa drinks" Order ko.

    "Okay and that would be 7,300 Pesos" Pak that Shet! Thank youu haa! Ang mahal naman ng pagkain dito!

      Binigay ko ang sampung libo ko at hinintay ang barya. "Huyy ghurl! Anong hinihintay mo dyan? Barya? Myghadd pag poor kaya na gawain yan!" Sabi ni Henry. Naku! Pahamak tong baklang toh! Ang lakas pa ng pag bigkas nya ng poor.

   At dahil nangunguna ang pagiging ma pride ko ay sinabi ko na ang dapat sabihin para di magmukhang poor. "Ahh okay, Keep the change nalang tehh" Mataray kong sumbat at sumama na sa baklang toh.

     Pasimple kong tinignan muli ang aking pitaka and guess what nasa 2700 pedos na lang ang pera ko and wait, Lunch lang yan. Juskoo!

  Naisip ko tuloy yung alok nung lalaki na isang milyo— BINGO! yes! Tama kaa self!! Pero san ko nga ulit yon tinapon?

     "Nasa Trash Bin mo malapit sa Balcony ng Kwarto mo" Bigla na lang tumaas ang aking balahibo at napatingin sa babaeng nasa likodan ko. Si Clarissa.

  "Pa-pano mo nalaman?!" Tanong ko sa kanya. Sheyt! Ngayon lang ako nautal ng ganito.

     "Like I told you earlier, Isa akong manghuhula at ang kapalaran mo ay nakadikit kay Snow Prince" Sabi nito at bigla na lamang nag walk out. Ang Kapal! Naku kung hindi lang totoo yung sinasabi mong nasa trash bin ko ang number nung lalaking ezikiel ay baka ipukpok ko yung crystal ball dyan sa ulo nya sige ka!

     Didiretso na sana ako sa klase at baka mahuli pa ako ng biglang may nag bump sa shoulder ko. I heard her 'sorry' pero sa sobrang lakas ng impact ng pagka bump sa aking braso impossible naman na di sadya yon hoyy!

   Tumingin ako sa bumangga saakin at nakita ang babaeng posporo. "Ahh okay lang nakatalikod ka naman ehh Ayyt halaa! Sorry Nakaharap ka pala akala ko kasi nakatalikod ka ang patag kase ehh" Boom bars! Kala mo haaa!

    "Haa, Kung maka lait ka naman tignan mo nga yang ano yang ano yang—"

  "Ohh ano wala kang maisip na lait? Malamang Dyosa tong kaharap mo kaya move at baka putulin ko yang katawan mong made in posporo!" Sabi ko sa kanya at nag flipped hair na.

    "Arghhhhh!! Nakakainis kaa!" pahabol nyang saad.

      Kaya lumingon ako muli sa kanya. "Ayyt oo nga pala, Wag ka nang mag bra dahil wala ka namang tinatago? Or wait baka sama ng loob meron. Hahaha!" Napa 'L' form ang aking kamay sa kanya sabay sabing, "Loser!" sabi ko at nilisan na ang lugar na yon. Grabe another victim of pagiging kotrabida.

Aalis na sana ako ng biglang nauntog ako sa ewan. At talaga ba author sinasadya ang pagkakauntog??? Haa??

    Di ko namalayan na nauntog pala ako sa tao at wait there's more dahil na bump ko ang Snow Prince. And speaking of nyebe ay tinignan nya ako ng matalim. Di naman ako nagpaapekto at binigyan sya ng 'matakot ka sakin' look para fair.

   "Move, Bitch!" Sabi nya ng blanko ang expression. Ahh so nauntog ako dun sa dibdib nyang bakal. Iron man is dat u? Ang solid ehh.

     At dahil ayaw kong maging ako ang naaapi sa storyang ito ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Hinila ko ang kanyang kamay dahilan para mapaharap sya at sinapak ang kanyang mukha ng diretso at nag iwan ng markha.

    "Ayan, para naman may blush on ka! Ang putla mo ehh. Nyebeng shet!" Sabi ko sa kanya.

   "Oh what the hell!!! Sinapak nya ang prince natin?!!!"

      "Ang kapal nga naman talaga ng babaeng to ehh no!"

  "Truth! Scandalosa ang babaitang to"

       Napatingin ako sa tatlong babaeng nag chichismisan at binigyan ng "Lagot kaya mamaya' look para masindak ang mga yan after that ay tinungo ang aking tingin sa snow prince na ngayon ay naging red ang pisnge.

   "Did you just slap me?" Base sa tono ay parang hindi na maganda. Teka babawi ata! Layo saglit self, distansya dalii!

   "Ayyt hindi sinipa! Juskoo common sense ka din ehh" Matalim parin ang kanyang mga mata na naka tingin saakin. Sav, Oo matapang ka pero mamaya na magtapang tapangan dahil look naman ohh naka tiger look at anytime ay baka sakmalin ako ng buhay. Putraa!!

    Nakita kong inangat nya ang kanyang kanang kamay at parang tatama iyon saakin. I closed my eyes.

1.......2.......3.... Tatlong segundo na ang nakakalipas pero wala parin akong maramdamang hapdi sa aking pisnge. Minulat ko ang aking mata para tignan sya.

"Your lucky cause I don't fight girls, but....." bigla syang dumungaw saakin para lang mapalapit ang kanyang mukha sa aking braso at dun may ibinulong sya.

    "You will pay for this" Bulong nya atsaka ngumisi saakin. Alam mo nakakabawas points yung pa ngisi ngisi effect mo dahil nagmukha kang aso. Pwe!

   Madami mang naka saksi sa eksenang yon ay ipinagsawalang bahala ko na lamang.

  "So, asan yung tapang mo? Itataas pala yung kamay pumikit agad. HAHAHAHAHA Pathetic"

   Lumingon ako sa tatlong nag chi-chismisan kanina pa. At so nandito pa pala kayo. Lumapit ako sa kanila para pantayan ko ang mga panlalait na ginagawa nila.

    "Ohh ano? Sasapakin mo rin ba kami? Tsk, Laos na yang gimik na yan" Sabi nung kasama nya.

    "Ahh talaga ba?" Sarkastikong saad ko sa kanila.

     "Girls, ito lang ang masasabi ko. Ang Kalandian ilevel sa estado ng mukha. Mga Chaka! K.?" At kunwaring nagsulat ako ng letter 'Z' sa hangin sabay sabing. "Duhhh!!" ng maarte ang tono. Tumalikod na ako sa kanila leaving them nganga. Psh!

                                *****

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon