DyOsA 36

31 11 0
                                    

DyOsA 36

Ezikiel's Speaking;

    "Ba't di mo sinabi na totoo ang lahat ng sinabi mo kagabi? At bakit pinagmumukha mo syang baliw na walang naganap na confession nung gabi?" Di maintindihang tanong ko sa kanya.

     Tapos na ang klase at nandito kami ngayon sa Garden. Inaalam kung bakit badmood sya ngayon.

   "Ikaw muna tanungin ko. Pano ka nakapasok dito sa paaralang pang mayaman? I know you are just a butler pero hindi namin ikaw sineswelduhan at san ka nakakuha ng malaking pera para may pangbayad sa tuition fee???" Tanony nya saakin na ikinabigla ko.

   Naku! Sasabihin ko ba sa kanya na dahil sa utos ni Sir Dan Leo or hindi? Pano na to! Mabubuking ata ako.

     "I know may tinatago ka sakin ngayon Ezi. So you have no rights to question me kung di mo kayang sagutin ang aking tanong" Sabi pa nito at umalis na lamang.

   Halaa! Pano na to??!!! Iss. Lakas nga naman ng pakiramdam ni Raegen ohh.

     At dahil napangiwanan na ako ay pumunta muna ako sa Classroom para ayain si Clarissa na kumain ng lunch pero pagdating ko dun ay wala sya.

     Hindi na kami masyadong nagkikita at naguusap ni Clarissa. Iniiwasan nya ba ako? Dahil ba nalaman nyang Butler lamang ako? Ganon na ba ang mga standards ng mga babae? Dapat Pogi? Tsek naman ako dun haa kaso nga lang hindi mayaman at walang desenteng trabaho.

     Nung una inaamin ko. Na love at first sight ako sa kanya dahil na rin sa kanyang angking taglay. Ewan ko kung bakit. Kung sa paningin ng iba ay pangit sya saakin naman ay napaka perfect nya at mabait sya pero parang bulang naglaho ng yon ng sinabi kong butler lamang ako ng isang napaka yamang pamilya dito sa pilipinas.

       Naglalakad ako sa Hallway ng makita ko si Abie na parang may iniisip. "Abie ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya dahil parang ang lalim ng iniisip nya ehh.

   "Ahh, Si—Si Clar kasi ehh. Nagaalala ako sa kanya dahil hindi ko na sya nakikita sa bahay niya. Di nya na rin ako pinapansin. Nagaalala ako sa kanya" Sabi nito at may tinatawagan pa sa phone nya.

     "Oh sya sige Ezi, Punta lang ako sa hospital. Bye!" Kumaripas na sya ng takbo. At ano yung sabi nya? Hospital? Anong gagawin nya dun?!!

     Gusto ko man tanungin kung ano ang gagawin nya dun sa Hospital pero huli na ng makaalis na sya.

  May bumabagabag ngayon saakin. Ang pinakamalapit na kaibigan ni Clar ay hindi nya na rin pinapansin. Sana maging maayos pa rin ang lahat sa bandang huli. Sana okay lang sya.... Hindi pwedeng hanggang M.U lang kami ni Clar lalo na't second leading kami dito sa kwento...

                                *****

Clarissa's Speaking;

     Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Di ko na kaya, Di ko na alam ang aking gagawin. Pano na to??? Nagiging baliw na nga ako.

      Lahat ng mga tao siguro dito sa mundo ay napanaginipan ko na. Lahat ng kanilang kapalaran. Lahat ng mga futures nila ay nabasa ko at kung kailan pa sila mamamatay. Pati ikaw ngayon na nagbabasa ngayon sa kwentong ito ay alam ko na rin ang kapalaran mo.

   Seryoso lahat ako sa aking sinabi. Si Mang Ferdy ay napanaginipan kong makukulong dahil sa pagbebenta ng illegal na droga. Si Abie na patay gutom ay napanaginipan ko ding may mangyayare sa kanya yun ay ang magkakaroon sya ng Liver cancer. Si Henry na kaibigan ni Sav na ngayon ay nakahiga sa isang bed na may benda sa kanya leeg. Si Raegen na iiyak ng sobra dahil nalaman nyang mag jowa ang kanyang Butler at si Sav. Si Ezi na ngayon ay iniiwasan ko dahil baka nga totoo ang aking napanaginipan na may lihim na relasyon silang dalawa ni, Sav. Si Savannah na nakita kong bumubula ang kanyang bibig dahil sa kanyang nainom na soft drinks at maging ang isang nakilala ko lang ngayon na si Sir Greg na naka gapos sa isang silya at duguan at humihingi ng tulong.

   Hindi ko na kaya! Ayaw ko na ang ganito! Di na ako makatulog dahil sa bawat sandaling makakatulog ako ay maglalaro sa aking isipan ang mga eksenang iyan. Mga eksenang hindi ko kayang panoorin. Mga eksenang inaasahan kong hindi sana magkatotoo. Nawa'y lahat ng ito ay mga haka haka lamang at malayo sa katotohanan.

    Dahil parang ngayon ay nababaliw na ako ay agad akong nagbihis. Plinaplanong pumunta sa aking lola, Ang Syang nagpalaki saakin. Kailangan ko na din ng sagot. Ayaw ko na ang ganitong kakayahan, Hindi ko na kaya pa.

     Nag impake ako ng mga damit ko atmga gamit. Kailangan kong pumunta sa probinsya sa aking Lola. Kailangan ko ngayon ng masasandalan. Isa rin kasing manghuhula ang aking lola at sa kanya ko na master ang aking kakayahan.

       Pansamantalang iiwan ko muna ang aking bahay. Nag iwan ako ng sticky notes sa gate para mabasa nilang wala ako dito. I'm sure pati si, Abie magtataka kung saan nila ako hahanapin at maging ang aking nobyo na si Ezi. Pasensya na, Kailangan ko lang ng kapayapaan para makapagisip ako at upang isuli na ang aking kakayahan na ito. Sawa na ako sa ganitong buhay. Ang maging isang manghuhula.







                             *****

RelationSHIT (Maldita The Series #2)Where stories live. Discover now