Chapter 83

6 4 12
                                    

Chapter 83: Father's Love

Pearl's Pov

Buong oras ng klase lumilipad ang isip ko, lutangers ako for today's video. Ewan ko ba kung bakit na-perfect ko iyong exam namin kanina eh lutang naman ako buong araw, may magic yata iyong ball pen tsaka papel ko.

I miss him so much, badly. Ewan ko pero ako naman ang may gusto na mag-cool off muna kami pero bakit parang ako rin ang naghahanap sa kaniya? Siguro nga, sanay na ako sa presensya niya.

Ibang cool off kasi ang alam ng lalaking iyon, biruin mo, no calls no messages and no chats. Pero wala akong karapatan na mag-tampo sa kaniya kung hindi niya ako kino-contact kasi ako naman talaga ang may gusto sa cool off eme na 'to.

Hindi ko man lang namalayan na sa kabila ng pag-iisip ko'y nakarating na pala ako rito sa park na parati kong tinatambayan. Lutangers talaga ako ngayon for today's video!

Paano ko kaya mapapatawad si Dad? Paturo naman oh, ang hirap kasing gawin eh.

Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bag. Natigilan naman ako sa aking wallpaper. Ako, si Mom, at si Dad kasi ang wallpaper ko, matagal na rin 'to hindi ko pa pala napapalitan, since una kong gamitin 'tong phone na 'to. I remembered the time, birthday ko no'n tapos nag-celebrate kami sa beach, kaming tatlo lang, ang saya nga no'ng araw na 'yon eh kasi kompleto pa kami, tuwang tuwa pa ako no'n kasi tinupad nila ang pangarap ko na manood ng papalubog na araw, a sunset! At sa harapan rin ng papalubog na araw kinunan ang photo na 'to. Memories bring back, memories bring back yow, naiiyak na naman tuloy ako!

Binalik ko na lang ang phone ko sa loob ng aking bag tsaka inabala ang sarili na manood sa mga batang naglalaro. Ang saya maging bata 'no, wala silang prino-problema kung hindi ang maglaro lang.

Sana maging bata na lang ulit ako para maranasan ko ang buong pamilya na panandalian ko lang naranasan noon. Gusto kong maulit iyong time na nanonood kami ng sunset nila Mom at Dad, pero mukhang malabo na yatang mangyari ang bagay na iyon.

Wish ko lang...

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya dahan dahan akong lumingon roon.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

Kita ko rin ang pugto niyang mga mata. Kagagaling lang rin yata sa pag-iyak. Pero, ako rin naman ah, mas grabe pa!

"A-anak, sorry... I was hoping that soon you will forgive me for what I've done sayo at sa Mommy mo. Babawi ako sayo pangako!" after niyang sabihin ang mga katagang iyan ay parang may humaplos sa puso ko na hindi ko maintindihan kung ano. Maybe a father's love!

"Masakit at mahirap pero patatawarin ko pa rin kayo. You're stil my Father, my one and only Father, mahal po kita kahit na may nagawa kayong kasalanan sa amin ni Mom. Pero I need you to answer my one question," natigilan ako sa aking pagsasalita nang may iabot siya sa akin.

Change topic lang gano'n, ayaw man lang niyang itanong kung ano ang question ko para sa kaniya. Akala ko ba babawi siya?!

"Naaalala mo pa ba 'yan?" tanong niya habang iniaabot pa rin sa akin ang isang litrato.

"Of course I remember that picture of us, masayang nanonood ng sunset right?!" kasabay no'n ay ang kaniyang pag-tango at ang pagtanggap ko rin sa litratong kanina'y hawak hawak niya at pilit na iniaabot sa akin.

"Kompleto pa tayo that time, you, your Mom and I. A happy family!" anong gusto niyang palabasin, na noon lang naging masaya ang pamilya namin? Pero kung sabagay nga naman kasi, totoo ang sinasabi niya, noon lang naman eh, wala nang happy family ngayon kasi sinira nila ng bagong karelasyon niya. At ang masaklap, Mommy pa ng boyfriend ko!

"Wala," umiling ako, "Wala nang happy family dahil hindi ninyo pinahalagahan. Sorry Dad pero hindi pa muna ngayon, mapapatawad ko kayo sa tamang panahon pero hindi pa ngayon. The right time will come." hindi na napigilan ng mga luha ko na magdausdos hanggang sa mahulog sila sa aking pisngi. Nakikita ko rin na maging siya'y maluluha na rin sa kahit na ano mang oras.

"Anak? Hindi mo man lang ba itatanong sa Daddy kung may pasalubong siyang binili para sayo?" muli na namang tanong nito.

May naaalala na naman ako na ganitong eksena. Noon kasi palaging may dalang pasalubong para sa akin si Dad every time na umuuwi siya sa bahay galing work.

Pero wala na ang routine na 'yon!

"Anong tingin niyo sa akin, bata? Tsaka iba po ang noon sa ngayon. Kaya tigilan niyo na po ang pagpapa-alala sa akin ng masasayang memories dahil ang lahat ng 'yon ay tinuturing ko na lang na masasamang alaala." bahagya ko rin na pinatid ang mga luha ko sa aking pisngi tsaka ako tumayo at tinalikuran siya mula roon sa kinauupuan namin kanina.

"Ang lapit lapit mo na sa akin anak pero bakit parang ang layo layo mo pa rin? Walang araw at oras na hindi kita naiisip, minsan tinatanong ko sa sarili ko kung okay ka lang ba sa piling ng Mommy mo. Pero wala eh, hindi ako makalapit sa inyo dahil galit kayo sa akin." hindi ko man siya tignan, alam ko na lumuluha na rin ang kaniyang mga mata. Parang may sumaksak na naman sa puso ko, nasasaktan ako kapag umiiyak ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. At isa na roon si Dad, kahit naman may nagawa siyang kasalanan sa amin, mahal ko pa rin siya at mahalaga pa rin siya sa akin.

"You're the only reason kung bakit ako napalayo sayo sorry Dad pero hindi na siguro babalik pa iyong rati nating pagsasamahan. Kakalimutan ko na lang rin nakaraan, mas maganda pa para hindi na ako masaktan. Ang rami ko na kasing pangit na karanasan, gusto ko na lang silang kalimutan dahil gusto ko nang maging masaya," hinarap ko siya habang pumapatak ang aking mga luha, "Gustong gusto ko na!" nanghihinang saad ko. I've done enough from this day, pagod na pagod na ako!

"Araw araw, tinatanong ko kung kumain ka na ba. That's why kapag hindi ako nakokontento sa kakaisip, dinadalhan kita ng pagkain para masiguro kong kumakain ka nga sa tamang oras." natigilan ako sa kaniyang sinabi. Kailan naman siya nagbigay ng pagkain?! Wala akong matandaan.

"Paano? Wala akong na-re-receive."

"Mysteriously! The burger, the Milk tea and the shrimp pasta, 'di ba favorite lahat ng 'yon ng baby Pearl namin?" natameme ako sa kaniyang winika. Ang ibig bang sabihin nito ay siya ang mysterious person na nagbibigay ng pagkain sa akin? How come?!

"D-dad? Kayo po si secret admirer?" dahil sa nalaman kong 'to, na-realize ko na iniisip rin pala ako ni Dad, inaalagaan niya pala ako secretly.

Parang sumaya tuloy ako bigla.

"Oo, una kitang dinalhan ng pagkain no'ng nasa office ka ng SSG, tulog ka no'n eh, awang awa nga ako sayo 'nak kasi wala ka yatang tulog no'n." wika niya habang lumuluha pa rin ang kaniyang mga mata.

Mali ako, mali ako sa part na inisip kong kinalimutan na ako ni Dad.

That time rin parang may humalik sa akin habang natutulog, imposible namang si Dad 'yon. Hindi kaya may ibang tao pa no'n bukod kay Dad?!

"Eh kung kayo po 'yong nagdala ng pagkain that day, may nakita po ba kayong ibang tao na pumasok sa SSG office bukod sa inyo?" tanong ko pero umiling siya, sign na wala siyang nakita.

Kung kanina'y, ang awkward ng makatabi si Dad, ngayo'y hindi na dahil naka-sandal na ako ngayon sa kaniyang balikat, bagay na parati kong ginagawa noon.

"Dad, salamat po ah. Sa panahong iniisip kong kinalimutan niyo na ako, palihim po pala kayong bumabawi sa akin nang hindi ko man lang namamalayan. I love you Dad!" niyakap ko na siya this time. Uhaw na uhaw ako sa yakap ng isang ama.

Hindi ko talaga mapigilan na maluha, hindi dahil sa lungkot kung 'di dahil sa saya.

"Promise 'nak, babawi pa si Daddy sayo! Mahal rin kita!" aniya dahilan para mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"Pinapatawad ko na po kayo kasi ang sarap palang may Daddy na nasa tabi mo." I smiled secretly dahil sa winika ko.

Kung may tamang panahon man para patawarin ko si Dad, siguro ito na 'yon. Bakit pa patatagalin kung ito na ang right time 'di ba!

"Hindi kita bibiguin anak ko, gagawin ko ang lahat maibalik lang ang samahan nating dalawa. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko! Ang Baby Pearl ko, dalaga na, hindi na makakarga ni Daddy!" at this point, randam ko ang pagmamahal sa akin ni Dad, sana hindi panaginip ang bagay na ito.

Sa wakas naramdaman kong muli ang yakap at aruga ng isang ama!

Fake Love Spell (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora