Chapter 33

8 3 0
                                    

Enjoy reading, I Pink You'll<3

Chapter 33: The Mansion

Pinagmasdan ko siya ng makabuluhan.

"Does it hurts?" bahagya kong tanong sa kaniya, ang tinutukoy ko ay ang gilid ng labi niyang pumutok na hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo.

He nodded kaya kinuha ko ang panyo ko sa aking mini back pack. "Heto oh, ipampunas mo riyan sa gilid ng labi mo!" alok ko sa kaniya sa aking panyo.

"No need!" ani niya.

"Sige na, baka mamaya mapano pa 'yan, kailangan mong punasan iyan. Malinis naman 'to eh," inamoy ko pa ang panyo. "Nalagyan ko pa 'to ng pabango ko, kaya huwag mo ng tanggihan!" dagdag ko pa.

"Ang daldal mo!" saad niya tsaka mabilisang kinuha sa kamay ko ang panyo na inaalok ko sa kaniya simula kanina pa lang.

Ang bagal naman kasi no'ng kotse niya, eh 'di sana naka-uwi na ako sa bahay kung narito na 'yon. Panigurado, nag-aalala na sa akin ngayon si Mom.

"What taking you so long?" paninigaw ni Dwight roon sa kuyang tinawagan niya.

"Pasensya na po Young master, may nagkabungguan po kasi sa dinadaanan ko kanina kaya hindi po ako naka-lusot sa mga pulis." kamot ulo na saad ni kuya.

"Eh kumusta daw ba iyong mga tao roon kuya?" tanong ko kay Kuya, kawawa naman kasi iyong mga tao na nabiktima noong bungguan.

"Eh bakit concern ka sa kanila? Kaano ano mo ba sila?" Naka-poker face na tanong sa akin ni Dwight.

Itong taong 'to talaga, hindi man lamang inisip na baka may namatay roon sa aksidente, pero huwag naman po sana Lord, kawawa naman po sila.

I let out a heavy sigh. "Hindi naman sa kaano ano ko sila, i am just being concern kasi baka may nasaktan, kawawa naman sil-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil tinakpan ni Dwight ang bibig ko.

Ngayon kasi'y naka-sakay na kami sa kotse niya. May isa pang sasakyan at sa palagay ko'y sila kuya iyon, iyong lalaki na nag-dala nitong kotse ni Dwight para maka-sakay na kami.

"Yeah, gets ko na, nagiging selfless ka na naman!" utas nito bago tanggalin ang kamay sa bibig ko.

My lips parted kasi napapansin rin pala niya na minsa'y mas naiisip ko ang kapakanan ng iba kaysa sa kapakanan ko. Kung sabagay, iyon nga  pala iyong sinabi niya noong in-announce niya na may bagong SSG secretary, and noon pa lang, napapansin na niya ang pagiging selfless ko! Hindi naman sa nagpapa-impress ako 'no, siguro nasa ugali ko na nga talaga na mas unahin ang iba kaysa sarili ko.

"And isa 'yan sa mga dahilan kung bakit ko ipinataw sayo ang obligasyon ng pagiging isang secretary, you are qualified!" saad niya ngunit ang kaniyang atensyon ay naka-tuon sa daan. Mahirap na, baka magaya kami roon sa mga naaksidente kanina.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Sanhi ng kapaguran at gutom, natigil ako sa pagsasalita.

Rapat awkward ang nararamdaman ko kasi kailangan ko ng mag-moved on sa kaniya. Pero bakit parang hindi ako nahihiya sa kaniya? What's happened to my mind? I am insane na ba? Oh no, no, no! Ginagawa ko ito dahil ako ang secretary niya sa SSG. No other than that ang rason kung bakit ko siya tinutulungan ngayon.

Matutong lumugar kung saan nababagay...

Pagkatapos ng mahigit isang oras na byahe, nakarating na rin kami sa wakas sa kanilang bahay, oh no, mansyon pala. Sobrang laki nito, baka isang libong tao ang magkakasya sa loob.

"Bahay niyo 'to?" tanong ko nang akmang maka-lapit kami sa gate.

And take note, ang lawak rin ng gate nila huh, dinaig pa ang palasyo sa mga Disney movies.

"Yeah, bahay ko!" sagot naman nito.

Bahay niya? Weh? Saan siya makakakuha ng pera para ipatayo ang bahay na 'to?

Nga pala, napag-desisyunan ko na samahan si Dwight rito sa mansyon nila. Uuwi rin naman ako, hindi ako pwedeng mag-stay rito 'no, at isa pa, naghihintay na si Mom sa bahay.

Tumango na lamang ako sa kaniya.

"Good evening Young master!" iyan ang mga linyahan ng mga katulong nila. Siguro nasa sampu silang katulong tapos mga lima iyong guard, sa ganito kalaking bahay, kaunti lang ang mga tauhan nila? Doble hirap iyon para sa mga kasamahan nila sa bahay---mansion pala!

Hindi man lamang sila masagot ni Dwight dahil patuloy lang ito sa paglakakad. Ako nama'y naka-sunod lang sa kaniya.

Grabe, ganito ba talaga ang mansyon ng mga mayayaman? Ang raming pasilyo. Baka maligaw ako rito kung sakaling walang mag-ga-guide sa akin kung saan ang daang tatahakin ko.

Sa tuwing tinititigan ko si Dwight, naaalala ko iyong time na nakita ko ang aking ama at hinahanap ang lalaking nasa harap ko ngayon at naka-talikod sa akin. Minsan inisip ko na baka may koneksyon silang dalawa, pero wala naman akong ebidensya kaya wala akong kakayahan na mambintang nang basta basta.

Habang naglalakad kami sa bawat pasilyo, naaakit ng mga portraits ang aking mga mata. Ang gaganda kasi nila, pati ang mga painting's, siguro, mahal ang mga iyon. Mahilig rin kasi ako sa mga painting's!

"Mag-isa ka lang rito?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya lumingon, hudyat na ayaw niyang sagutin ang katanungan ko.

"O-okay lang kung ayaw mong sagutin..." saad ko at sumunod na lang sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan kami patungo, hindi rin naman kasi siya nagsasalita, na-bo-bored na nga rin ako eh, feel ko na talagang umuwi.

Hanggang ngayo'y, hawak ko pa rin ang plastic bag kung saan naka-balot ang cheesecake na binili ko kanina bago ko matagpuan si Dwight na ginugulpi ng limang lalaki.

"Yeah, i am alone here, katulong lang at ibang mga tauhan ang kasama ko." biglaan niyang imik.

Hindi ko naman siya pinansin kasi abala ako sa pagpapantasya sa painting ng maliit na butterfly, naka-frame pa iyon at naka-display rito sa salas nila. Actually, maliit lang ito na naka-frame. Ang cute!

Biruin mo 'yon, salas pa lang 'to ah, tapos napaka-layo na ng nilakad namin. Mansyon nga naman oo!

"If you like that, you can take it na," imik na naman niya, pero this time naka-tingin na siya sa painting na tinitignan ko. "Tanggapin mo bilang pasasalamat sa ginawa mo para sa akin ngayong gabi!" pagpapatuloy niya pa.

Hindi naman ako humihingi ng kahit na anong kapalit, pero kung talagang mapilit siya, abay mali ang tumanggi sa grasya, baka madisgrasya pa sa huli kung tatanggihan ko lang.

Hindi naman ako naka-sagot kasi gustong gusto ko talaga ang painting na 'to, promise! Ang ganda niya, nakaka-akit!

I will take it na daw, maiuwi nga mamaya!

Humanda ka sa akin, fly high butterfly!

Fake Love Spell (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя