Chapter 12

13 6 0
                                    

Chapter 12: The dinner date

Pearl's Pov

"Bakit ka naman naka-simangot riyan anak? Is there a problem ba? Tell me!"
Si Mommy habang inaayos ang aking mahabang buhok.

"None Mom, pagod lang po ako sa school." Sabi ko with matching pilit ng ngiti pa.

"Hay, kung pagod ka anak, mag-pahinga ka na lang muna, hindi na muna tayo lalabas ngayon, re-sched na lang natin 'yong dinner date nating dalawa." Umiling naman ako. "Hindi Mom, ayos lang po talaga ako, hindi naman po natin pwedeng i-cancel ang dinner date natin. Bonding po natin 'yon kaya you don't have to cancel it po!" Wika ko tsaka lumapit kay Mom at yakapin siya.

Bukod kay Xander at sa dalawa kong kaibigan, nariyan pa si Mom para maging comforter ko. Napaka-swerte ko sa kanila.

"Sige, itutuloy na natin. Sa room lang muna ako, bibihis lang!" Sabi ni Mom bago ako halikan sa noo tsaka nag-lakad palabas ng kwarto ko.

Tatayo na sana ako para mag-hintay kay Mommy sa salas pero biglang tumunog ang phone ko.

From: Xander

Good eve magandang Pearl, kumain ka na?

Oo, binigay ko kay Xander ang number ko dahil hiningi naman niya ito.

Wala namang masama roon, magkaibigan naman kami ni Xander eh.

By the way, napa-ngiti naman ako kasi ngayon lang talaga ako nagkaroon ng boy best friend na sobrang concern. I mean, nariyan naman si Whiskey pero hindi ko naman kasi siya kino-consider na lalaki, kasi nga, malambot ang kaibigan kong 'yon.

To: Xander

Actually hindi pa, pero kakain naman kami ni Mom sa labas, you don't have to worry. Hehe, by the way, thanks sa pag-text Xander...

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa aking shoulder bag kaso nag beep 'yon ulit.

From: Xander

Sige, ingat ka na lang magandang Pearl...i miss yah!

To: Xander

I miss you too my comforter!

Pagkatapos no'n ay tuluyan ko na ngang binalik ang aking phone sa aking bag tsaka nag-lakad palabas ng kwarto at nag-hintay na lang sa may salas.

"Naka-ngiti ka naman ngayon Anak. May hindi ka yata sinasabi sa akin?" Wika ni Mom habang palapit sa akin.

Hindi ko naman kasi napansin na nag-stay na pala ang smile ko kanina about roon sa pag-text ni Xander.

"Mom naman, medyo napa-ngiti lang naman ako sa nag-text sa akin...." Sabi ko while wearing a awkwardly smile.

"Hmm, may boyfriend na ba ang anak ko?" Mom was teasing me.

"Mom naman, wala po, he's just a friend, a good friend po!" Pagpapaliwanag ko kay Mommy.

"He? Ibig-sabihin ba lalaki?" Mom naman eh, pati ba naman kayo balak akong i-ship kay Xander? Hindi naman kasi siya ang gusto ko eh.

"Yes Mom, lalaki po siya, minsan po ipapakilala ko siya sa inyo..." Excited pa ako habang sinasabi iyon kay Mom.

Yes, papakilala ko na siya kay Mom, maybe next time, nakilala na kasi ni Mom sila Whiskey at Bianca, lagi ko kasi silang dinadala rito sa bahay. At gusto ko naman kasi, lahat ng kaibigan ko'y kilala ni Mom. Ayokong mag-lihim sa sarili kong Mommy, parang ang sikip kasi sa dibdib.

"Sure, pakilala mo sa akin ang magiging boyfriend mo na 'yan...." Panunukso niya pa bago kami lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ni Mommy.

"Mom naman..." Pahabol na maktol ko pa sa kaniya.

Dahil sa pagta-trabaho ni Mommy sa isang company, nakabili siya ng sarili niyang kotse. Si Mom lang ang pwedeng gumamit sa kotse na iyon kasi wala pa naman akong driver's license.

Wala pang kalahating oras ng makarating kami ni Mommy sa favorite namin na restaurant.

"Ma'am rito po tayo..." Wika ng isang waitress sa amin ni Mommy. Sinundan naman namin siya sa table na tinuturo niya.

Mauupo na sana ako sa aking pwesto kaso nahagip ng mga mata ko ang lalaking naka-suot ng mask at naka-hoodie rin ng grey. Nang magtama ang tingin naming dalawa'y parang nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Umiwas rin kaagad siya ng tingin. Kung tutuusin para siyang spy sa ginagawa niya. Medyo kinabahan ako pero hindi ko na lang pinansin iyon. Tsaka isa pa, hindi ko rin naman kialala ang isang 'yon.

"Anak, order ka na, ano ang gusto mo?" Tanong ni Mommy habang naka-tingin sa menu.

"Something pasta na lang po Mom!" Sabi ko kay Mommy kaso ang atensyon ko ay nasa lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa pwesto namin ni Mom.
Hayaan na nga lang....

Sa wakas ay dumating na rin ang order namin ni Mom. Shrimp pasta ang in-order ko dahil nasasarapan talaga ako sa pagkain na 'to.

"So how's your study naman nak?" Tanong ni Mom habang sumisimsim sa kaniyang juice.

"O-okay lang naman Mom, wala naman pong problema, ayoko naman po kasi na bigyan pa kayo ng problema sa aking pag-aaral, kaya pinagbubutihan ko po talaga." I said while holding a fork.

"Good! Rapat lang na mag-aral ka ng mabuti nak, para rin naman 'yan sa future mo. Para someday, magkaroon ka ng magandang trabaho..." Pangaral ni Mom tsaka hinawakan ang isa kong kamay na naka-patong sa lamesa.

"Oh, Mr. Cheon, bakit ganiyan naman ang suot ninyo? Para kayong spy." Boses ng babae na malapit lang sa amin.

Agad naman na tinignan ko kung sino ang tinutukoy niya. Pamilyar kasi sa akin ang surname na Cheon. Nakita ko ang babae na nakatayo sa harap ng lalaking nakaupo, and guest what, siya iyong lalaki na panay ang tingin sa pwesto namin ni Mom.

"Kilala mo ba sila nak?" Tanong ni Mommy na ngayon ay naka-tingin na rin pala sa tinitignan ko.

"No Mom, hindi ko po sila kakilala..." Sarcastic na sagot ko kay Mommy.

Mom slowly nodded. Which is sign na naniniwala siya sa pagsisinungaling ko.

Hindi iyon sign na binabastos ko si Mommy sa way ng pagsasalita ko. Nainis lang ako kasi nakita ko na naman ang taong gusto ko slash kinaiinisan ko. Argh, ayoko na sana siyang makita kaso narito na naman siya. Feeling ko sinusundan na naman niya ako, kaso feeling lang ah, hashtag nag-a-assume na naman ang ate niyo.

Taksil, may kasama pa siyang ibang babae! Tsaka sino ba ang babaeng 'yon? Infairness, nakaka-banas ang pagmumukha niya ah! Kairita!

Hayaan na nga lang ang taksil na 'yan, pero sandali lang, wala nga pala akong karapatan na tawagin siyang taksil kasi wala namang kami. Wala kaming kahit na anong relasyon, even friends, wala kaming ganoon.

Pinagbuntungan ko na lang ng inis ang kinakain kong shrimp pasta. Gutom na gutom na talaga ako, parang gusto ko na lang sakmalin ang babaeng kasama niya ngayon...nagtatawanan pa talaga sila. Parang mga tanga!

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now