Chapter 23

6 4 0
                                    

Hello, author's note muna tayo...about nga pala roon sa mga past chapters, 21st ang naka-lagay roon kasi iyon ang gusto ko. Haha, charot...so ito na nga, baka kasi malito kayo roon. Ginawa ko na lang siyang 21st para mas magandang basahin at pakinggan. Medyo pangit naman kasi 'di ba kung 22nd, oh pak! Mas maganda kung 21st na lang. So ayon lang, baka kasi malito kayo kaya sinabi ko na, thank you haha, I Pink You<3


Chapter 23: The New Secretary

Pearl's Pov

"Anak?" Pang-aagaw ni Mom sa atensyon ko.

Nasa bintana kasi ang mga tingin ko. Kaya sa tingin ko'y kanina pa siya naka-tingin sa akin.

"Po?" Ngayo'y nasa kaniya na ang mga tingin ko.

"Kumain ka rin ba kagabi? Hindi kasi nabawasan iyong pagkain na niluto ko." Ayon na nga pala. "Hindi po, pasensya na Mom, naka-tulog po ako eh. Pero don't worry po, dinamihan ko naman ang kain kaninang breakfast natin." Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Nasa loob kami ng sasakyan niya. Ihahatid raw niya ako sa school namin. Okay na rin iyon kasi wala rin naman ako sa mood mag-lakad.

I let out a heavy sigh.

"Okay lang, basta anak, sa susunod kumain ka huh, masama ang hindi kumain sa gabi." Napa-tingin naman ako sa kaniya. Isang curious na tingin.

"Eh bakit po bawal ang hindi kumain sa gabi? Akala ko po sa breakfast lang..." Iyon kasi ang alam ko. Na sa breakfast lang ang bawal lagpasan.

Ngayo'y nasa daan lang nakatuon ang kaniyang mga mata. Mahirap na, baka ma-aksidente pa kami, pero sana'y huwag naman. "Sabi kasi nila, parang naglalakbay rin daw ang katawan natin tuwing gabi, parang araw rin iyon, kaso nga lang, tulog ang ating diwa. Pero gising naman tayo sa ating panaginip, kaya parang araw na rin ang gabi kasi may panaginip na nangyayari sa ating isip." Mahabang paliwanag ni Mom.

Tumango tango naman ako. "Oh, ganoon pala iyon!" Wika ko na parang namamangha. Ngayon ko lang kasi narinig si Mom na nag-trivia.

"Oo kaya sa lahat ng oras, kumain ka. Huwag kang magpapa-gutom. Lalo na kung wala ako, anak naman. Alagaan mo naman ang sarili mo, hmm?" Wika na naman niya pero hindi naman naka-tingin sa akin. Ganiyan talaga ang mga nanay 'no, hindi sila maubos-ubusan ng mga paalala at mga litanya.

"Opo Mom!" Pagod na sagot ko sa kaniya.

"Teka nga lang anak. May ginawa ka ba kagabi?" Tanong na naman niya, sandali rin niya akong tinignan kaso bumalik ulit sa daan ang kaniyang tingin.

"Hmm? Wala namn po, bakit?" Kunot noo ko namang tanong sa kaniya.

"Pansin ko lang, parang pagod ka kasi. May problema ka ba?" Umiling naman ako.

Ang rami namang tanong ni Mom sa akin. Ang kinakatakot ko lang ay baka malaman niya na nakita ko kahapon ang lalaki na nang-wasak sa puso namin.

"Wala po ah, ahy sige Mom. Mamaya na lang po ah, sa bahay na lang po tayo mag-kwentuhan." Bumaba agad ako sa kotse pagkatapos ko siyang i-hug at i-kiss sa kaniyang pisngi.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon