Chapter 57

12 5 9
                                    

Enjoy reading, naway magustuhan ninyo ang chapter na ito.

Lab you'll

<3

______________________________________

Chapter 57: Basketball game

Pearl's Pov

Umalis na si Mom, pumasok na siya sa kaniyang trabaho. Para masigurado ko na papasok na siya sa kaniyang trabaho'y hinatid ko pa siya sa may labasan kanina.

"Huy, sorry ah. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na huwag patulan si Jaynie, hope you understand!" saad ko habang naglalakad kami papuntang gym.

May laro daw kasi sila nang basketball, Xander's team Vs. Dwight's team. Gumawa pa ako ng cartolina na may sulat na 'Go team Xander.' i-che-cheer ko ang team ni Xander. Eh bakit ba, sila ang gusto kong i-cheer eh!

"Okay lang, sinabi ko naman sayo 'di ba hindi ako mangingialam kung ikabubuti nang pinsan ko ang pinag-uusapan. Tsaka huwag ka nang mag-alala, ako na bahala doon!" saad niya bago ngumiti ng matamis.

Nag-presinta na naman siya na buhatin ang mga libro ko.

"Eh paano kung kayo naman ang mag-away? Ayokong masira ang relasyon ninyong dalawa nang dahil lang sa akin..." seryosong saad ko.

"Kung ano man ang magiging epekto niyon sa akin, ako na ang bahala roon!" sagot niya sa aking tanong bago sumabay sa aking paglalakad.

"Nga pala, bagay sayo ang jersey mong iyan!" puri ko sa suot niyang jersey.

Si Xander nga pala ang team captain ng team nila. Ang bilis niyang naka-pasok sa varsity team. Bale dalawa kasi ang varsity team ng school and iyong laban nila ngayon is laro laro lang. Siguro, palabas muna nila ngayon dahil walang magawa ang mga estudyante. Pampa-bawas bored na rin!

"Gusto mo?" tanong niya.

"Huwag na, hindi ako mahilig mag-suot nang walang kamay!" saad ko.

"Eh 'di ipag-gagawa kita ng jersey na may kamay!" aniya bago guluhin ang buhok ko.

"Huy, sigurado ka?" tanong ko pero huli na ang lahat dahil nauna nang naglakad ang loko.

Hindi man lang ako hinintay...

Nang makarating ako sa gym ay ang sarap na nang upo nang lalaking iyon.

Nang makita niya ako ay agad na kumaway sa akin.

Tinungo ko ang direksyon niya. At nang makarating ako sa kaniya, agad kong piningot ang tainga niya nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan, siguro, nainis ako sa kaniya dahil iniwan niya ako kanina habang naglalakad kami.

"Aww, aray ko, masakit Pearl!" daing niya habang hawak hawak ang kamay ko at pilit na inaalis sa tainga niya.

Nang mabitawan ko na ang kaniyang tainga, tumawa ako ng malakas. "Mahina ka pala eh, mahinang pingot lang naman iyon tapos dumadaing ka na." natawa na naman ako dahil sa kaniyang hitsura. Naka-hawak pa rin kasi siya sa kaniyang tainga.

Fake Love Spell (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα