Chapter 48

9 5 20
                                    

Hello, kumusta ka na?

Happy reading <3

______________________________________

Chapter 48: Investigation

Pearl's Pov

"Huy? Ano naman ang pinagkaka-abalahan mo riyan?" bahagyang tanong sa akin ni Whiskey.

Hindi ko alam kung bakit narito sila ni Bianca ngayon, ngunit isa lang ang natitiyak ko, baka bored na naman sila sa kanilang bahay kaya heto na naman sila't binubulabog ako.

"Wala," saad ko tsaka sinarado ang laptop ko.

"Wala? Eh ano iyong nakita ko na naka-indicate sa searching button mo ang pangalan ni Jaynie? Prank ba 'to, love mo nang titigan ang mga photos niya?" nag-hi-hysterical na ang loka.

"OA mo naman, ayoko sanang sabihin pero nag-i-investigate ako tungkol sa kaniya..." iniwas ko ang tingin sa kanila.

"A-ano? Nag-i-investigate? For what?" si Bianca na naka-upo lang kanina sa couch.

"May idea kasi ako na si Jaynie at iyong nam-bully sa akin noon is iisa. Gusto ko lang malinawan kasi parang pamilyar talaga siya sa akin... tsaka, may mga imahe rin na namumuo sa aking isipan kapag nakikita ko si Jaynie. Kaya nag-tataka ako kung bakit may mga imahe na namumuo sa aking isipan." sa tingin ko nama'y susuportahan nila ako sa bagay na ito kasi, sila pa ba? Eh supportive friends yata ang mga ito.

Rinig ko ang pag-buntong hininga ni Bianca. "Sure ka na ba na gagawin mo talaga iyan?" tanong niya tsaka nag-cross arm.

Umupo naman si Whiskey sa side ko.

Narito kasi kami sa kwarto ko. Tsaka mabuti na lang at weekend ngayon kasi hindi ko talaga feel na pumasok sa tuwing may pasok. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon kaya mas mainam rin na narito ang mga kaibigan ko ngayon.

"True, kung sure ka na sa gagawin mong iyan, tutulungan ka namin sa pag-iimbestiga. Tsaka support ka namin para naman may magawa man lang kami ni Bianca na tama, knowing na hindi ka namin natulungan noon nang saktan ka nila!" ani Whiskey.

Na-touch naman ako kasi ilang taon na rin ang lumipas pagkatapos nang nangyaring iyon pero ang matulungan pa rin ako ang iniisip nila, sa totoo lang, wala akong sama ng loob sa kanila since wala silang nagawa para ipag-tanggol ako noon, pero tama lang iyon kasi naging matapang naman ako despite for being weak nang mga oras na iyon.

And totally, kaya ko nang ipag-tanggol ang sarili ko ngayon without the help of other people.

"Yes, sigurado na ako." i took a deep breath. "I am always ready sa mga pwedeng mangyari. Gusto kong malaman ang totoo, and walang makaka-pigil sa akin para isagawa ang gusto kong mangyari." saad ko bago buksan nang tuluyan ang laptop ko, since wala na rin naman akong maitatago sa kanila kasi alam naman na nila ang plano ko.

"Paano kaya kung puntahan natin ang   library sa monday at itanong ang mga libro kung saan naka-indicate ang batch natin noon when we are grade seven!" napa-tingin ako kay Whiskey dahil sa suhestiyon niyang iyon.

"Oo nga, tsaka makikiusap ako sa mga teachers kung pwede bang ipa-hiram sa akin ang mga records natin noon." i said.

Maging si Bianca ay naupo na rin sa kabilang side ko. "Bianca? Any suggestions?" tanong ko kay Bianca.

"Well, alam niyo naman na wala akong alam sa mga computer systems kaya kung pwede, ako na lang ang magiging anino ni Jaynie, since magaling naman akong mag-spy!" mukhang okay rin ang naisip niya.

Ngayo'y naka-harap na kami sa screen ng laptop. This is the first time na mag-iimbestiga ako. I mean, mag-i-investigate about sa isang tao.

"Search mo kaya iyong mga pictures ni Jaynie sa instagram." suggestion ni Whiskey.

"Mga old photos gano'n..." pag-sang ayon naman ni Bianca.

"Eh paano kung in-delete na niya lahat ng old photos niya? Alam mo naman na ang babaeng iyon, maarte, hindi niya gusto na maging pangit siya, gusto niya, maging maganda lagi." jejemons kaya ang mga old photos, admit it or not, lahat ng tao ay may pagka-jejemon rin minsan.

"Maganda or nagmamaganda?" sarcastic na tanong ni Whiskey.

Mahina naman akong natawa. "Try mo na lang para malaman natin kung nagawa nga niyang i-delete ang mga old posts niya." akala ko ba'y walang alam si Bianca sa mga computer systems? Ano 'to, eme lang?!

In-search ko na ang account ni Jaynie sa instagram. Nabuhayan ako ng loob nang makita na marami nga siyang photos roon.

Mas active pa ang babaita sa instagram kaysa sa facebook!

Nag-scroll down lang ako, samantalang iyong dalawa nama'y hawak hawak ang kanilang phones at nag-tatanong yata sa mga ka-batch namin kung kilala ba nila si Jaynie.

Ang rami talaga, nakaka-paranoid. Mabuti naman sana kung may disente man lang sa mga photos niya. Paano ba nagustuhan ni Dwight ang kagaya niya? Well, baka naman nakuha siya ni Jaynie dahil sa matindi niyang alindog.

Kumunot ang noo ko nang makita ang garden namin noong grade seven kami. Matagal na panahon na ang naka-lipas pero tandang tanda ko pa ang hitsura nang garden namin noon kasi kabilang kaming tatlo nila Whiskey at Bianca sa nag-sa-ayos ng garden na iyon, nanalo pa nga kami sa best in garden noon eh. Kaya hindi talaga ako maaaring magka-mali, ito ang garden namin noong grade seven kami.

"Ano, may nakita ka na?" bahagyang tanong ni Whiskey.

"Look at this." utas ko kaya pati si Bianca ay natigil sa kaniyang ginagawa.

"Wait, iyan iyong garden natin noong grade seven tayo ah. Hindi ko alam na may mga posts pala si Jaynie na ganiyan!" ani Bianca.

"That was three years ago!" ani ko naman.

"Confirmed..." sigaw ni Whiskey habang naka-tingin sa phone niya. Kaya nagulat kami ng bahagya sa kaniya at naagaw rin niya ang aming atensyon. "Hindi na natin kailangang ipag-patuloy ang investigation kasi confirmed na naging classmate natin si Jaynie noon, pero how come na nakalimutan natin iyon?" dagdag na ani pa ni Whiskey.

"Kaya pala parang pamilyar siya sa akin..." ani Bianca.

"Same, pero hindi naman ganoon ka-ganda ang Jaynie na classmate natin noon." sunod na saad naman ni Whiskey.

"Pwedeng nag-glow up siya sa ibang bansa. Tapos hindi natin namalayan na siya na pala iyong babae na nanakit sa akin noon kasi takot siya na makilala ko siya. Takot siya na baka mahuli ko siya and mapag-bayaran niya ang kasalanan niya sa akin." nagtatakang saad ko sa kanila.

"And iyan ang next plan na gagawin natin, kung si Jaynie ba at iyong babaeng nanakit sayo ay iisa." suhestiyon ni Whiskey.

Kinuha ni Bianca ang isang unan at niyakap iyon. "Pero bes, wala ka ba talagang naaalala? I mean, kasama ba iyong dalawang bitches na nanakit sayo noon?" tanong ni Bianca.

Umiling naman ako. "Hindi ko talaga alam, basta ang alam ko lang ay tatlong lalaki at dalawang babae ang naging sanhi nang trauma ko noon, the trauma that gives me a lot na hanggang ngayo'y hindi ko maintindihan kung sino ang mga naging involve." wika ko, ramdam ko rin ang pag-haplos ng dalawa sa likuran ko na tila ba pinapakalma ako. Basta malabo ang lahat nang nangyari sa mga oras na iyon.

"We're here always!" ani Whiskey.

"Kami nang bahala sayo, tutulungan ka naming hanapin ang mga taong nanakit sayo!" ani naman ni Bianca.

Ngayon na alam ko nang naging kaklase ko noon si Jaynie, mas mabilis ko na ring malalaman kung siya ba iyong leader sa naganap sa akin for the past three year's.

Fake Love Spell (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant