Chapter 15

8 7 0
                                    

Chapter 15: Supportive Friends

Pearl's Pov

"Ang init naman..." Reklamo ni Whiskey.

Nag-lalakad kasi kami ngayon tapos, naghahanap ng restaurant na makakainan.

Kanina pa kami naghahanap pero wala talaga kaming mahanap. Paano ba naman kasi, ang choosy choosy ni Whiskey, akala mo naman kung pinaglihi sa mamahaling restaurant.

"Reklamo nang reklamo, kasalanan mo kaya kung bakit kanina pa tayo nag-lalakad!" And here we go again, ayan na naman sila sa bangayan nila.

"Saglit, may nakita na ako!" Pang-aagaw ko sa kanilang atensyon habang naka-tingin sa restaurant na bago pa lang sa aking paningin.

"Where? I can't see it..." Si Whiskey na nasa noo pa ang kamay na tila nag-hahanap.

"At kailan ka pa naging si Dora? Wala ka bang mata?" Nako, Bianca, batukan mo nga, pero echoss lang naman.

Hindi na ba friends ang dalawang 'to? Bangayan ng bangayan.

"Ano ka ba? Ayon lang oh!" Turo ko sa isang restaurant na nag-iisa lang talaga sa area na 'to.

"Eh ang tanong magugustuhan na kaya 'yan ni Whiskey?" Si Bianca na pinaniningkitan pa ng mata si Whiskey.

"Eh 'di tayo na lang ang kumain kung ayaw niya. Ghad, kanina pa kaya tayo lakad nang lakad, pagod na ang mga paa ko." Reklamo ko sa kanila habang naka-pout pa.

"Tama, sa wakas may kakampi na rin!" Wika ni Bianca.

"No! Sasama ako, hindi ko na talaga kaya ang gutom, feeling ko mamamatay na ako dahil sa sobrang gutom!" Wika ni Whiskey habang pinipitik pa ang buhok niya.

Pawisan na ang lalaking malambot...

"Let's go, gutom na ang PG!" Sabi ko tsaka nauna nang nag-lakad sa kanila.

Malayo na ako kaso narinig ko pa ang pagmamaktol ni Whiskey. "Pearl naman eh, akala ko ba friend tayo?" Sabi pa nito na sa tansta ko'y nagpapa-awa effect pa.

Natawa na lang ako tsaka umiling iling. Grabe talaga, ang saya magkaroon ng malambot na kaibigan.

Ngayo'y naka-tayo na kami sa harap ng restaurant na mukhang matagal na rin na naipatayo kasi medyo luma na rin ang pintura nito sa labas. Kaso kapansin-pansin ito kasi marami rami rin namang tao ang naglalalabas tsaka pumapasok.

"Sana lang talaga'y may ma-pwestuhan tayo, gutom na talaga ako!" Maktol na naman ni Whiskey.

Kailan ka ba talaga titigil sa kaka-maktol na bakla ka?

"Tara pasok na tayo..." Pag-aaya ko sa kanila.

Nang makapasok kami sa loob ay namangha naman kami. Tsaka literal na nagulat rin ako. Parang ang sarap tumambay rito.

Bukod kasi sa restaurant ito, may mga books rin tsaka may coffee area rin, ang lawak.

"Ma'am this way po tayo..." Inasikaso kami ng isa sa mga staff nitong restaurant.

"Grabe ang ganda rito..." Si Whiskey na kanina pa naka-masid sa kabuuan nitong lugar.

"Rito tayo mag-hang out palagi...G?" Si Bianca naman na naka-masid rin.

"Ang sarap tambayan..." Wika ko na naman.

Pagkaraan ay dumating na rin ang mga order's namin. As usual, shrimp pasta na naman ang in-order ko, samantalang iyong dalawa naman ay mga cuisine na specialty sa restaurant na ito. Grabe lang, pinag-lihi ba ang mga ito sa sosyaling mga pagkain?

Nasa bahay na nga pala iyong mga grocery na binili namin kanina. Bumalik lang kami sa labas kasi walang pagkain sa bahay. Hindi ko na kayang mag-luto, gutom na talaga kami.

"By the way Girl, gusto mo pa ba si Dwight? I mean, gusto mo pa bang ituloy 'yong deal natin?" Si Whiskey.

"Yeah, oo nga, 'di ba, pagkatapos ng ginawa niya sayo, gusto mo pa ba siya?" Si Bianca naman na nahinto muna saglit sa pagkain.

"Oo yata...hindi ko alam!" Naguguluhang sagot ko sa kanila.

Masakit, oo, pero hindi naman 'yon valid reason para ma-turn off ako kay Dwight, or kay President Cheon. Nakaka-sakit lang ng damdamin kasi ganoon niya ako paki-tunguhan, pero sino nga lang naman ba ako 'di ba? I am just a simple girl has a crush on him. Compare sa kaniya na perfect na tao.

Sa katunayan nga, mas nai-inlove pa ako sa kaniya, mas lalo pa akong nagkakaroon ng interes sa kaniya. Sabi nga nila, love is blind, kasi hindi mahalaga kung gaano pa siya kasama sayo, hindi mahalaga ang mga attitude na pinapakita niya sayo, as long as mahal mo siya, ganoon na lang 'yon, no choice kung 'di ang panindigan mo ang nararamdaman mo, kasi ang love, hindi 'yan tinuturo, kasi kusa mo na lang na mararamdaman 'yan. Love is accidentally created for the two of you, ika nga nila.

Kaya kahit na gaano pa kasama si Dwight, gusto ko pa rin siya, i mean, mahal ko pa rin siya.

Malay mo 'di ba, baka ako pa ang makapag-pabago sa kaniya, baka ako pa ang maging dahilan para magbago siya, kaya hindi ako susuko, i will fight my love for him.

"Naguguluhan ka yata Pearl..." Si Bianca na ngayon ay tapos nang kumain.

"Agree! Sige ganito na lang, kung talaga ngang mahal mo siya, started ngayon, tutulungan ka na namin sa kaniya. Ilalakad ka namin kay President Cheon!" Naka-ngiting sabi ni Whiskey.

"Hindi ba kayo napipilitan? Baka labag sa kalooban niyo ah, i will not forcing you naman!" Wika ko tsaka inabot ang kamay nilang dalawa na naka-patong sa may lamesa.

"No girl, buo na ang pasya namin." Si Bianca habang naka-ngiti pa.

"Agree! Malay mo naman, ikaw pa ang makapag-pabago ng ugali niya 'di ba, oh 'di in that case, pak na pak, ang bongga kasi babait na siya." Si Whiskey na excited pa.

Ang sarap pakinggan na support talaga sila. Hindi iyong napipilitan lang or what, ang saya lang na magkaroon ng supportive na mga kaibigan.

"Huwag excited, hindi pa natin nasisimulan ang plano." Si Bianca.

"Basag trip ka talaga eh 'no, pinapalakas ko na nga ang loob ni Pearl tapos ganiyan ka pa. Pinaglihi ka ba sa KJ?" Banat ni Whiskey kay Bianca.

"Oh siya, tama na 'yan." Inalis ko na ang pagkaka-hawak ko sa kamay nila. "Salamat na lang..." Sinabi ko 'yan while wearing my sweetest smile ever.

"Sige...kain na ulit tayo, nagutom ako bigla!" Si Whiskey na naman, sino pa nga ba? Mabuti na lang talaga'y hindi siya nananaba kahit na malakas siyang kumain. Baka nga mas maliit pa ang bewang niyan kaysa sa akin.

"Kailan ka pa hindi gutom?" Banat na naman ni Bianca.

Barahan now, sabunutan later, haha!

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon