Chapter 60

3 5 2
                                    

Enjoy reading...

I pink you'll<3

______________________________________

Chapter 60: Visit

Pearl's Pov

"Anak, ingat ka huh!" pahabol na wika ni Mom bago ako sumakay ng taxi.

Pupunta siyang simbahan kasi linggo ngayon. Hindi naman ako makakasama sa kaniya kasi dadalawin ko ngayon si Xander sa bahay nila. Kaninang umaga pa daw siya naka-labas ng hospital at hindi ako nakasama kaya sa bahay na lang nila ako pupunta.

"Ingat rin Mom!" saad ko naman.

Hindi naman masyadong mahaba ang naging byahe kasi malapit lang naman ang bahay nila Xander.

Dalawang door bell lang ang ginawa ko bago nila buksan ang pintuan.

"Tara Miss, pasok kayo!" ani ng katulong kaya sumunod naman ako sa  kaniya.

Dinala niya ako sa kwarto ni Xander. "Uy, good morning!" masayang bati ko sa kaniya.

Nagse-cellphone na kaagad ang loko eh hindi pa yata maayos ang kalagayan niya.

"Good morning, kumain ka na?" he asked nang hindi man lang lumilingon sa akin.

"Hindi na sana ako nag-abalang pumunta, hindi rin naman pala ako mapapansin dahil sa cellphone. Mas mahalaga pala ang cellphone kaysa sa akin 'no..." nagpaparinig na ani ko habang naka-talikod.

Infairness ang linis ng kwarto niya. Parang hindi kwarto ng lalaki.

"Tampo ka naman agad? Eh nag-reply lang naman ako kila Mom. Lumabas kasi sila, nag-grocery lang!" humarap naman agad ako sa kaniya nang marinig iyon. Akala ko may ibang inaasikaso!

"Sorry naman, hindi mo naman kasi ako nilingon eh. Kaya inisip ko na baka busy ka. Sayang naka-kondisyon na sana akong umalis. Ilang babae na pala ang naka-pasok rito sa room mo?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Huwag, kumain ka muna, ipagluluto kita! Isa pa lang ang naka-pasok rito sa room ko, at Pearl ang kaniyang pangalan!" aniya.

"Sus, baka nasa bente na huh. Woy, teka, okay ka na ba? Baka mamaya may mangyari pa sayo, ako na lang magluluto." suhestiyon ko pero nauna na siyang lumabas ng kaniyang kwarto. Ang bilis ng galaw, hindi ko pa namalayan na naka-ahon na pala siya sa kaniyang kama.

Sinundan ko siya sa kusina. "Totoo nga, ikaw pa lang and pwede ba you are my visitor, hindi ako papayag na mapagod ka. Basta chill ka lang riyan!" ani ng loko habang kumikindat kindat pa.

First time ko nga palang maka-pasok rito sa bahay nila. Hindi ako nakapag-libot noong birthday niya dahil may nangyaring eksena. Huwag ko nang babanggitin kasi masisira lang ang araw ko kapag iniisip ko iyon.

"Nga pala, narito ba si Jaynie?" baka kasi mag-cause pa nang gulo kapag nagkita kami ni Jaynie rito.

"Huwag kang mag-alala, nasa apartment niya siya ngayon. Roon naman siya nag-i-stay!" wika niya habang hawak hawak ang kaldero.

Ano naman kaya ang balak lutuin ng loko na 'to?

"Tulungan na kita, ano bang lulutuin?" usisa ko sa kaniyang ginagawa.

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now