Chapter 9

12 6 0
                                    

Chapter 9: Concern

Pearl's Pov

Akala ko hindi ako makakatulog kagabi pero i was wrong. Nakatulog ako dahil na rin siguro sa pagod. Hindi lang basta naka-tulog dahil isa iyong mahimbing na tulog.

"Nak, dinner tayo mamaya sa labas..." Wika ni Mommy habang nag-ti-timpla ng gatas para sa aming dalawa.

"Sige Mom, after school po!" Sagot ko naman sa kaniya tsaka niya ako nginitian.

As i was saying, lagi kaming kumakain ni Mommy sa labas kapag may free time kami pareho. Last week pa ang huling kain namin sa labas kaya medyo na-miss ko rin ang kumain na kasama siya, parang bonding na rin kasi namin iyon na dalawa.

"Eh kumusta naman ang pag-aaral, may problema ka ba? Kapag mayroon, you can freely said it to me." Sabi ni Mom habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

Ewan ko ba kay Mom, lagi na lang niya akong pinagsisilbihan. Hindi naman niya kailangan na gawin 'yon sa akin. Hindi naman na ako bata para pagsilbihan pa niya. Pero kung minsa'y hinahayaan ko na lang siya dahil baka iyon ang way niya para alagaan ako.

"Thank you Mom, pero wala po akong problema sa school, maayos naman po ang lahat kagaya ng rati." Sabi ko habang naka-ngiti sa kaniya.

That's how Mommy express her loved to me, napaka-concern niya sa akin kahit na ano pa ang kinakaharap kong problema.

"Hello, kumusta ang NBSB naming kaibigan?" Si Whiskey habang naka-tingin sa akin na parang sinusuri ang aking kabuuan.

"Hello, Pearl, sorry hindi ka na namin nakasama kahapon ah, may pnuntahan lang kasi kami ni Whiskey." Si Bianca naman habang naka-hawak ng salamin.

Fashionista nga naman!

"Hello guys, okay lang naman ako at okay lang 'yon. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga fashion fashion na 'yan." Sabi ko bago maupo sa tabi nila.

Nasa field kami at naka-upo sa may bench.

"Kaya NBSB ka eh kasi hindi mo inaayos ang sarili mo...i mean, hindi ka naman nerd pero hindi ka lang grabe kung manamit." Si Bianca naman na inaayos pa ang buhok ko sa aking likuran.

"Ano ka ba Bianca," Napa-tingin kami kay Whiskey. "Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit NBSB si Friend, maayos naman siyang manamit, at hindi manang." Pagpapatuloy niya pa.

"Eh ano?" Kunot noo kong tanong sa baklang 'to.

Maging si Bianca ay na-curious na rin sa sinasabi ni Whiskey.

"Ang dahilan ay, baliw na baliw siya kay Dwight. Hindi niya magawang tumingin sa iba, marami namang nagkakandarapang lalaki sa kaniya kaso si Dwight lang ang nakikita niya...."

Napa-irap na lang tuloy ako kay Whiskey, pinapamukha talaga niya sa akin na baliw ako kay Dwight. Insane!

"Agree!" Si Bianca na naka-ngisi na.

Problema kaya ng mga 'to, hindi naman porket NBSB ako may karapatan na silang asar-asarin ako. No way, hindi ako papayag.

Sandali kaming natahimik. Hindi ko sila masabayan sa topic nila dahil tungkol iyon sa akin, kung makapag-marites tungkol sa akin, akala mo naman wala ako sa tabi nila. Iba naman talaga ang mga kaibigan kong 'to.

"By the way, nabalitaan mo na ba?" Oh tignan mo, may bagong chika na naman ang Whiskey na 'to. Baklang Marites lang ang peg eh.

"Nope, ano ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo pa pala alam. Ikaw kaya ang number one rapat na nakakaalam." Si Bianca naman ang sumagot.
Isa pa 'to, kailan pa ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na Marites? Kung may nanghuhuli lang sana ng tsismosa, matagal nang nahuli ang dalawang 'to.

"Ahy ang hina ng radar sa chika!" Naka-ngisi pang sabi ni Whiskey. "Naparusahan daw ang dalawang babae na nambully sayo, bakit, ano ba ang ginawa nila't ganoon na lang ang parusang ibinigay ni President Cheon sa kanila?" Dagdag pa niya.

Noong una, hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi nila, pero kalauna'y naalala ko na't nag-sink in na sa akin ang mga sinasabi nila.

"Oo nga, never pa niyang ginawa 'yon ah. Hindi pa siya nampaparusa nang ganoong ka-harsh." Pag-sang-ayon naman ni Bianca.

"Bakit, anong parusa ang binigay niya sa kanila?" Nag-aalala na ako, hindi naman porket nagkasala ang dalawang 'yon ay pwede na silang parusahan ni Dwight.

Napaka-lupit talaga niya.

"Na-kick out daw sila. Umiiyak pa nga daw at nagmamakaawa ang dalawang babaeng 'yon pero hindi daw sila pinakinggan ni President Cheon, ewan ko ba kung bakit mo nagustuhan ang lalaking 'yon napaka-lupit."

Kung ako rin ang tatanungin niyo tungkol riyan, ang sagot ko rin ay hindi ko rin alam.

"Kick out agad? Nagka-sagutan lang naman kami no'ng dalawang babae tsaka tinulak nila ako...pero kick out na agad ang parusa sa kanila? Hindi naman yata makatarungan 'yon." Paliwanag ko sa kanila.

Totoo naman, tinulak nila ako kaya nagawa ko sila na labanan.

"Tinulak ka nila? Tarantado pala ang dalawang 'yon ah." Si Whiskey na parang hindi mapakali sa inuupuan niya.

"Sinabihan ka nila ng masasakit na salita? Aba'y dapat lang naman pala sa kanila ang ginawa ni SSG president." Si Bianca na tumataas baba pa ang kaniyang dalawang kilay.

Teka, hindi ko maintindihan, bakit siya ang nag-parusa? 'Di ba dapat Principal ang mag-parusa sa dalawang babaeng 'yon?! Hanggang saan ba ang kapangyarihan ni Dwight para magawa niya 'yon? Mukhang marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya.

Ngayon lang kasi ako nagka-interesado ng husto kay Dwight. Four years ko na siyang crush pero ngayon lang ako nagpapakita ng motibo sa kaniya, noon kasi, tamang sunod lang sa kaniya, tamang masid at tamang pag-tingin sa kaniya nang palihim.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na i-express na gusto ko siya. Ngayon lang ako hindi nahiya na ipakita kung gaano ko siya ka-gusto. Insane!

"Deserve naman pala. Nako, huwag mo ng pigilan si Dwight na iurong ang parusa niya sa dalawang bitch na 'yon, bagay lang talaga 'yon sa kanila..." Maarteng wika ni Whiskey.

"Kailangan ko siyang makausap!" Sabi ko sa kanila at akmang aalis. Kaso nang makatayo ako'y nahawakan na nila ako sa dalawa kong kamay at pinaupo ulit sa aking kinauupuan kanina.

"Sandali, bakit parang may mali." Sabi ni Bianca habang pinapatunog ang mga buto sa kaniyang daliri.

"Oo nga..." Pag-sang-ayon naman ni Whiskey habang naka-pwesto pa ang kaniyang isang kamay sa ibaba ng kaniyang baba na parang nag-iisip.

"Ano?!" Curious na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Concern siya sayo!" Sabay na sabi nilang dalawa.

Nag-praktis ba silang dalawa para ganoon na lang sila kung mag-sabay sa pananalita.

Nag-isip muna ako saglit bago tumayo at iniwan sila na parang nadismaya ang mga mukha. Kailan ba nila matatanggap si Dwight para sa akin? Hayts akala ko ba okay na kami ni Dwight sa kanila.

"Pero, totoo ba? Concern si Dwight sa akin kaya niya ginawa 'yon?" Bulong ko sa aking sarili.

Hindi Pearl, ikalma mo ang sarili mo, huwag kang mag-assume, baka naman may valid reason siya kung bakit niya ginawa iyon. At hindi ako ang Valid reason na 'yon.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon