Chapter 10

17 6 4
                                    

Chapter 10: President Cheon

Pearl's Pov

Tuluyan ko na nga silang iniwan roon. Hay, ewan, kahit na gusto kong maparusahan ang mga bitch na 'yon, may parte pa rin sa akin na gusto kong pigilan si Dwight sa ginagawa niya. Parang hindi naman yata kasi makatarungan ang ipinapataw niyang parusa.

Nakarating ako sa office nila Dwight. Kakatok pa sana ako sa pintuan, kaso kusa na lamang na bumukas iyon kaya hindi ko na nga nagawa pang kumatok.

"What are you doing here?" Napaka-cold na naman ng kaniyang hitsura. Baka naman pinaglihi sa niyebe ang isang 'to.

"Ah, Dwight, gusto sana kitang makausap." Nakayukong sabi ko sa kaniya.

"About what? About stupid things ba? Dahil kung ganoon nga, wala akong oras na makipag-usap sayo!"

Ang sakit naman mag-salita ng isang 'to.
Kahapon lang nag-enjoy sa lunch namin ah, tapos ngayon bees mode na naman? Hay ang epal talaga ng lalaking 'to.

"Hindi naman, tsaka bakit mo ginawa 'yon?" Hindi na ako nagpa-ligoy ligoy pa. Gusto ko na siyang tanungin on the spot.

"Ang alin?" Tanong niya sa akin habang naka-kunot ang kaniyang noo.

Kailan ba ngingiti ang isang 'to? Nakaka-banas ang mukha niyang laging naka-simangot.

"Bakit mo sila pinarusahan? Sa simpleng  bagay lang na ginawa nila, kick out na agad ang ipapataw mong parusa sa kanila? Ang lupit mo naman Dwight!" Napa-tingala pa ako dahil matangkad si Dwight at sa tantsa ko'y hanggang leeg niya lang ako.

Nakaka-inis, kailan ba kasi titigil sa pagiging malupit ang lalaki na 'to? Ang hirap rin palang magkaroon ng crush na malupit.

"Simple lang, bagay naman 'yon sa kanila eh." Sabi niya tsaka nag-lakad papasok sa office ng mga SSG.

Pero kahit na pumasok pa siya, hindi ko pa rin siya titigilan.

Sinundan ko siya sa loob at nakita na naka-upo na ang lalaki sa swivel chair niya. Ang sosyal ah, maypa-swivel swivel chair pang nalalaman.

"Pwede ba, huwag mo nga 'yon na gawin nang dahil lang sa akin, hindi naman ako ganoong ka-importante sayo kaya kung pwede lang, pabalikin mo na ang dalawang bitch na 'yon. Ako na ang nakiki-usap sayo."

Humalakhak naman siya ng pagka-lakas lakas, parang demonyo lang kung humalakhak. Teka, kailan pa ako na-inlove sa demonyo? Ngayon, or noon pa?

"Nakakatawa ka talaga kahit na kailan Miss Samonte...." Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa ng malakas. Malapit na akong ma-offend sa lalaking 'to. Kaunting tiis na lang talaga.
"Haha, sino ba ang nag-sabi sayo na pinaparusahan ko sila dahil lang sa pambu-bully nila sayo. Gumising ka nga Miss stupid, you think ganoon ka ka-importante sa akin? Hindi ah, tsaka matagal nang kilala as bully ang dalawang bitch na 'yon." Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. "Ah nga pala. May nakalimutan akong sabihin sayo," Ngumisi siya. "Natural lang na parusahan ko sila cause i am the SSG president, so that's the right thing to do para magampanan ko ang mga obligasyon ko...."
Parang may bumara sa lalamunan ko na kung ano kasi hindi ko man lang magawang mag-salita. Napako rin ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

Sabi na nga ba kasi sayo Pearl, nag-assume ka na naman kasi, ayan tuloy, nasaktan ka lang. Bakit nga ba kasi ang hirap pigilan ang pag-a-assume? May gamot ba para sa mga assumera? Dahil kung mayroon, bibili ako mga isang daan. May pera pa naman ako kaya makakabili pa ako!

"Sige aalis na ako!" Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa aking mga mata.

Wah, baka makita niya na umiiyak ako dahil sa kaniya. Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko? Hindi ba pwedeng tsaka lang sila tutulo kapag wala ng tao sa harap ko?

Para akong Zombie habang naglalakad. May klase pa ako kaya hindi ko pwedeng i-skip ang mga 'yon. Mas mahalaga pa rin ang pag-aaral kaysa sa mga bagay na makakasira sa future ko.

Ewan pero nag-assume na naman ako na susundan niya ako kaso wala, kapag may kokoronahan lang ng dakilang assumera, panigurado, ako na ang mag-uuwi ng korona.  

"Paano ang pakikipag-usap mo sa kaniya?" Si Whiskey.

"Oo nga, nakumbinsi mo ba sila na pabalikin ang mga bitch na 'yon?" Si Bianca naman.

Idinukdok ko na lang ang aking ulo sa lamesa ng aking upuan. Wah, naluluha na naman ako. Hindi ko lang kasi ma-explain kung bakit ba napaka-assumera ko.

"Wala! Pagod na ako, bukas na lang natin 'yan pag-usapan!" Wika ko sa kanila habang nakadukdok pa rin ang aking ulo sa lamesa ng aking upuan.

Concern concern pa kasi eh, hindi naman totoo. Dapat kasi hindi ko na inisip na concern siya sa akin kaya ginawa niya 'yon. Bakit pa kasi naimbento ang salitang concern?!

Natural nga lang naman na mag-parusa siya kasi siya nga ang SSG president 'di ba. Dakilang assumera ka kasi sarili.

"Okay!" Si Bianca na halatang nag-aalala sa akin dahil sa tono ng kaniyang boses.

"Sige pahinga ka na lang muna." Si Whiskey na hinahagod pa ang aking likuran.

Halos lutang ang aking utak habang nag-di-discuss ang mga Professor's namin ngayong morning period.

Nag-paalam sila Whiskey at Bianca na manonood daw muna sila ng basketball sa may gym. Hindi ako sumama kasi ayoko muna na makita si President Cheon, ang lakas niyang maka-sakit ng damdamin ng isang tao. Lalo pa sa akin na isang soft hearted person.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Wala akong ganang kumain pero naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria. Tatambay na lang muna ako roon. Wala naman sigurong masama.

"Kyahh, ang g'wapo talaga ni Dwight..."

"Oo nga, akin lang 'yan huh."

"Pumila kaya kayo 'no, may mga naghihintay pa sa atensyon niya..."

Tiliian iyan ng mga babaeng katulad ko na nahuhumaling kay President Cheon.

Siguro nagtataka kayo kung bakit President Cheon na naman ang tawag ko sa kaniya, simple lang, kasi hindi ko naman na nakikita sa kaniya ang side na ipinakita niya sa akin no'ng nag-lunch kami.

Tatawagin ko lang siyang Dwight kapag nakita ko na ang side niya kung bakit ako lalong nahulog sa kaniya.

Nanatili akong nakayuko. May nakita naman akong dalawang pares ng sapatos na papalapit sa pwesto ko.

Ayokong tumingala kasi natatakot ako na makita kung sino ang kaharap ko ngayon.

"I am so, sorry Miss Samonte!" Wika niya ngunit naglakad na ako palayo at nilagpasan ko lang siya.

Ghad, pagod na akong mag-habol sa taong nagpapaasa lang naman sa akin.

Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga estudyante na nakakita sa ginawa ko ngunit wala na akong pakialam. Kung gusto nila pagtulungan nila ako ngayon, sabunutan o sampalin nila ako kagaya ng naranasan ko by the past 3 years ago.

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now