Chapter 21

9 5 0
                                    

Chapter 21: The Favor

Pearl's Pov

"Girl? Akala ko ba okay ka na? Eh bakit parang pinag-sakluban ka na naman ng langit at lupa riyan?"

"Whiskey? How many times do i have to tell you na okay na ako. Paulit ulit ka naman eh." Napa-simangot na lang tuloy ako. Grabe kasi ang malambot na 'to. Ayaw ba naman akong tantanan. Iniisip na hindi pa raw ako okay!

"Oo na! Teka, asan nga pala si Bianca? Narito lang kanina 'yon ah."

Naagaw naman niya ang atensyon ko. Istorbo naman eh, nagbabasa kaya ang tao rito!

"Hanapin kaya natin?" Suhestiyon niya kaya umiling ako.

"May paa siya, babalik rin 'yon rito. Huwag ka ngang nega, baka nakakita lang ng g'wapo 'yon. Hindi mo pa ba kilala ang babaitang si Bianca?" Wika ko bago ituon muli ang atensyon sa pagbabasa.

He slowly nodded kaya natahimik na kami pareho.

Sa wakas...makakapag-basa na rin ng tahimik!

"Ahy, aray ko...jusqo, guys, may chika ako, dali...pay attention na!" Sumulpot sa harapan namin si Bianca na halatang pagod na pagod dahil hinihingal na siya. Gulo gulo rin ang kaniyang buhok na akala mo'y um-attend ng wrestling.

"Oh, ano na naman 'yon?" Si Whiskey habang naka-nguso pa't naka-patong ang dalawang siko sa lamesa.

Vacant nga pala namin ngayon kaya narito kami sa cafeteria. Tumatambay!

"Hoy, miss Bookworm, itigil mo nga muna 'yan!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil kinuha niya ang aking libro at sinarado ito tsaka inilapag sa lamesa.

"Oh ano nga? Magbabasa pa ako eh!" Inirapan naman niya ako.

Sure ba siya? Gaano ka-importante ang sasabihin niya para lang patigilin niya ako sa aking taimtim na pagbabasa?

"So ayon na nga, napadaan ako kanina sa may SSG office," Panimula niya.

"Oh tapos?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"...nakita ko sa bulletin board na umalis na daw ang dating SSG secretary, kaya kailangan nila ng bagong papalit roon sa former SSG secretary." 'Yon lang tapos pagod na pagod na siya?

"Oh ano naman ngayon? 'Yon lang pala ang chika mo, tapos ginambala mo pa kami rito." Si Whiskey habang naka-nguso. Hilig niyang ngumuso, hindi naman bagay sa kaniya.

"Kaya nga, nagbabasa pa ako eh." Kinuha ko ang libro na kaninang kinuha sa akin ni Bianca. Binuksan kong muli iyon at ipinagpatuloy ang kaninang binabasa.

Nasa exciting part pa naman ako ng istoryang binabasa ko. Ang ganda kasi niya, as in nakakakilig ang mga characters kahit na fictional lang sila.
Minsan nga'y nagbabasa rin ako sa phone, binabasa ko iyong 'Unang Pagkakataon Sa Tamang Panahon' na sinulat ni Willing2Wait4you. Ang ganda nang story na 'yon, try niyo!

"Eh, limot niyo na ba?" Naagaw ni Bianca ang atensyon namin ni Whiskey.

"What is it?" Tanong ko sa kaniya habang naka-kunot ang noo.

"Kaya nga, ano naman 'yon? Hindi naman kami ulyanin ah!" Si Whiskey na kahit kailan talaga'y pabalang kung sumagot.

"Oh, isipin niyo ah. 'Di ba may pa-favor si SSG president, para bumalik iyong dalawang bitch na umapi kay Pearl?"

Hindi ko ma-process sa utak ko ang gustong ipunto ni Bianca.

"Oh, eh baka si Pearl ang kunin niyang bagong secretary niya. 'Di ba naki-usap si Pearl na ibalik iyong dalawa? Oh baka iyon na nga ang hinihingi niyang favor." Dugtong pa ni Bianca na mukhang seryoso talaga sa sinasabi.

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now