Chapter 49

11 6 27
                                    

Looking forward na makapag-update nang marami, manifesting kasi malapit na rin matapos...

Enjoy reading, i appreciated all your views and votes, sa mga silent readers ko riyan mahal ko kayo and syempre kayong lahat!

Mwah<3

______________________________________

Chapter 49: Avoid

Pearl's Pov

"Mom? Labas lang po ako ah, balik rin ako maya maya!" paalam ko kay Mom.

Tumango lang siya kaya naman nag-simula na akong mag-lakad.

Hapon na rin kaya maganda na mag-lakad lakad sa labas.

This past few days, ang rami nang nangyari. Gusto ko munang mag-isa. Umuwi na rin pala sila Whiskey at Bianca, nag-over night sila sa bahay kaya may naka-sama kami ni Mom buong gabi.

Nag-movie marathon pa kami pero agad rin namang sumuko ang mga mata ko kasi inantok ako sa kalagitnaan nang panonood namin.

Pero nag-taka ako kung bakit hiniram nila Whiskey iyong Book of Love spell ko, hindi na ako umangal kasi first time naman nilang humiram nang gamit ko. Ang hindi ko nga lang alam is kung ano ang gagawin nila roon sa libro.

Naka-pant's lang ako tapos naka-white shirt na naka-tuck in, bumagay rin naman iyong black rubber shoes na suot ko sa aking paa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mini back pack ko na naka-sukbit sa aking  likuran.

Binuksan ko muna ang aking facebook account. Unang scroll ko pa lang sa aking newsfeed ay nakita ko na agad ang picture nang dalawang tao na nagmamahalan talaga.

Ang saya nila...

'Nice meeting you my Love!' iyan pa ang naka-lagay sa caption nila.

Pero bakit ganoon ang mukha ni Dwight? Parang hindi masaya, parang hindi siya excited sa picture nila ni Jaynie.

Baka nabibigla lang siya, malay mo, iyon ang paraan niya para i-express ang kaniyang love para kay Jaynie.

May mga ganoon naman 'di ba, hindi sweet sa mga photos pero sweet kapag nasa private na sila.

In-check ko rin ang mga nag-reacts roon. Ang rami pero bakit wala man lang reacts si Dwight?!

Pero paki ko ba? Wala na akong say roon ano, tsaka baka i-ba-block ko na rin iyong lalaking iyon. Para wala nang gulo for pete's sake.

In-check ko lang rin ang notifications ko, nakita ko naman ang mga photos namin ni Xander kagabi. In-post pala niya ang mga iyon at naka-tag pa sa akin. Nag-react naman ako ng care tsaka nag-comment nang 'I loved how we smile together in that photos, i love it, by the way!' comment ko sa mga photos namin.

Sunod ko namang pinuntahan ang profile ni Dwight. Natigil ako sa kaniyang bio. Bakit ganoon?

"Just wait for the right time. One day, i will express my real feelings for you! Just wait, my honey!" mahina kong basa roon sa kaniyang bio.

Fake Love Spell (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant