Chapter 58

4 5 2
                                    

Naway mag-enjoy kayo sa chapter na ito.

Love you'll<3

______________________________________

Chapter 58: The accidents

Pearl's Pov

Mabuti na lang at weekends ngayon. This past few days ang raming stress na nangyari sa school at sa buhay ko na rin. Mga bagay na mahirap intindihin at mga nangyayari na mahirap ipaliwanag.

Isinandal ko ang aking likuran sa may headboard nang kama. Binuksan ko muna saglit ang aking facebook app, pero sandali lang iyon dahil nang makaramdam ako nang gutom ay agad rin akong umahon sa kama at nag-punta sa banyo para gawin ang aking morning routine's.

Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin maintndihan kung bakit ako nagagalit kay Dwight, i mean, what's the real reason kung bakit ako nagagalit sa kaniya. Pero baka naman nagagalit lang ako dahil gusto ko na siyang iwasan, gusto ko nang mawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Siguro iyon ang way para makalimutan ko na talaga siya.

Nagawa ko nga siyang i-block sa facebook na hindi ko inakala na magagawa ko noon.

Hindi ko rin inakala na kaya ko siyang iwasan ngayon, hindi ko in-expect na kaya ko siyang paalisin sa tuwing lumalapit siya sa akin. After 4 years kaya ko pala na iwasan ang ultimate crush ko---noon! Noon lang iyon syempre! Hindi na ngayon 'no!

Pagkatapos kong gawin ang morning routine's ko'y bumaba na ako.

Nadatnan ko si Mom na nagtitimpla nang kape. Siguro kagigising lang rin niya.

"Good morning Mom!" bati ko sa kaniya.

Binitawan muna niya ang lagayan ng asukal tsaka lumingon sa akin. "Good morning rin nak, halika, kain na tayo ng agahan!" pag-aaya niya sa akin.

Tinungo ko ang direksyon niya tsaka kumuha rin ng baso para mag-timpla ng kape.

Coffee lover kami ni Mom...

"Ah Mom? Ngayon ko lang po narinig na nag-banta kayo sa isang tao, may kakayahan po ba talaga kayo na labanan si Jaynie kapag nagkataon?" tanong ko kay Mom.

Hindi ko lang kasi maisip na ganoon siya kung mag-salita, parang marunong makipag-laro si Mom. Laro na kakaiba, laro na parang siya lang ang nakakaalam.

Natawa siya ng mahina. "Panakot ko lang iyon sa kaniya para hindi ka na niya magawang galawin. Napaka-bastos pala talaga ng babaeng iyon, paano ba iyon naging pinsan ni Xander?" aniya.

Maging ako'y natawa na rin. "Hindi ko nga rin alam eh, pero alam mo Mom... Si Xander, hindi siya nagagalit kapag dinidisiplina ang pinsan niya. Ang sabi pa nga po niya'y, deserve daw po ni Jaynie ang mga nangyayari sa kaniya ngayon." pakiki-sabay ko na rin sa topic na binuksan ni Mom.

"Eh baka ampon lang talaga si Jaynie, akalain mo, ang bait bait ni Xander tapos siya, ubod nang pakla ang ugali!" nakangiwing saad niya bago sumimsim sa kaniyang kape.

Natawa na lang talaga ako sa way ng pananalita ni Mom. Talagang kaaway na niya ngayon si Jaynie.

Nag-umpisa na rin kaming kumain, nang may biglaang mag-door bell. "Ako na!" boluntaryong saad ni Mom.

Tumango naman ako sa kaniya tsaka siya nag-lakad. Habol naman ang tingin ko sa kaniya...

Naging maingay tuloy kami sa pagdating nila Whiskey at Bianca.

"Hey Best, good morning!" si Bianca na nakaupo na agad sa aking tabi.

"Good morning girl!" si Whiskey naman na may hawak ng plato.

Pangiti ngiti lang ako sa dalawa na feel at home lang kung umasta.

Si Rona lang talaga at Kier ang kaibigan ko na hindi pa nakaka-punta rito sa bahay.

"Kumain na kayo, may pasok ako kaya mauuna na ako!" paalam ni Mom.

Kahit kailan talaga'y hindi pa siya kumain ng dalawang balikan. Lagi pa siyang may tira sa kaniyang plato.

Kaya nga ang sexy sexy ni Mom kapag nagsusuot siya ng dress gawa na lagi siyang diet. Paano kaya siya nagawang ipagpalit ni Dad? Sexy na maganda pa, tapos mabait pa. Saan ka pa 'di ba!

Nang maka-akyat na si Mom sa taas ay nagsimula na kaming mag-kwentuhan nina Whiskey.

"Grabe 'no, ang galing nila Dwight kahapon!" ani Whiskey.

Muntikan pa akong mabilaukan ng banggitin niya ang pangalan ng taong iniiwasan ko.

Kinuha ko agad ang tubig tsaka ininom iyon. "Huwag niyo na ngang mabanggit banggit ang lalaking iyon kapag narito kayo sa bahay." saad ko sa kanila tsaka sila pinandilatan ng mga mata.

"Oo nga bakla, akala ko ba napag-usapan na natin ito?" ani naman ni Bianca.

"Ahy oo nga pala!" gatong naman ni Whiskey.

Mas maigi nang hindi ko maintindihan ang kanilang pinaguusapan kaysa naman marinig ko pa ang pangalan niya sa kanila.

"Oo nga pala, nasaan na iyong Book of love spell ko? Akin na, ang tagal na no'n sa inyo!" hindi pa kasi nila binabalik, eh last week pa nilang hiniram iyon.

Kapag hiram, kailangan ibalik...

"Oo nga pala, heto na oh!" hinalungkat ni Whiskey ang bag niya.

"Mabuti naman at naisipan niyo ng ibalik." dagdag ko pa.

"Iyan naman talaga ang dahilan kung bakit kami narito, ibabalik na namin iyan sayo. Mabuti na lang at hindi ka nag damot this time!" ani Bianca bago sumubo ng kanin.

First time nga kasi nilang humiram sa akin kaya pinagbigyan ko na sila.

"Hindi naman talaga ako maramot!" saad ko.

Tatayo na sana ako para kumuha ng malamig na tubig sa ref ng biglaang mag-ring ang cellphone ko.

I found my self smiling ng makita kung sino ang tumatawag.

Its Xander...

Agad ko itong sinagot. "Hello Xander? Happy weekend!" masaya ko pang bati sa kaniya.

Medyo lumayo pa ako sa dalawa dahil kapag narinig nila na si Xander ang kausap ko, malamang tutuksuhin na naman nila ako na may something sa amin ni Xander.

"Hello Pearl? S-si X-xander, naaksidente!" imbes na si Xander ang sumagot sa tawag, Mommy niya ang bumungad  sa akin. Humahagulgol siya at parang kakapusin ng hininga dahil sa kaniyang pag-iyak.

"P-po? B-bakit? Ano po ang nangyari?" sunod sunod kong tanong.

Nag-pa-panic na rin ako. I don't know what to do...

"Nabangga ang kotse niya, hindi ko alam ang dahilan pero nag-iimbestiga na ang mga pulis sa pinangyarihan ng aksidente." aniya habang umiiyak pa rin.

"Sige Tita, pupunta po ako riyan. Text niyo na lang po kung saang hospital iyan!" ani ko bago ibaba ang tawag.

Puno na ng kaba nag dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

Hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako.

Tatakbo na sana ako papuntang kwarto ko para magbihis nang itanong nila Whiskey kung saan ako pupunta kaya natigilan ako.

"Sa hospital, s-si Xander, naaksidente!" sagot ko sa kanila habang tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

Ramdam ko naman ang pag-hagod ni Bianca sa aking likuran.

"Samahan ka na namin..." suhestiyon ni Whiskey kaso umiling ako.

This time, alam kong nasa banyo pa si Mom kaya maiiwan na muna sila Whiskey rito para sabihin kay Mom kung saan ako pupunta.

"Maiwan na lang muna kayo rito, ipagpaalam niyo ako kay Mom. Sunod na lang kayo, i-te-text ko ang address!" pinatid ko ang mga luha sa aking pisngi bago sila tinignan pareho.

Tumango sila kaya tumakbo na agad ako papuntang kwarto ko para mag-bihis. Kailangan ako ng kaibigan ko, kailangan ako ng sandalan ko, this time ako naman ang gagawa ng paraan para makabawi sa kaniya. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Hindi ko kayang mawala ang kaibigan ko, dahil mag-bui-build pa kami ng mga masasayang memories together!

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now