Chapter 27

11 4 2
                                    

Enjoy reading po! I Pink You All<3


Chapter 27: Kier

Pearl's Pov

Pagkatapos ng maikling oras nang pagpapakilala sa akin sa mga SSG officers, may pinagawa na agad sa akin si PDC. Ka-banas nga eh! First day ko pa lang kaya 'no.

"Samonte?" Tawag na naman ni PDC sa pangalan ko.

"Yes?" Oh 'di ba, walang manners!

Naka-tingin lang siya sa akin ng diretso. "Pagkatapos ng lunch. Dalhin mo sa stock room ang mga papel na 'to." Napa-tingin naman ako sa mga papel na tinutukoy niya.

Napalunok naman ako nang sariling laway dahil ang rami nang papel na iyon. As in, sobrang dami!

"Baka kasi, hindi ko kaya, ang rami kasi niyan!" Pag-co-complain ko.

Dahil sa sinabi kong iyon, masama na  naman tuloy ang timpla ng kaniyang mukha. Bipolar talaga!

Namayani ang katahimikan sa amin, hudyat na hindi niya papayagan ang pag-co-complain ko.

Ang rami kaya no'n, pinapahirapan na agad ako, ang sama talaga niya!

"Don't worry Pearl, tutulungan na lang kita!" Suhestiyon naman ni Kier kaya napa-ngiti ako.

"Thank you!" I said to him while wearing my sweetest smile.

Dahil nga sa narito pa si PDC, hindi tuloy ako maka-punta sa cafeteria. Baka naroon na sila Whiskey at Bianca, hinihintay na ako nang mga iyon.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nag-tungo sa table ni Kier. "Kier? Hindi pa ba tayo pwedeng lumabas para kumain nang lunch? Anong oras na oh!" Bulong ko kay Kier.

"Hindi papayag si Dwight. Mabuti pa, mag-luto na lang tayo roon sa kusina..." Balik na bulong sa akin ni Kier.

Mabuti na lang at marunong akong mag-luto kahit na kaunti lang ang alam kong lutuin.

"Saan kayo pupunta?" Imik ni PDC. Akma kasi kaming tatayo ni Kier para mag-luto ng pagkain sa kusina.

Challenge talaga ang pagiging SSG officer kasi, pati pagkain, may oras at didiktahan ka pa kung saan ka kakain. Which is nakakainis kasi ayoko pa naman nang nadidiktahan.

"Easy! Mag-luluto lang kami sa kitchen." Wika ni Kier sa kaniya.

Mukha namang naniwala ang lalaking iyon kasi hindi na siya umimik pa at nanatili lang sa kaniyang ginagawa.

"Ano ba ang lulutuin natin?" Tanong ni Kier habang naka-masid sa refrigerator.

"Pang-maramihan 'di ba, para naman sa ating lahat ang lulutuin nating adobo!" Napamulagat naman siya.

"Adobo?" Excited na tanong ni Kier.

Adobo ang lulutuin ko kasi iyon lang talaga ang ipagmamalaki ko. Hindi pa kasi ako marunong mag-luto ng ibang putahe, i mean, marunong naman, kaso hindi pa perfect ang recipe.

"Oo, madalas ko iyong lutuin sa bahay, favorite kasi ni Mom!" Wika ko naman habang kinukuha sa refrigerator ang manok na napira-piraso na.

"Ohh. Favorite ko rin iyan eh!" Nakaka-gaan rin pala sa loob ang Kier na 'to. Parang si Xander lang!

Oo nga pala, hindi pa nagpapakita ang isang 'yon sa akin. Aaminin ko, na-miss ko siya!

"Pareho pala tayo 'no," Sambit niya na naging dahilan para mapa-tingin ako sa kaniya.

Hindi ko rin kasi naintindihan ang sinabi niya kaya hinihintay ko na ituloy niya iyon.

"Na?"

"Pareho tayo na aksidente lang na napunta sa posisyon natin ngayon!" Gets ko na...

"Eh pa'no ka nga ba napunta sa sitwasyon na ito?" Naka-kunot pa ang noo ko habang tinatanong iyan sa kaniya.

He took a deep breath bago sagutin ang tanong ko. "Rati, isa lang akong nerd. Nabu-bully kagaya mo. One time, nakita ni Dwight kung paano nila ako i-bully, kaya naki-usap ako sa kaniya na kung pwede, ipasok niya ako sa pagiging SSG officer. Then he do it, ginawa niya ang paki-usap ko. Binago ng pagiging VP ko ang buhay ko rito sa school. Ngayon, hindi na ako nabu-bully, kaya kung ano man ako ngayon, dahil iyon kay Dwight. I owe him a lot!" Wika niya habang nakapangalumbaba.

Hindi kami pareho, kasi kaya ko namang ipag-tanggol ang sarili ko. Kahit na kailan, hindi ko hiningi kay Dwight na ipasok niya ako sa sitwasyon na ito. Kahit na gusto ko siya, hindi ko pwedeng iasa sa kaniya ang mga bagay bagay na tanging ako lang ang pwedeng gumawa para sa sarili ko.

"Ang saklap rin pala nang pinagdaanan mo!" Komento ko naman sa kaniyang ikinwento.

"Pero sa tingin ko'y," He sighed heavily. "Hindi lang dahil roon sa favor kung bakit ka niya ipinasok rito.  I think he have a better reason kung bakit ka napunta sa sitwasyon na ito. And that is, he wanted to protect you!" Hindi ko na naman naintindihan ang kaniyang sinabi.

Ano naman ang dahilan ni Dwight? Imposible, kailan pa ba niya naisip na      protektahan ako? In my dreams!

Nagkibit balikat na lang tuloy ako.

"Dahil sa mahaba nating pag-uusap. Luto na pala!" Natawa naman kami pareho.

I feel comfortable with him na. Ganitong ganito rin ang naramdaman ko kay Xander noon when we first met.

Tinulungan niya akong mag-handa. Pati na rin sa pag-aayos ng mga plato.

"The food is ready!" Pag-tawag ko sa kanila.

"Nag-luto ka po Miss Pearl?" Si Jane na naka-lapit na pala sa akin.

"Oo kumain na tayo!" I said to them with full of confident.

Lahat nang kasama namin rito ay tumayo na, except kay PDC.

Bahala siya kung ayaw niyang kumain, gutom na kami...

Akma na akong kukuha nang platong gagamitin ko kaso napa-tingin ako kay Dwight na sinenyasan si Jane na lumapit sa kaniya.

Nang maka-lapit si Jane sa kaniya'y agad naman na binulungan niya si Jane.

Ewan, pero medyo nainis ako. Yeah, wala akong karapatan na mag-selos, alam ko iyon. Pero kasi, hindi ko mapigilan. Ang hirap kaya 'no, parang may langgam na kumakagat sa puso mo. And it hurts!

"Pearl, kain na!" Naagaw ni Kier ang atensyon ko.

I smiled at him at hindi ko pinahalata na nag-seselos ako kila Jane at Dwight.

Baka naman kasi silang dalawa ni Jane in real life.

"Kain na Miss Pearl!" Napansin siguro nila na lutang ako kaya pinansin nila ako.

Mabuti pa sila, concern sa akin.

"Miss Pearl? Magtitira po ako nito ah?!" Si Jane na ang tinutukoy ay iyong adobo na niluto ko para sa aming lahat.

At dahil nga sa lutang ako, hindi ko na naitanong sa kaniya kung para kanino iyon.

Nang matapos ang lunch, agad na niyaya ko si Kier upang dalhin iyong mga papel sa stock room malapit sa cafeteria.

Wala naman kaming naging problema kasi pinagtulungan naman naming dalawa iyon. 

Pinapahirapan mo ako Dwight Cheon without knowing na ikaw lang ang laman ng puso ko.








Follow me here on wattpad for more stories!!!

Thank you and I Pink You all! <3

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now