Chapter 30

11 5 0
                                    

Enjoy reading, PINKFAM!!!

Medyo masakit ang part na ito!!!♡

Chapter 30: Decision

Pearl's Pov

"Pearl? Best? May naisip na kaming paraan para mapa-ibig mo si Dwight." excited na saad ni Whiskey habang palapit sa akin kasama si Bianca.

"Oo nga, feel namin, mag-sa-success talaga iyon!" wika naman nang isa.

Hindi ko sila sinagot kasi dama ko pa rin ang sakit. Gusto ko man silang pansinin, hindi ko pa rin magawa kasi nahihiya ako sa kanila. Nahihiya ako sa kanila kasi pati sila'y dinadamay ko sa kahibangan ko kay PDC.

"Hoy? Bakit hindi ka nag-sasalita? Pipi ka na ba ngayon?" Whiskey suddenly asked me.

Pinitik naman ni Bianca ang noo ni Whiskey na nakayuko at tila sinusuri ako kaya napa-daing naman ang isa.
"Tama na nga 'yan, may problema yata siya!" ani Bianca. "Tell us, makikinig kami!" dugtong pa nito.

I took a deep breath. "Tama na, hindi niyo na kailangan pang tuparin ang deal, pinuputol ko na 'yon ngayon!" wika ko habang naka-tingala sa langit.

"Pero bakit? Is there a problem?!" pagtatanong ni Whiskey.

"Oo nga, may problema ka na naman ba?" sabat naman ni Bianca.

I let out a heavy sigh, parang magkaka-sakit yata ako, hindi naman ako heartbroken o ano pero parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa sobrang sakit.

Matanong ko nga lang, natural lang ba na masaktan kapag nagmamahal?!

"My decision is final, iiwasan ko na siya, lalayuan ko na siya, hindi ko na siya mamahalin pa." may pa-senyas senyas pa na wika ko sa kanila.

Ilang taon, ilang taon na rin niyang pinatunayan sa akin na hindi talaga kami bagay sa isa't isa. Siguro, hindi siya para sa akin at hindi naman ako para sa kaniya. Baka may hinihintay siya. Babae na 'di hamak mas perpekto kaysa sa akin.

"Kaya mo?" ani Whiskey.

"Sure ka na ba?" si Bianca naman.

"Oo, tsaka bakit ba ang gulo ninyo? Noon na baliw ako sa kaniya, tutol kayo. Tapos ngayon naman na give up na ako sa kaniya, tutol pa rin kayo, ano ba talaga?!" naguguluhang paliwanag ko sa kanila.

"Ang sa amin lang, huwag kang mag-mukmok riyan, libangin mo ang sarili mo." suhestiyon ni Bianca.

Napa-irap naman nang bahagya si Whiskey. "Hindi siya broken hearted, sana aware ka!" kontra naman ni Whiskey sa suggestion ni Bianca.

"Hindi nga, pero mukha naman, look at her nga oh, napaka-lumbay!" pagtatanggol naman nang isa sa kaniyang sarili.

"Umamin nga kayong dalawa sa akin, 'di ba, never kayong umisip ng paraan para tulungan ako kay PDC?" Hindi kaagad sila sumagot kaya alam na this, "Huwag nga kayong mag-maang-maangan, alam ko na ang totoo, noon pa man ay kontra na kayo  kay Dwight. Which is tama kayo, kasi hindi nga kami bagay!" dugtong ko pa.

Napa-mulagat naman sila sa sinabi ko. Gulat na gulat eh totoo kaya ang sinasabi ko 'no.

"So hindi ka galit?" Whiskey asked.

"Bati mo pa rin kami?" tanong naman ni Bianca. Tss, parang bata!

"Nope, I know naman na pinoprotektahan niyo lang ako. You guys are pretending na you wanted to help me kay PDC, pero sa kalooban niyo ay labag. Pero thank you kasi minulat niyo ang aking mga mata tungkol sa bagay na hindi naman mangyayari." ngayo'y naka-yuko na ako.

"Eh pa'no na? Kaya mo ba siyang iwasan?" kakayanin ko Whiskey, kahit na mahirap.

I sighed heavily. "Iyon naman rapat na gawin ko." ano pa nga ba ang gagawin ko? Iyon ang mas tamang gawin kaysa lumapit pa ako sa kaniya, knowing na sa bandang huli, ako lang rin ang masasaktan.

"Sure ka ha?!" paninigurado ni Bianca.

I slowly nodded naman. "Oo naman 'no, kaya ko 'to. Ako pa ba?!" confident na sabi ko sa kanila.

Pero iyong totoo, kaya ko kaya? Nasa iisa lang kaming office kasi napunta ako sa pagiging SSG secretary, kaya ko kaya na iwasan siya habang kasama ko siya sa iisang lugar? The feeling is awkward!

"Sayang naman ang mga sulat na 'yan." Turo ni Whiskey sa mga letters na naipon sa cover ng libro ko. Madalas ko kasing i-ipit ang mga letter sa may libro ko para madali ko lang itong mahanap.

Napa-masid naman ako roon at naalala kung paano itapon ni Dwight ang mga sulat na binibigay namin sa kaniya. Remember noong baliw pa ako sa kaniya?!

"Those letters are just a trash to him. Hindi niya pinapahalagahan, ano ang tingin mo ro'n? Eh 'di basura." napa-ngisi pa ako kasi natatawa talaga ako, iyong tipong araw araw akong gagawa ng sulat para sa kaniya. Pero sa basurahan lang pala ang bagsak.

"Nakita nga namin...ang sakit sa mata na hindi ka man lang mabigyang halaga ng lalaking 'yon." Bianca slowly nodded, hudyat na sang-ayon siya sa sinabi ni Whiskey. "Hayaan mo na Pearl, karma is real naman eh." dugtong pa nito.

"At kung mangyari man ang bagay na iyon, kami ang unang papalakpak." saad naman ni Bianca habang hinahaplos ang buhok ko sa aking likuran.

I remain silent.

"Oh 'di ngayo'y naniniwala ka na sa amin na sasaktan ka lang niya?!" wow naman Whiskey, hindi naman yata required na ipamukha 'no.

"Oo, naniniwala na!" I chuckled.

Kahit papaano'y napagaan nila ang loob ko. Sayang hindi ko nadramahan si Xander. Busy kasi sa pag-re-review ang lokong iyon.

Nagtawanan lang kami habang naka-upo sa mga bench na narito sa gym. Break time na kaya tumambay muna ako rito, hindi ko pa rin talaga makalimutan iyong nangyari kahapon. Hindi ko na matagalan si PDC, bagay na gustong gusto kong gawin noon, ang titigan siya hanggang sa mag-sawa ako. Pero ngayo'y malabo na, kasi huli na nga 'yon 'di ba. Huli ay huli, hindi na magbabago pa ang desisyon ko.

Naisipan ko na mag-facebook muna para naman maaliw ako kahit na sandali lang. Minsan, facebook ang nagiging sandalan ng mga tao. Roon nila nabubuhos lahat ng hinanakit nila. And even me, ganoon rin ang ginagawa ko.

"We're not meant for each other so let's not force it anymore!!!"

POST...

Umani naman kaagad ang post ko na iyon nang maraming sad reacts at maraming comments. Pero kahit isa'y wala akong nireplyan kasi ang bigat nang nararamdaman ko'y hindi maiibsan ng kahit na sinong tao. Magaling akong mag-tago ng nararamdaman kaya itatago ko ito, sasarilihin ko hangga't kaya ko!

Fake Love Spell (Completed)Where stories live. Discover now