"Why do you seem so shock? Hindi ba nasali sa research mo na natrain na ako para sa mga ganitong sitwasyon?" Pang aasar kong tanong sa kaniya at pinunasan ang katana kong hawak hawak gamit ang damit ko.

Shocks ang lansa ko na talaga.

"You're not supposed to know that stuffs! Your father and I agree na walang mag tuturo sayo." Nagugulohan nitong tanong.

"Tsk. I'm a daughter of a Mafia Boss sa tingin mo walang willing mag turo sa akin? Duh, why are you so stupid? Hindi tuloy thrilling laban natin, nakaka antok." Irita kong turan.

Tsk. Kung hindi ko lang need patayin itong mokong na 'to para matahimik ang buhay namin siguro umuwi nalang ako at natulog, ang panget kabonding nitong si Vale. Masyadong supot ampt.

"Sinong traydor ang nag turo sayo!?" Sigaw nitong tanong.

I rolled my eyes at him. "Hindi ako bingi wag kang sumigaw tsaka as if naman sasabihin ko sayo diba? Ang bobo mo talaga."

"Kill that bitch!" Muli nitong utos sa mga tauhan niya.

I took a deep breath and held my katana, ready to swing it at whoever comes at me first.

"Wait! Don't kill her...may naisip akong mas magandang paraan." Pag papatigil nito sa mga tauhan niya. Sinunod naman nila iyon.

"Tsk, as if namang mapapatay din ako ng mga yan."

Ngumisi naman ito sa akin at may ibinulong sa isang lalaking naka itim.

"Oy binaback stab niyo ako? Wag ganun bad yun." I said and boredly wait for them to finish talking.

"Kapag ako nainip sa katagalan niyo mag chikahan lalapit ako diyan at mabibigla nalang kayo dahil putol na mga ulo niyo." Saad ko habang bored na tinitingnan ang kuko ko.

Napatigil naman sila sa pag bubulong bulongan.

"Finally tapos na kayo. Pwede ko na ba kayong patayin? May honey moon pa kasi ako eh." Tila excited kong turan at ngumiti ng malawak sa kaniya.

Ngumisi naman ito sa akin at pumalakpak kasabay ng pag labas ng dalawang lalaking inutusan niya kanina kasama ang babaeng sobrang gulo ng buhok at gusot gusot ang damit. Marami din siyang sugat ay pasa sa katawan lalo na sa may muka.

Why is she here? She's supposed to be with Zoe.

Nandilim ang paningin ko ng pinasadahan ko ng tingin ang asawa ko.

"Who the fuck did that to her!?" Galit kong sigaw at inilabas ang baril ko at tinutukan si Vale.

"Chill Tiarra. It's just a small scratch." Tila nang aasar nitong turan at sinuntok si Maxine sa tiyan kaya napaluhod ito sa sakit.

Galit kong ipinutok ang baril ko sa direksyon ni Vale pero may isang lalaking naka black ang sumangga para hindi ito matamaan.

Vale punch Maxine in the face again kaya walang pag dadalawang isip kong ipinaputok ng ipinaputok ang baril ko sa direksyon niya habang nalapit sa kaniya.

Tawa naman ng tawa si kupal dahil ni isa ay walang tumama sa kaniya dahil laging nasasanggahan ng mga tauhan niya.

"Uubusin ko ang tauhan na haharang sayo hanggang sa malapitan kita at mapatay gamit lang ang dalawang kamay ko." Walang emosyon kong saad at ipinutok muli ang baril ko ngunit wala ng balang lumabas dito kaya itinapon ko nalang iyon sa tabi at ginamit ang katana ko.

Kita kong sabay sabay ng sumugod ang tauhan niya sa akin kaya mas lalo akong nahirapang makalapit sa pwesto nila Maxine.

I can see the pain in Maxine's eyes as she clenches her fist.

Mas kumulo ang dugo ko sa galit at walang emosyon na pinag sasaksak‐sak ang mga tauhan niya hanggang sa wala ng natira sa kanila.

"Ang sarap pala gawing punching bag ng asawa mo." He said and laugh like a mad man.

"Mas masarap kapag ginawa kitang giniling." Malamig kong turan habang nag lalakad na papalapit sa kaniya.

Punong puno ng dugo ang buong katawan ko at amoy ko ang pag ka lansa nito pero hindi ko nalang pinansin at nanatiling naka pukos sa taong ilang hakbang nalang ang layo sa akin.

Nakangisi ang kupal na si Vale. "Good Job, you killed them all."

"Hmm.. and now it's your turn," I said and run towards him. Nakahanda na ang katana ko para pugotin ang ulo niya when a pair of arms wrapped around my waist, pulling me away from Vale and pushing me towards the ground.

Gulat akong tumayo at tumingin sa humila sa akin.

"Just in time!" Sigaw ni Vale at muling tumawa.

"You can't kill him Tiarra." The man I loved before said making me chuckle sarcastically.

"At sino ka para sundin ko?"

"Ako ang ama ng mga anak m‐‐"

"Bullshit Raffael! Kahit kailan hindi ka naging ama sa kanila now move! I don't care who you are!" Putol kong sigaw sa kaniya at nilampasan siya para pumunta sa direksyon nila Vale pero agad niya din akong nahawaka at itinulak palayo.

"What the fuck is wrong with you Raffael!? Let me pass through! I need to save my wife." Galit kong saad sa kaniya at sinipa siya sa may tiyan pero na hawakan niya ang paa ko.

I used my strength at itinuon sa kaniya ang hawak niyang paa ko at ginamit ang isa kong paa para sipain siya sa muka. Hindi niya inaasahan ang pag sipa ko kaya nabitawan niya ako at malaya akong nakatakbo papalapit sa pwesto nila Vale.

Inihanda ko ang katana ko at tsaka kinuwelyuhan si Vale. Itinapat ko sa leeg niya ang katana na hawak ko, one wrong move ay magigilitan na siya sa leeg. I was about to cut his throat open when a pair of arms wrapped around my waist.

"D‐don't Tiarra.." Maxine's trembling voice said. Nag tataka man ay nanatili akong walang emosyon.

"Let me go, Maxine. Alam kong masamang pumatay but this man is evil. He needs to die."

"No...please, don't kill him....trust me, you'll regret killing him." Muli nitong pigil sa akin.

Why is she protecting this man so much?

Nakangisi lang naman si Vale sa akin kaya mas lalo akong nairita. "You should probably listen to your wife Tiarra."

"I'm sorry Maxine." Pag hinge ko ng tawad at itinulak siya palayo sa akin bago itinapat sa leeg ni Vale ang katana ko.

"Any last word?" Malamig at seryoso kong tanong sa kaniya.

"Kill me!" Malakas nitong tugon at unti unting ngumisi sa akin kasabay ng pag sigaw ng lahat.

"Nooo Tiarra!" , "Tiarra Stop!"

I was about to slash Vale's throat when he spoke again. "If you kill me then you won't see your son ever again."

Napatigil ako.

"What did you say?"

He laughs at me kasabay nag pag tawag sa akin ng maliit na tinig, making me freeze to where I'm standing.

Vale took that opportunity to steal the katana that I'm holding and stab me with it.

Napahawak ako sa kung saan niya ako sinaksak bago napaluhod sa sahig pero wala akong pake na nasaksak ako at nanatiling nakatingin sa batang tumawag sa pangalan ko.

I can't believe it...

My baby boy is still alive...

"Mommy!" He shouted again and that was the last thing I heard before my body touch the ground.

A Complicated LoveWhere stories live. Discover now