[19] Patricia Santos

ابدأ من البداية
                                    

"Si PAUL kasi~~" hindi na nya natuloy ang kanyang nais sabihin ng putulin ko na ito.

"Maari ka ng umalis" yoon lamang ang aking sinabi at lumabas na ito.

Sinara ko ang aking libro at tinungo ang isang mallit na kahon sa ilalim ng aking higaan kinuha ko ito ay inilapag sa ibabaw ng aking lamesa.

Doon nakalagay ang isang importanteng bagay sa akin isang litraro kung saan masaya kaming apat na nagdiriwang ng Halloween sa mundo ng mga mortal ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng matuklasan ng aming mundo na nakikipag kaibigan kami sa isang mortal.





PATRICIA.



Ang kauna unahang mortal na naging kaibigan namin nakilala namin itong noong mga panahong nagliliwaliw kami sa mundo ng mga mortal naging magaan ang loob naman sa kanya at itinuring namin syang kapatid paminsan minsan ay tinuturuan namin sya ng ilang spell panlaban sa mga mapang-abusong mga mortal.

Ngunit isang araw.



mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari.

*flashback*

"tara sama kayo sa bahay namin! ipapakilala ko kayo sa kuya at sa kakambal ko!" masayang bungad nito sa amin mtapos namin kumain ng KWEK KWEK daw sabi ni patricia.

ngumiti kami ng matamis bilang pagtugon sa kanyang paanyaya. papunta na sana kami sa kanilang tahanan ng harangin kami ng isang mortal.

"San kayo pupunta?" pilyo itong ngumiti sa amin at tila ba hindi maganda ang kanyang nais sa amin bago pa namin malaman napapalibutan na kami ng mga mortal anim o pitong kalalakihang mortal.

manlalaban sana kami ngunit pinigil kami ni Patricia.

"Wag baka malaman nilang witch kayo" pagpigil nito sa amin.

"HAHAHAHA!!!" tawanan ng mga mortal habang dinadala nila kami sa isang madilim na lugar, binigyan ko ng tingin ang aking mga kapatid na nagsasabing ingatan si Patricia sa mga susunod na mangyari.

"Tiba tiba tayo sa mga toh" pilyong wika ng isang mortal hinawakan nito ang aking maselang parte sa katawan at dinilaan pa ang likod ng aking tainga.

Nandidiri ako sa mga ito.

"Patricia!!" napalingon ako sa boses na sumigaw at dali daling hinanap ng aking mga mata kung nasaan si Patricia.



Ngunit isang Patricia na nag-aagaw buhay ang aking nakita. hindi ko alam kung anung nangyari.

"Hahaha!!!" tawanan muli ng mga mortal. doon na nagdilim ang aking paningin.

nawala ako sa aking sarili at hindi ko na namalayan na napatay ko na pala ang mga ito.

"Hala kayo!!!" napa-angat ako ng aking tingin gayundin ang aking mga kapatid ng makita si Anika sa himpapawid.

"Ang balak ko sana ay takutin lamang ang patricia na iyon ngunit tignan mo nga naman namatay sya sino kaya ang may kasalanan?" nakakalokong ngumiti ito sa amin.

"Lagot kayo natitiyak kong sa mga oras na ito ay alam na sa palasyo ang nangyari." bago pa kami makasagot dito ay nilisan na kami nito.

Tinungo ko si Patricia na halos mawalan na ng buhay.

*cough*

"U-uy. I-ipangako nyo sa *cough* sa akin na hindi nyo *cough* hahayaang mapunta a-ang k-kapatid ko sa *cough* b-bitch na iyon ha!" halos hirap na hirap na bilin sa amin ni Patricia bubuhatin ko na sana ito upang dalhin sa ospital ng may sumigaw sa amin likuran.

The Three Naughty Witches حيث تعيش القصص. اكتشف الآن