Kabanata 11

8K 208 9
                                    

"I thought you're annulled already?" Narinig kong pag-uusap nila ng mga pinsan nya.




"Yeah. That's what I thought, too." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya pero umiling nalang ako inasikaso ang anak kong kumakain ng agahan. Kanina pa sila nag-uusap malapit sa kusina kaya naririnig ko sila.




"Do your son has a twin?" Napakagat ako sa labi ko nang marinig ang tanong na 'yon mula kay Nik. Bakit curious sya tungkol sa anak ko? At bakit nya tinatanong kung may kakambal ba si Khalil?




"What? A twin? No?" Nalilitong sagot ni Khalid sa pinsan. Wala na akong narinig na respond mula kay Nik at tanging si Khalid at Fabio nalang ang nag-uusap.




"Mama?" Lumingon ako sa anak ko at ngumiti.




"Ano 'yon, anak? Gusto mo pa?" Nakangiting tanong ko sakanya at umiling lang sya.




"Bakit po kanina pa nakatitig saakin si Tito Nik?" Ani Khalil habang nakatingin sa direksyon ng ama at mga tito nya at nang naglakbay ang tingin ko sa pwesto nila ay totoong nakatitig si Nik sa anak ko na parang kinikilala ito habang nakakunot pa ang noo. Tila ba ay inaalala nya kung nagkita na ba sila ni Khalil.




"Kumain ka na, nak..." 'Yon nalang ang nasabi ko dahil hindi ko din alam ang dahilan ni Nik kung bakit ganoon sya makatitig.




Iniwan ko muna ang anak ko sa kusina na kumakain at lumabas muna sa garden ng bahay nang bigla akong mapatili dahil sa biglang paghila sa'kin sa kung saan ang fountain.




Nagulat pa ako nang makitang si Nik 'yon at madilim ang tingin nya saakin kaya hindi ko maiwasang kabahan. Minsan ko pa lang nakita si Nik ngunit hindi naman kami masyadong nagkakausap tuwing nagpupunta sila sa isang bahay ni Khalid noon kaya nakakakaba talaga ang ganito... Lalo na't seryoso ang mga tinginan nya saakin at parang galit pa.




"B-bakit?" I stammered.




"Are you sure that he do not have a twin?" Madilim ang mukhang tanong nya. Dahil sa kaba ay agad akong napailing at ang hindi ko maintindihan kung bakit parang mas lalo syang nainis... o nagalit.




"Then who the fuck is this kids?!" Napatalon ako at napalayo ng bahagya nang may inilabas syang litrato ng dalawang bata na kamukhang kamukha ng anak ko...




Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa litrato pero agad nyang binawi 'yon. Napapikit ako ng bigla nya akong kwelyuhan at galit na tumitig sa mga mata ko.




"Do you know them?" Galit nyang tanong. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat nyang hininga na tumatama sa mukha ko dahil sa galit nya kaya mas lalo akong napapikit.




"Y-yes..." Nauutal kong sagot. Ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkaka-kwelyo nya saakin at halos masakal na ako at nahihirapan na ring huminga.




"Who? How? Where are they? Tell me! Fucking tell me—,"




"You, asshole! You don't have the rights to hold my wife that way!" Narinig ko ang nakakatakot na sigaw ni Khalid at nakita kong pinagsusuntok nya ang pinsan nyang ngayon ay nakabulagta na.




Pilit ang pag-awat sakanila ni Fabio pero nahihirapan sya dahil ayaw magpa-awat ni Khalid kaya lumapit agad ako sakanila at niyakap mula sa likod si Khalid upang pigilan.




"Tama na, Khalid! Tama na, please..." Pagmamakaawa ko at nagulat ako nang bigla syang sumunod at agad akong hinarap at walang pasabing hinapit palapit sakanya at mahigpit na niyakap.




After Contract (La Cordova Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara