Kabanata 9

8.2K 205 46
                                    

Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa na naghahabulan at tatawa-tawa pa habang ako naman itong nakaupo lang dito at sumusubo-subo ng Nova na binili namin doon sa supermarket kanina.


Hindi ko na naituloy ang balak kong paghahanap ng trabaho dahil kasama ko silang dalawa at pinigilan pa ako ni Khalid na gawin 'yon. Mag-stay nalang daw ako sa bahay at sya nalang daw ang magtatrabaho dahil sya ang haligi ng tahanan. Weh?


Panay ang pagmamatigas ko na kailangan ko ng trabaho para sa kinabukasan ng anak ko pero ang sabi nya ay sya na ang bahala! Aba, anong silbi kong ina kapag wala manlang akong nagawa para sa anak ko?


Pilit ako ng pilit na kailangan ko 'yon hanggang sya na mismo ang sumuko at in-offer-an ako ng trabaho sa kompanya daw nya. Syempre, agad akong umayaw dahil hindi ko matatagalan ang trabaho ko kung lagi ko naman syang makikita.


Gawin daw ba akong secretary nya? Wag nalang. Mas gugustuhin ko pang magtinda ng tinapa sa palengke kesa makita sya araw-araw.


Nakita kong naglalakad na silang dalawa palapit saakin at agad akong napatayo nang makita kong pawisan ang anak ko kaya napatakbo agad ako sa pwesto nila at agad na sinamaan ng tingin si Khalid.


"Alam mo namang may asthma si Khalil tapos pinagod mo ng husto?" Inis kong tanong sakanya habang pinupunasan ko ang pawis ng anak ko at inabot sakanya ang tubig.


"I know—,"



"Alam mo naman pala! Bakit mo pinagod ng husto—,"



"Mama, wag ka pong magalit kay papa... Iiyak na po ako, oh!" Pinanatili ko ang masamang tingin ko kay Khalid na nakangisi na sa'kin at parang nagtagumpay pa syang kumampi sakanya si Khalil.



"Diba sinabi kong wag ka masyadong magpagod?" Pinilit kong ikinalma ang sarili ko dahil sa galit ay kabang nararamdaman ko. Paano kung biglang inatake ng hika ang anak ko? Ayoko nang maulit ang nangyari noon.


Napansin kong nangingilid na ang luha sa mata ng anak ko kaya lumamlam ang tingin ko sakanya. "I'm sorry, Ava... Don't scold him, it's my fault..." Nagulat ako sa sinabi ni Khalid kaya napaangat ang tingin ko sakanya. At kailan pa sya natutong mag-sorry? Magpapamisa na ba ako?


Bahagya lang akong ngumuso at ibinalik sa anak ko ang tingin ko at agad syang kinabig para yakapin. "Sorry po, mama... G-gusto ko lang naman pong mag-laro..." Sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pagpiyok ng boses nya at mas hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sakanya.


Hindi ko naman intensyong magalit. Nag-alala lang naman talaga ako na baka kung anong mangyari sa anak ko. "Sorry, baby... Hindi na galit si mama... Nag-alala lang ako, anak... I'm sorry." Hinagod ko ang likod ng anak ko at hindi sinasadyang mapaangat ang tingin ko kay Khalid na deretso ang titig saamin ng anak ko.


"Punasan na natin yung pawis mo, 'nak..." Sabi ko nang mapatahan ko sya at pinagpatuloy ko ang pagpupunas ng pawis nya nang naramdaman ko bigla ang pagluhod ni Khalid sa tabi ko kaya gulat akong napatingin sakanya, maging ang anak namin.


Pinagtaasan ko sya ng kilay at hindi din sya nagpatalo! Bumaling sya sa anak namin pero hindi naman sya nagsalita kaya nagtaka ako nang biglang alisin ni Khalil ang kamay kong nakapatong sa leeg nyang pinupunasan ko at inilipat 'yon sa mukha ni Khalid na pawisan na ikinagulat ko.


Ilalayo ko na sana ang kamay ko nang mahigpit nya 'yong hinawakan at mas ipinagduldulan pa sa mukha nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to?


"Ano ba..." Mahinang sabi ko at akmang aalisin ulit ang kamay ko nang samaan nya ako ng tingin at narinig ko ang paghagikgik ng anak ko sa tabi ko kaya napalingon ako sakanya at agad naman syang tumigil at nagpanggap na walang nakita kaya napailing nalang ako.


After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now