Kabanata 1

10.2K 207 6
                                    

"Mama? Love po ba tayo ni Papa ko?" Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa bigla nyang pagtatanong tungkol sa ama nya. Gusto kong sagutin ng 'hindi' ang tanong nya pero ayoko naman saktan ang damdamin nya. Bata pa sya.




"Dun ka na muna sa sala, anak. Manood ka muna dun okay? Mag-cook lang si mama." Iniwasan kong sagutin ang tanong nya dahil hindi ko alam kung pano ko sya aasagutin.





"Okay po, mama..." Napahinga ako ng maluwag ng umalis na sya at nagtungo sa sala para manood. It's been two months when he started to asked me about his father. And it's been two months since i kept on avoiding his questions. Wala akong alam na maisagot sakanya.




Gusto kong sabihin na patay na ang tatay nya pero nagdadalawang isip ako at hindi ko alam kung bakit. Bakit ko papatayin ang taong dipa patay?




"Khalil!" Nagulat ako sa biglang sumigaw at halos ibato ko na sakanya ang sandok na hawak-hawak ko! Andito nanaman ang pesteng kapatid ng gagong Khalid na yun. "Hey, Ava! Wag mo masyado akong samaan ng tingin. Baka mainlove ka... That's bad..." Napapailing na aniya. Napaismid nalang ako sa sinabi nya. Inlove? Tama nang nagpakatanga ako sa kapatid nya. At tsaka yuck! Ako? Maiinlove sakanya? Patayin nya nalang ako mas sasaya ako.




"Ano nanamang ginagawa mo dito? Kung maka-pasok ka sa bahay ko feeling mo naman welcome ka. Pwede kitang idemanda ng trespassing just so you know?" I heard him chuckled but he did not mind what i said. Dumeretso sya sa sala kung nasaan ang anak ko.




"Wow! Thank you, Tito master!" Sinilip ko silang dalawa sa sala at parang may kung anong humaplos sa puso ko sa nakikita ko ngayon. My son smiling widely while holding a gift from Khaster. "Woah! Ang galing naman, Tito master! Look mommy oh! May bagong toys po ako. Daddy gave it to me daw po sabi ni Tito master!" Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang gago. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako.




"Don't get me wrong, babe. Ako talaga magbigay dyan. Sinabi ko lang na ang Daddy nya because he don't accept it when i said that it's from me." Sinamaan ko lang sya ng tingin at sinapak sa braso. Napaka-gago talaga.




"Nakakadiri. Wag mo nga akong tawaging 'babe'! Baka marinig ka ng anak ko! Nakakadiri pa naman pakinggan." Tinawanan nya lang ako kaya sa inis ko at pahampas kong binigay sakanya ang sandok. "Ikaw magluto dun! Tutal lalamon ka din naman!" Sigaw ko sakanya at nilapitan ang anak ko. Dinig ko pa ang pagtawa nya pero diko na pinansin.




"Mama, you know what? I'm so so so so happy po because Daddy gave me a gift!" Napangiti ako ng mapait. He thinks that his the toys was given by Khalid. Kasalanan ng Khaster na yun! Niloloko nya ang anak ko. "Mama?" Nabalik ako sa ulirat ng haplusin ng anak ko ang pisngi ko.




"Yes, anak?" Napilitan akong ngumiti.




"My birthday is near na po." Ngumiti ako sakanya at niyakap sya. Malapit na nga ang birthday nya. Five days from now on. Irithel is planning to throw a birthday party for him pero sabi ko is kahit konting salo-salo lang. Masyadong magastos pag party eh nagtitipid pa naman ako ngayon. Pero talagang pinilit ng gaga na magpa-party daw. Sagot nya lahat kaya pumayag na ako. Talagang pinag-awayan pa namin yun.




"What gift do you want? A toy car?" Nakangiting tanong ko. Natahimik sya saglit kaya sinilip ko ang mukha nya. He's smiling widely na para bang nag-iimagine sya ng maganda.




"I don't want a toy car, mama."




"Then what do you want, hm?"




"I just want to meet my papa. Yun lang po mommy, masaya na ako dun." Parang tinakasan ako ng kaluluwa ko. Jusko naman. Ano ba namang klaseng wish iyon? Napakahirap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin na hindi pwede pero ayaw ko namang malungkot sya pero ayaw ko ding magkakilala sila. There's a possibility that Khalid may take Khalil away to me. At tsaka ayaw kong manggulo sa pamilya nya. May asawa na sya panigurado at may anak na rin dun sa babaeng mahal nya.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now