Kabanata 5

8.3K 211 11
                                    

"Get ready to face Kuya's wrath."


Unti-unting ginapang ng kaba ang buong sistema ko sa sinabi ni Khaster na nasa harapan ko at seryosong nakatingin saakin.


"I can't help you to this one, Ava. He already found out the truth, and now, he is searching for you and his son. He's mad, Ava," Parang may nagbara sa lalamunan ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


"You need to run from this place—,"


"Shut your mouth, Irithel! You're not helping! Sa tingin mo ba na kapag patuloy na tatakasan ni Ava si Kuya ay titigil sya? No, he won't! Unless Ava will surrender herself and their son to him!" Galit na tingin ang ipinukol no Khaster kay Irithel na ngayon ay napaatras sakanya.


There's no point on running away from him if he'll end up finding us at the end. Kahit saang lupalop kami mapadpad ay mahahanap at mahahanap kami ni Khalid. Marami syang koneksyon sa iba't-ibang matataas na tao kaya sigurado akong mahahanap nya kami.


"But Ava will surely be dead! You know your brother, Khaster, he'll make my friend suffer!" Mas dumagundong sa kaba ang puso ko at hindi na namalayan ang pag-luha ko.


Napatigil sila sa pagsisigawan nang marinig nila ang paghikbi ko kaya napalunok ako at mariing napalunok. "Ano nang gagawin ko..." Nanghihinang tanong ko at napaupo nalang.


"Oh, Ava... I'm so sorry..." Irithel hugged me and let me cry on her shoulder while she's caressing my back. I seriously don't know what to do anymore... He'll surely find us here in no time. Baka bukas o bukas makalawa ay narito sya para kunin ang anak ko.


"A-aalis kami—,"


"Oh sure, Ava. But expect that Kuya will still find you and his son." Sarkastikong aniya kaya napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.


"Kuya will find you here in no time—,"


"Umalis ka na! Hindi kita kailangan! Umalis ka na!" Naiiyak na sigaw ko sakanya habang itinutulak sya palayo pero pilit din akong hinihila ni Irithel at inilayo. "Umalis ka na, Khaster!"


"I'll leave, Ava. But please, let Kuya be with his child." I lick my lower lips and turned my back at them. "Let's go, Irithel." Napapikit ako ng mariin habang naglalakad papasok sa bahay at narinig ko pang tinawag ako ni Irithel pero hindi na ako lumingon pa.


Napatingin ako sa pwesto ng mga bata na masayang naglalaro at patakbong lumapit sakanya at mahigpit syang niyakap at doon ako humagulgol ng iyak. Hindi ko na kayang tumakbo pa.



"M-mama..." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa anak ko at parang ayaw ko na syang pakawalan pa mula sa pagkakayakap ko dahil kapag pinakawalan ko sya... Alam kong makukuha sya ng ama nya saakin. Wala akong laban roon... Walang-wala ako kumpara sakanya.


"Jusko, Ava!" Hindi ko napansin si Raine na nasa likuran ko na pala dahil ang gusto ko lang ngayon ay wag makawala mula sa pagkakayakap ko ang anak ko.


"Anak ko..." Nanghihina na ako pero pinilit kong maging malakas para hindi ko sya mabitawan. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil pakiramdam ko ay malapit na... Malapit nya na kaming makita.


"Hindi mo iiwan si mama, hm?" Humihikbing sabi ko sa anak ko at naramdaman ko naman ang pagtango nya, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalo lang iyong bumigat. Sapilitang kukunin ni Khalid si Khalil saakin at wala akong magagawa roon.


Iba magalit ang lalakeng iyon... Sisirain nya ako dahil sa ginawa ko. Hindi nya naman ako masisisi dahil nasaktan ako ng sobra sa mga nangyari.


After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now