Kabanata 15

6.7K 158 3
                                    

"What does that mean?" Kanina pa ako sinusundan ni Khalid at kinukulit tungkol sa sinabi ko kagabi. Kasalanan ko bang nadulas ako? Hindi naman ako makapagrason pa dahil malinaw na malinaw ang pagkakasabi ko doon.




Andito kami ngayon sa bahay nya dahil pagkahatid kay Khalil sa school ay dumeretso sya dito. Sya pa ang nagsabi na hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko inuulit ang sinabi ko kagabi.




Panay tuloy ang pagbuntot nya saakin pati sa banyo ay talagang sinundan nya ako! Kanina ko pa sya pinagtatabuyan dahil nahihiya din ako sa nasabi ko kagabi! Bakit ganoon kasi ang mga halik nya? Bigla ka nalang mapapaamin! Ngayon, wala na akong takas!




"Baby... What is it, hmm?" Pumikit ako ng mariin nang nakayakap na sya saakin mula sa likuran. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nya pero agad na nawala yun sa isip ko nang maramdaman ko ang kamay nya na humahaplos sya tyan ko.




Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa nya! Para akong kinikiliti sa bawat haplos nya! Nakakakilig!




"Say it, baby..." He seductively whispered. Para nya akong inaakit dahil sa ginamit nyang tono ng pananalita nya.




"Pangit mo," lumayo kaagad ako sakanya at nang lingunin ko ay sobrang sama ng tingin nya saakin pero tumawa lang ako. Naramdaman ko nanaman ang pagsunod nya kaya napailing ako.




"Please? Say it again, handsome please?" I can't help but tp chuckle. I remember that Khalil also did that. Noong panahon na pinipilit nila akong dalawa no Khaster na ipakilala sya kay Khalid.




"Anong sasabihin ko?" Patay malisyang tanong ko sakanya kahit na sa loob loob ko ay gusto kong isigaw sa pagmumukha nyang tama ang narinig nya. Mas lalo akong nahuhulog sakanya... At imposible nang makabangon pa...




"Ah... You don't want to say it? Okay," natawa ako nang umalis sya at dumeretso sa itaas. Napailing nalang ako at nagpunta sa kusina at doon ko nakita ang mga kasambahay na nagluluto ng tanghalian.




"Pwedeng tumulong?" Nagulat sila at sabay-sabay na lumingon saakin at natinginan. Ngumiti ako sakanila para pumayag sila.




"Na'ko, ma'am! Hindi na ho. Kaya na ho namin ito... Baka ho kasi magalit si Ser kapag nakita nya kayong tumutulong saamin..." Takot na sabi nung isa. Napasimangot ako at sumulyap ulit sa may parteng hagdan at doon umirap.




"Hindi! Hindi yun magagalit. Akong bahala sainyo... Please?" Nagkatinginan ulit silang tatlo at kita ko sa mga mata nila ang paghe-hesitate kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko sakanila.




"Pasensya na ho, ma'am... Hindi ho talaga pupwede..."




And here I am. I just found myself helping them in cooking. Napilit ko kasi silang payagan ako lalo pa't hindi pa bumababa si Khalid na nasa itaas. Nagdadalawang isip pa nga sila nung una at panay ang pag-sulyap sa itaas dahil baka biglang bumaba si Khalid at pagalitan daw sila pero ang sabi ko ay akong bahala kaya nagtiwala sila saakin.




"Where's my wife?" Narinig kong tanong nya sa mga kasambahay. Lumingon ako sa direksyon nya at ngumiti. Tipid nya lang din akong nginitian. "Leave us, please." Agad na nagsi-alisan ang mga kasambahay.




Naglakad sya palapit saakin at dahil nga nakatalikod ako ay niyakap nya ako mula roon. Hindi ako makapag concentrate sa pagluluto dahil hinahalik-halikan nya ang batok ko.




"Layo na nga..." Nahihirapang bulong ko sakanya at sinubukan syang sikuhin para lumayo pero ibinaon nya ang mukha nya sa batok ko habang ang mga kamay nya ay nasa magkabilang bewang ko at marahang hinaplos.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now