Kabanata 7

8.4K 209 58
                                    

"Wow, papa, ang ganda naman po ng house nyo!" Naunang pumasok ang anak ko sa bahay pero bago sya makapasok ng tuluyan ay nilingon nya ako na parang mayroon syang na-realize at para syang humihingi ng permiso ko kung papayag ba ako. Mahina ko lang syang tinanguan at ngumiti.



Maglalakad na sana ako para sumunod sakanila nang mapatigil ako dahil mariin akong tinitigan ni Khalid kaya pinagkunutan ko sya ng noo. Napasulyap sya sa hawak kong mga bag at maleta kaya napatingin din ako doon pero agad ding ibinalik sakanya at mas lalong kumunot ang noo ko nang madilim ang tingin nya saakin na para bang may nagawa akong masama.



Tinitigan nya ulit ng mariin ang mga hawak kong maleta kaya agad akong napabitaw roon at binitiwan ko din ang mga nakasabit na bag sa katawan ko at napansin ko ang unti-unting pag-iiba ng mukha nya. Wala na 'yong dilim at parang kumalma na sya.



Napakunot ang noo ko pero agad iyong nawala at nakaramdam ako ng kaba dahil may narealize ako. Kaya ba kumalma ang reaksyon nya nang binitiwan ko ang mga gamit dahil ipapatapon nya na ako palabas ng mansyon nya? Paano kung iyong anak ko lang pala ang titira dito? Paano ako? Hindi ko na makikita ang anak ko! Paano kung niloloko nya lang ako? Paano kung ipapatay nya ako matapos nito?



Tangina! Naloko nya nanaman ako!



"A-anong ibig sabihin nito?" Kinakabahang tanong ko sakanya na nagpakunot sa noo nya kaya napalunok ako ng mariin. "Niloloko mo ba ako, ha?! Hindi ka tutupad sa usapan, hindi ba? Ano, Khalid? 'Yong anak ko, ibalik mo!" His forehead creased and looked at me with his confused eyes. Napangisi ako kahit na nangingilid na ang luha ko. Hindi ko akalaing magpapaloko nanaman ako sakanya. Pinaniwala nya ako sa mga kasinungalingan nya!



"Khalid naman, oh... Wag namang ganito... Wag mo namang ilayo—,"



"What the hell are you talking about?" He calmly asked but his eyes were emotionless.



"Diba ang anak ko lang ang patitirahin mo dyan? Dinala mo lang ako dito pero ipapatapon mo rin lang ako palabas-,"



"You're crazy. Do you think I will let that happen?" He asked without any emotion in his eyes. I swallowed the lump on my throat and stared to his eyes.



"Of course. Kayang-kaya mong gawin 'yon. Malay ko bang inuto—,"



"At nagpa-uto ka naman?" Natigilan ako sa sinabi nya. So totoo nga na inuuto nya lang ako? Na niloko nya nanaman ako? Ang tanga ko talaga! Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla syang sumenyas sa may likuran ko kaya agad akong napatingin roon at ganoon nalang ang kaba ko nang makita ko ang dalawang malalaki ang katawang bantay ni Khalid dito sa bahay nya. Itatapon na ba ako?



Galit kong tinapunan ng tingin si Khalid at mukhang nagulat pa sya pero agad nyang ibinalik ang walang emosyong mukha nya kaya mas lalo akong nagalit. "Manloloko ka talaga! Nakakainis ka! Ibalik mo ang anak—,"



Napipilan ako bigla ng wala akong maramdaman na nakahawak saakin at nang makita ko ang dalawang guard na hawak-hawak ang mga gamit namin at ipinasok iyon sa loob ng bahay ay parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.



Akala ko ako 'yong hahawakan at hihilain palabas!



Unti-unti akong nag-angat ng tingin kay Khalid at napalunok ako ng mariin nang makita kong nakataas ang kilay nya at may multo ng ngisi sa labi nya.



"I won't let my baby's mommy to be away from us. Understand that? Now, come inside." Iniwan nya akong nakatulala sa harapan ng pintuan papasok sa loob na punong-puno ng kahihiyan ang sistema ko.



After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now