Kababata 20

5.5K 116 1
                                    

Nang dumating ang araw ng alis ni Khalid ay naging emosyonal nanaman ako. Parang ayoko syang umalis pero wala naman akong magagawa dahil business iyon at siguradong importante. Magkasama pala silang dalawa ni kuya Khairus na pupunta sa London.




"Hey..." Naramdaman ko ang pagyakap nya saakin mula sa likuran habang tinutulungan ko syang mag-ayos ng mga damit nya sa maleta. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa batok ko kaya mas lalo lang ako napaluha. Ewan ko kung bakit ang emosyonal ko ngayon, hindi naman ako ganito, ah!




"Uuwi ka, ha?" Suminghot ako. Humigpit lang lalo ang pagkakayakap nya saakin kaya isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at narinig ang malakas na pagtibok ng puso nya. He kissed me on my head, chuckling a bit.




"Sayo lang ako uuwi..."




Sinundo kami ni kuya Khairus at nagulat pa ako ng may kasama pala sya sa loob. Nakakapagtaka nga lang dahil naka-mask ito tapos may black pang cap at naka-shades. Siguro artista sya? Pero bakit kasama nya si Kuya Khairus?




Tipid kong ngitian ang babae na umiwas lang ng tingin saakin at dumapo ang tingin kay Khalil na nakakandong kay kuya Khairus habang nasa byahe kami.




Nakasandal si Khalid sa balikat ko habang nilalaro ang mga daliri kong nakapatong sa may palad nya. Hinahalik-halikan nya rin minsan iyon. Nararamdaman ko ang tingin saamin nung babae pero kapag tinitingnan ko naman ay ay agad syang iiwas. Magkaharap kasi ang mga upuan namin.




"Tito... Girlfriend?" Tanong ng anak ko sa tito nya habang nakaturo sa kasama ni kuya. Mahinang natawa si Khalid at ngumiti naman ng malawak si kuya habang iyong babae ay nakasimangot na.




"Soon. Aanakan ko—fuck!"




"Kuya!"




"Hey!"




Magkasabay na sigaw namin nung babae nang nagmura sya kaya agad syang napatakip sa bibig nya at umiwas ng tingin doon sa babae. Nagkatinginan kami saglit at ngumiti ulit ako pero agad ulit syang umiwas ng tingin.



Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising nalang nang may naramdaman akong humahalik sa noo ko at pagdilat ko ay nakangiti na sya saakin.




Wala na sila kuya Khairus at yung babae pati na rin si Khalil at tanging kami nalang dalawa ang andito sa loob. Nalungkot nanaman ako bigla nang maalala kong malalayo sya saamin ng isang linggo.



"Mamimiss mo ba ako?" Nakangusong tanong ko habang naluluha. Pinanusan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki nya at pinatakan ng halik ang labi ko. Yumakap ako sakanya ng mahigpit.



"Ngayon palang ay namimiss na kita... What if I won't come—,"




"Hindi pwede! Kawawa naman si Kuya kung mag-isa lang syang aasikaso doon sa pupuntahan nyo..." Kumunot ang noo nya at bigla nalang sumama ang mukha. Nagtaka naman ako dahil doon.



"Kuya can manage, baby. And why hell you're so concern about that shit—aww!" Tinampal ko ang bibig nya dahil sa sinabi. Sinamaan ko sya ng tingin at dinuro sa mukha.



"Hoy! Kuya mo pa rin 'yon, ah! Nasaan ang paggalang mo? At hello, concern talaga ako sakanya dahil mahal ko—,"



"What the fuck? You're in-love with ny brother? Fuck that fucker! Ako lang dapat—,"




"Sandali! Patapusin mo muna kasi ako! Oo mahal ko—,"




"I'm going to kill him—,"




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now