Kabanata 17

6.3K 132 7
                                    

One month had past after that night and Khalid convinced me to live with them in his house. Naging maayos ang relasyon namin sa mga nagdaang linggo at talagang pinapakita at pinapadama nya saakin araw-araw kung gaano nya ako kamahal.




At sa isang buwan na lumipas ay na-grant na ang annulment namin kaya ngayon ay officially annulled na kami. Nakakalungkot man pero nang sinabi nya saakin na hihintayin nya akong maging handa ulit na magpakasal ay pakakasalan nya ako. Syempre kinilig ako doon. Sinong hindi, diba?




Nakatanaw lang ako sakanilang dalawa na naglalaro sa may garden. Weekend ngayon kaya walang pasok si Khalil at si Khalid ay meron pero mamaya pa sya aalis.




Ewan ko ba dito sa lalakeng ito ay minsan lang pumapasok sa trabaho at sinabi pang okay lang daw iyon dahil sya ang boss? Mas gusto nya daw dito sa bahay at kami ng anak nya ang tatrabahuhin nya. Parang tanga.




Nakangiti ako habang pinapanood silang naglalaro ng habulan at pareho nanamang pawisan. Jusko, kanina ko pa sila sinasabihan na magpunas ng pawis dahil nagluluto ako, eh, pero hindi nakinig! Ang titigas ng ulo.




Wala na ang mga nagtatrabaho rito sa bahay. Iyong mga kasambahay at ang mayordoma ay bumalik na silang lahat sa bahay ng papa ni Khalid, maski ang mga bodyguards ay bumalik na din sa bahay ng papa nya kaya kaming tatlo nalang ang nakatira rito sa mansyon nyang pagkalaki-laki.




Pumasok ako ulit sa bahay para ikuha sila ng maiinom at pagbalik ko ay nakahiga na ang dalawa sa damuhan at hingal na hingal. Napailing nalang ako at naglakad papalapit sakanila at inilapag sa kalapit na mesa ang dala ko tsaka ko dinampot ang tuwalya.




"Tigas naman ng ulo nyo," naiiling kong sabi sakanila at lumuhod na damuhan. Bumangon kaagad si Khalil at lumapit saakin kaya agad kong tinanggal ang damit nya at pinunasan ang pawis na pawis nyang katawan at mukha nang maramdaman ko ang biglaang pagyakap sakin ni Khalid mula sa likuran.




"Hoy! Amoy pawis ka! Bitaw!" Pero hindi sya nakinig at tinawanan pa talaga nila akong mag-ama! "Khalid, ano ba—Khalil!" Sumali din si Khalil sa yakapan at tuluyan na nga akong naipit sa gitna ng mag-amang pawisan habang tumatawa.




Natawa na din ako at sumandal sa dibdib ni Khalid at hinila si Khalil at niyakap. Ikinulong kaming dalawa ni Khalid nang yakapin nya kami at hindi parin sila tumitigil sa kakatawa.




"Ayan! Sinabi ko nang wag masyadong magpagod, diba? Ang titigas ng ulo nyo. Tatanda ako kaagad nito!" Inirapan ko silang dalawa pero tumawa lang sila ng sabay at bigla nalang akong hinila ni Khalid kaya napaupo ako sa kandungan nya at niyakap mula sa gilid habang ang anak naman namin na nasa harapan ay humahagikgik. Mukhang kinikilig pa.




"You'll be the most beautiful in my eyes and in my world even you're old, baby..." Pinag-initan ako ng pisngi sa sinabi nya kaya nahampas ko ang dibdib nya ng mahina at mahina naman syang natawa.




"Papa! Ako ang baby! Big na kaya si Mama!" Sabay kaming natawa sa turan ng anak namin habang nakanguso. Mas lalo lang akong niyakap ni Khalid at hinalikan ang pisngi ko kaya napangiti ako.




"Yeah? You two are my babies," nawala ang pagkakanguso ng anak namin nang marinig iyon mula sa ama nya at nagmadaling bumaba sa sa upuan at muntik pang masubsob at agad na tumakbo saamin. Kumandong sya sa kabilang hiya ni Khalid at humalik sa pisngi ng ama at ganoon don ang ginawa saakin.




"I love you both!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Khalid at sabay na ibinalik ang tingin kay Khalil at ngumiti. Humalik kami sa magkabilang pisngi nya at sya naman humagikgik.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now