Kabanata 4

8.6K 231 14
                                    

"Anak, wag ka masyadong magpagod, ha?!" Sigaw ko sa anak ko nang makasalubong ko syang nakikipaghabulan sa kambal na anak ng kapitbahay namin. Hindi pa naman sya pwedeng magpagod dahil sa asthma nya.




"Opo!" Napangiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi ng bahay. Galing ako sa bayan at namalengke ng mga kakailanganin namin at ibinilin ko muna sya sa kapitbahay namin.




Sa limang buwan na pagtira namin dito, naging maayos naman kami. Naging masaya kami ng anak ko at hindi na rin sya nagtanong tungkol sa ama nya pero alam kong naghihintay parin sya.




Nalungkot ako sa katotohanang kailangan nya ng ama na susuporta sakanya. Kaso hindi pa ako handa para roon. Gusto kong makasama ang anak ko. Pero mabuti nalang din at hindi nya naman kami hinanap. Siguro hindi nya pa nalalaman ang katotohanan at ang akala nya ay ang kapatid nya ang ama ng anak ko. Mabuti na rin iyon para hindi malayo saakin ng maaga ang anak ko.




Dumalaw si Irithel noong nakaraang araw dito pero agad ding umalis dahil may emergency daw sa ang pamilya nyang nasa Maynila kaya hindi na sya nagtagal. Sinusubukan din akong tawagan ni Khaster pero hindi ko iyon sinasagot hanggang sa tumigil na sya. Nakapagpalit na din ako ng simcard at si Irithel lang ang nakakaalam ng numero ko.




"Mama, ano pong ulam?" Agad kong inalis ang nasa isip ko nang marinig ko ang boses ng anak ko sa likuran ko at paglingon ko ay agad akong sumimangot nang makita ko syang pawisan at hinihingal kaya agad akong lumapit sakanya at inabot ang tuwalya na nakasabit sa upuan at pinunasan ang pawis nya.




"Hindi ba sinabi ko sa'yong wag ka masyadong maglaro? Ayan tuloy, pagod ka na," Ngumiti lang sya saakin at nag-peace sign kaya tinawanan ko sya at pinisil ang ilong nya. "Uminom ka ng tubig." Agad nya namang ininom ang inabot ko sakanyang tubig.




"Go change your clothes, anak." Utos ko sakanya na agad nyang sinunod.




Nagluto ako na ako ng pananghalian namin nang biglang may kumatok sa pintuan kaya agad ko iyong pinagbuksan. "Ava!" Malakas na ang boses na sigaw ng kapitbahay kong si Raine. Iyong pinagiwanan ko kay Khalil.




"O, pasok kayo," Anyaya ko at tsaka sila pinapasok. Kasama nya ang kambal nyang anak na lalake. Kaedad lang ni Khalil.




"Hello po, tita! Nasaan po si Khalil?" Masiglang bati ni Thunder. Ngumiti naman ako sakanilang dalawa ng kakambal nya at sinabing nasa kwarto pa si Khalil kaya agad na tumakbo sa taas ang dalawa.




"Hmm! Ang bango naman nito, Abisha Vana!" Napangiwi ako sa lakas ng boses nya. Ewan ko ba rito sa babaeng ito. Siguro kaya malakas ang boses nya kasi Raine ang ipinangalan sakanya. Pinanganak siguro ito noong kasagsagan ng malakas na ulan. Ang lakas ng boses!




"Tulungan mo nalang akong ihain yan sa mesa at nang makakain na tayo," Natatawang sabi ko sakanya at agad din naman syang sumunod. Ako na ang nagtawag sa mga bata na na hanggang ngayon ay nasa itaas parin. Mukhang naglalaro na sila dahil naririnig ang ingay nila mula dito sa baba.




Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ng anak ko ay kakatok na sana ako nang bigla akong mapatigil dahil sa hindi ko inaasahang pag-uusap ng mga bata.




"I already know who is my papa. I saw his picture on my uncle's wallet. Pero i respect mama's decision, so I'm just waiting for her to be ready and introduce me to my father." Napayuko ako sa narinig ko sa anak ko. Alam nya na ang mukha ng ama nya.




"Swerte mo nga, eh! Nakakainggit ka kasi kilala mo ang face ng papa mo. E kami ni Storm, kahit picture ay wala." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Thunder. Pareho kami ng sitwasyon ni Raine. Hindi ko man alam ang buong istorya kung bakit sila naghiwalay ng asawa nya ay ramdam ko din ang sakit no'n. Nangyari din saakin, eh.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now