Kabanata 18

5.6K 133 15
                                    

He really did took me that night when he got home. Madaling araw na sya noong nakauwi sya at hindi nya manlang ako hinayaang mabati sya dahil agad nya akong hinalikan pagkabukas na pagkabukas ko palang sa pintuan.




Ni hindi na nga kami nakaakyat sa kwarto namin dahil sa living room namin iyon ginawa. Pagkagising ko ay mahigpit na nakayakap sya saakin habang nakasiksik ako sa katawan nya habang pareho kaming balot na balot ng kumot at talaga sobrang lapit namin sa isa't isa dahil hindi kami kasya sa sofa kaya pinagkasya nalang namin ang mga sarili namin. Mabuti nalang at sobrang aga pa at tulog pa si Khalil.




Napatitig ako sa mukha nya habang natutulog sya at wala sa sariling hinaplos ang muha at hinalikan sya sa labi na syang ikinagalaw nya pero hindi naman sya nagising. Pinaglaruan ko ang pilikmata nya pero nang mapatingin ako sa orasan ay nanlaki ang mga mata ko.




Pinatakan ko ng halik sa noo si Khalid at maingat na kinalas ang pagkakayakap nya saakin at nang tuluyang makawala ay agad kong pinulot ang damit nya na medyo may kalakihan at agad na isinuot.




Inayos ko ang mga naikalat namin kagabi dahil sa sobrang pagkasabik at tumakbo sa itaas para tignan ang anak namin. Pagkapasok ko sa kwarto nya ay nakita ko syang mahimbing na natutulog parin sa kama habang balot na balot ng kumot, lamig na lamig. Pinatay ko na ang aircon dahil halatang nilalamig sya.




Lumapit ako sa kama nya at naupo malapit sakanya at ginawaran ng halik sa noo at tumitig sakanya pagkatapos. Kahit sa pagtulog ay talagang magkamukhang-magkamukha sila ng ama nya. Siguro kung itinanggi ko sa kanyang hindi sya ang ama ni Khalil ay pagtatawanan nya lang ako. Sinong maniniwala, eh, ni pagtulog nila ay magkamukhang-magkamukha! Magmumukha lang ako tanga no'n.




"M-mama..." Bahagya syang gumalaw at parang hinahanap ang dantay nyang unan kaya agad akong nahiga sa tabi nya at kinuha ang kamay at saka iniyakap saakin. Hinalik-halikan ko ang buhok nya at nang makabalik na sya sa mahimbing nyang pagtulog ay maingat akong umalis sa kama nya at bumaba na para magluto. Tulog parin si Khalid doon sa sofa at mahigpit nyang yakap ang unan.




Dumeretso kaagad ako sa kusina at naghanap na ng lulutuin para umagahan at habang naghihiwa ng sibuyas ay naiiyak ako pero pinagpatuloy ko parin dahil baka magising na iyong mag-ama tapos wala pang naihandang pagkain.




"Are you crying?" Napatalon ako sa gulat nang makita si Khalid na papasok sa kusina at dahil nakaharap ako doon sa entrance ng kusina habang naghihiwa sa may island bar ay talagang makikita nya ako.




Agad akong umiling pero hindi sya naniwala sa at dali-daling lumapit saakin at pinaharap sakanya. Pinakatitigan nya ang mukha kong puno ng kaseryosohan kaya bahagya akong natawa. OA naman nito.




"You're crying, baby... Why?" Pinunasan nya ang luha ko at hinila palapit sakanya kaya nasubsob ako sa malapad nyang dibdib.




"Hindi nga ako umiiyak. Yung sibuyas lang..." Sagot ko sakanya at lumayo. Nang sulyapan nya ang sibuyas na hinihiwa ko ay masama ang tingin nya roon at parang galit sya doon sa sibuyas na wala namang ginawa sakanya. "Magpalit ka na nga doon..." Naiilang kong utos dahil tanging boxer shorts lang ang suot nya at bakat na bakat ang alaga nya. Jusko!




"This fucking onion made you cry?" Madilim ang mukha nya habang mariin ang pagkakatitig sa sibuyas. Kumunot ang noo ko nang bigla nyang dinampot ang kutsilyo at saka pinagsasaksak iyong sibuyas kaya napapikit nalang ako at iniwas ang tingin roon sa sibuyas dahil baka mas lumuha lang ako.




Awang awa ako roon sa sibuyas nang makita ko ang itsura no'n at nang tiningnan ko si Khalid ay natawa nalang ako dahil sobra sobra ang pagluluha nya. Napala mo.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now