Kabanata 12

7.2K 174 1
                                    

"Ava!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinigilan ang sariling humarap sakanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos lahat ng mga nalaman ko.



Umalis ako sa bahay nya pero hindi ko na isinama si Khalil. Pumupunta lang ako sa school nya para makasama sya at kapag andyan na si Khalid upang sunduin sya ay agad akong aalis. Ayoko syang makita dahil baka kung anong magawa ko.



Galit ako sakanya. Galit ako sa kapatid nya. Galit ako sa ginawa nila. All this time, I believe that the papers were just fake and we're annulled! But it turns put we're not! Nakakasawa nang maloko at magpauto.



"Ava, please talk to me!" Pangungulit nya pa pero hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagtatrabaho ko para saamin ng anak ko at para may pangkain manlang ako.



Dito sa simpleng karinderya ako nagtatrabaho bilang tagaluto. Ayos naman ang sweldo kahit na hindi gaanong malaki. Sapat na 'yon para pangbigas at pangulam ko, pati na rin ang dinadala ko sa school ni Khalil na pagkain tuwing breaktime nila.



"Ava, please... Listen to me..." Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko nang marinig ko ang pagpiyok nya. Nang makita ko kanina syang pumasok dito ay agad kong napansin ang pamumula ng mata nya at parang kagagaling lang sa pag-iyak.



Dalawang buwan na simula noong nangyari 'yon at umalis ako sa puder nya. Dalawang buwan ko na rin syang nakikitang nagmamasid saakin mula sa malayo tuwing nagtatrabaho ako pero hindi ko sya pinapansin. Bahala sya sa buhay nya.



"Please... Just this one, baby..." Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga pinagkainan. Ako muna ang mag-aayos ng mga ito dahil wala pa 'yong isang kasama ko at sa kamalas-malasan nga naman, andito ang gago.



"Khalid, umalis ka na, pwede? Nakakaistorbo ka kasi. Marami pa akong gagawin." Malamig na sabi ko sakanya at tinalikuran na sya. Hindi ko sya kayang matignan sa mukha lalo na't kitang-kita ko kung paano nya napabayaan ang sarili nya.



Humaba na ang buhok nya at pati na rin ang balbas nya. Naaawa ako sakanya dahil namamayat na din sya at halatang hindi masyadong kumakain. Hindi ko naman sya kinakamusta sa anak ko dahil galit ako sakanya. Buti nalang din at mukhang hindi naman napapabayaan si Khalil doon. Mag-iipon lang ako at kukunin ko ang anak ko sa puder nya. Wala na akong pakealam kung anong gagawin nya.



Nang makapasok ako sa kusina ay agad ko syang nilingon at nakita kong nakayuko sya at ang masakit pa ay ang makita ang isa isang pagbagsak ng luha nya habang nakayuko kaya agad akong umiwas ng tingin kasabay ng pagtulo ng luha ko.



"Kung mahal mo, kausapin mo. Ayusin nyo na habang maaga pa, Abisha." Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakatitig saakin ng seryoso si Gela habang naghihiwa ng sibuyas.



Napatakip ang dalawang palad ko sa mukha ko at doon ako umiyak ng umiyak. Gustong gusto kong tumakbo sakanya at yakapin sya... Gustong gusto ko syang kamustahin pero nauunahan ako ng galit. Galit sa mga nagawa nya saakin. Sa tuwing nakikita ko sya... Bumabalik lahat ng nangyari... Ang panloloko nya saakin.



Naiintindihan kong si Khaster ang dapat sisihin pero... pero kasalanan parin ni Khalid ang nangyari... Kung hindi nya sana inutos sa iba ay sana matagal na kaming hiwalay. Hindi ko inaakalang... sa mga nagdaang taon at hanggang ngayon ay kasal parin ako sakanya.



"Ano ba 'yan! Ang hirap naman ng lovelife mo! Ako naii-stress, e!" Mas lalo akong naiyak hanggang sa naramdaman ko ang yakap nya saakin.



"Hindi ko alam ang gagawin ko, Gela..." Nahihirapang aniko dahil sa matinding pag-iyak. Naramdaman ko ang paghaplos nya sa likuran ko at humigpit lalo ang pagkakayakap nya sa'kin.



After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now