Kabanata 10

8.3K 213 15
                                    

Hindi umalis sa bahay si Khalid kahit na ang sabi ko ay ayos lang dahil asawa nya ang uuwian nya. Akala ko nga ay umalis na sya bago pa man ako makatulog pero hindi pala.




Nagising nalang ako, madaling araw na at natagpuan ko syang mahimbing na natutulog sa tabi ko at ang mas nakakagulat pa ay sobrang lapit ng mukha sa saakin pagkamulat ko ng mga mata ko. Nakadantay din ang braso nya sa tyan ko kaya pala mabigat.




Hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magising ng madaling araw kaya naman napagpasyahan kong bumaba nalang para magkape.




Ingat na ingat pa ako nang alisin ko ang braso ni Khalid na nakapatong saakin para hindi sya magising at successful naman akong nakaalis. Gumalaw pa sya at parang hinahanap pa ako pero agad kong kinuha ang unan ko at iyon ang ipinalit doon sa pwesto ko.




Sumilip muna ako sa kwarto ng anak ko at nang makapasok ay napakamot nalang ako sa ulo ko nang makitang nagkalat ang mga laruan nya sa sahig at halos mahulog na sya sa kama nya dahil kalahati nalang ng katawan nya ang nasa itaas ng kama kaya ibinalik ko sya sa ayos at hinayaan na muna ang mga nagkalat na laruan at mamayang umaga ko nalang aayusin.




Parehong-pareho silang makalat sa gamit ni Khalid...




Hindi talaga maipagkakailang mag-ama nga silang dalawa dahil sa marami silang pagkakapareho. Pareho silang pawisin, makalat sa gamit, at mahilig sa mga laruang robot. Ewan ko ba sa mag-amang 'yon! Halos lahat ng ugali ni Khalid ay nakuha ni Khalil! Wala manlang syang  nakuha masyado saakin! 'Yong pagiging matakaw ko lang!




Nagtaka kaagad ako nang makitang bukas ang ilaw sa baba at may kaunting ingay akong naririnig. Nagdadalawang isip pa nga ako kung itutuloy ko ba ang pagbaba ko o babalik nalang ako sa kwarto ni Khalid pero hindi ko kinakaya ang atmosphere roon!




Natahimik ako sandali bago ko marinig ang mga pamilyar na boses kaya itinuloy ko na ang pagbaba.




"Ano na, Khaster?! Baka kung ano nang ginawa ng kuya mo sa kaibigan ko, ha!" Narinig kong sabi ni Irithel at malakas na napabuntong-hininga naman si Khaster.




"He'll never hurt her, Liel. He can't do that. He would never do that." Seryosong sabi naman ni Khaster na dahilan ng pag-irap ko.




He would never do that? Gaguhan ba 'to? Nagawa na nya!




Napatikhim ako na dahilan upang matigil silang dalawa sa pagbabangayan at sabay na napalingon sa'kin. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Irithel at patakbong lumapit saakin at agad ba yumakap. Ngumisi lang si Khaster saakin pero parang may ibang ipinapahiwatig pero hindi ko nalang pinansin.




"Okay ka lang ba dito? Hindi ka ba sinasaktan ng Khalid na 'yon, ha? Sabihin mo lang saakin kapag sinaktan ka nya! I'll choke him to death!" Punong puno ng pag-aalala ang mababakas sa mukha ng kaibigan ko kaya napangiti nalang ako at yumakap ulit sakanya at hindi sinasadyang mahagip ng mata ko si Khaster na deretsong nakatitig kay Irithel. Nang mapansin nyang nakatingin ako sakanya ay tinaasan nya lang ako ng kilay at nag-iwas ng tingin.




"Okay lang ako dito, Tel. Hindi nya naman ako sinasaktan at si Khalil... Maayos naman ang pakikitungo nya, nakakainis nga lang... Ang gulo nya, hindi ko sya maintindihan..." Hindi nya narinig ang huling sinabi ko kaya kumunot ang noo nya na agad din namang nawala at masama ang tingin na binalingan si Khaster.




"Ikaw! Sabi mo ayos lang sila dito?! Eh, bakit naiinis daw si Ava?! Ano?!" Napahilot ako sa sentido ko at ganoon din si Khaster at bumaling saakin at umirap. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya pero inirapan ko nalang din sya pabalik.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now