Kabanata 6

8.3K 199 3
                                    

"Mama! Look po, oh!" Natauhan ako sa pagkatulala habang nag-iimpake ng mga gamit namin. Nilingon ko sya at nakita ko syang may hawak na laruang robot. Ngumiti naman agad ako para hindi nya mapansin ang pagiging tulala ko.

"Wow, ang ganda naman nyan. Who gave you that?" I asked him, faking my smile. Hindi ko na kayang ngumiti ng totoo. Sa mga nangyari noong nakaraan at ang mga nangyayari ngayon, ewan ko kung makakangiti pa ako ng gaya ng dati.

"Si Papa po, Ma! Ang ganda po, ano?" Nag-iwas ako ng tingin sakanya dahil nangingilid na ang luha ko. Bahagya ko lang syang tinanguan at nanginginig ang kamay kong pinagpatuloy ang pagaayos ng mga damit namin.

Wala akong magawa nang sinabi saakin ni Khalid na tumira kami sa bahay nya at kung hindi ako papayag sa nais nya ay kukunin nya ang anak ko saakin at ilalayo. Hindi nya ako hahayaang makita ang anak ko kapag nangyari iyon. Hindi ko kayang malayo sa anak ko kaya kahit na labag sa loob ko ay pumayag ako.

And he also want the full custody of my son pero hindi ako pumayag. Bakit ako papayag? Kapag ginawa ko 'yon ay para ko na ring pinakawalan ang anak ko na syang naging dahilan ko para ipagpatuloy ang buhay kong gusto ko nang tapusin.


Wala akong magawa dahil kapag hindi naman ako pumayag na makasama nya si Khalil ay sapilitan nyang kukunin ang anak ko. Kayang kaya nyang gawin ang bagay na iyon kung gugustuhin nya.

Mamaya, susunduin nya kami rito sa resthouse nila Irithel at gusto kong magpaalam sana kay Raine kaso hindi naman nya ako pinagbubuksan ng pintuan kahit na kumakatok ako. Hindi ko alam o  maintindihan kung anong problema nya pero bigla nalang syang hindi nagpakita at kahit na text ay wala.

Yung mga anak nya ay minsan ko lang makita sa labas ng bahay nila at kapag lalapitan ko naman ang mga ito ay bigla nalang silang tatakbo at papasok sa bahay nila. Para bang natatakot silang may gawin akong masama sakanila.

"Anak, magbihis ka na. Susunduin tayo mamaya ni Khalid—,"

"Si papa po?" Napatikhim ako at umiwas ng tingin.

"O-oo... Si p-papa mo," Nagtatalon syang pumasok sa kwarto nya sa katabi lang ng akin kaya napabuntong hininga nalang ako at napasapo sa ulo ko.

Kailangan kong umisip ng paraan para makatakas kami kay Khalid. Hindi pwedeng hayaan kong tumira kami sakanya hanggang sa gusto nya dahil paiikutin nya ang anak ko at papipiliin kung sino saamin ang mas pipiliin nyang makasama.

"Tita Ava? Tita Ava? Andito pa po ba kayo? Tita Ava—,"

"Thunder? Storm? Anong ginagawa nyo rito? Pasok kayo," Napatakbo akong papuntang baba at pagkabukas ko sa pintuan ay bumungad saakin ang kambal. Pinapasok ko sila sa loob ng bahay nang mabuksan ko iyon at hinihingal pa silang dalawa nang matitigan ko ng husto.


"Tita, totoo po bang aalis na kayo? Hindi na po ba namin makikita si Khalil?" Namumula ang magkabilang pisngi ni Storm habang tinatanong iyon saakin. Nakaupo naman si Thunder sa kahoy na upuan at naghihintay din ng sagot ko.


Malungkot akong ngumiti sakanilang dalawa at tinapik ang ulo. Lumuhod ako sa harapan ni Storm para magkapantay ang mukha naming dalawa. "Oo, aalis na kami," Nakita ko ang pabagsak ng luha ni Storm kaya agad akong napayakap sa bata.


"Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi nyo na makikita si Khalil... Susubukan naming dumalaw rito paminsan-minsan at... pakisabi sa mama nyo na masaya akong naging magkaibigan kami—,"


"Thunder! Storm! Umuwi na tayo!" Mabilis akong napatayo at gulat na hinarap ang direksyon ni Raine na nagpupuyos sa galit. Nagtataka ako kung bakit naging ganoon nalang sya bigla. Wala naman akong naalalang may ginawa akong masama sakanya.


After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now