Kabanata 24

6.1K 128 6
                                    

Warning.



I woke up because of the sunlight. Sandali muna akong nahiga bago napagdesisyunang bumangon na para pumasok sa trabaho dahil bigla nalang akong umalis kahapon ng walang paalam.




Wala nang mumog-mumog at lumabas na ako sa kwarto nang may maalala ako. Khalid! Kaagad akong umatras sa dapat kong pupuntahan, sa kusina, at dumeretso agad kaagad sa banyo at naghilamos. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin at napasapo sa noo nang makita ang ayos ng buhok ko. Para akong ginahasa!




Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang nagpunta sa kusina. Kumunot ang noo ko nang makitang wala sya kaya parang naiiyak nanaman ako. Panaginip lang ba 'yon? Wala ba talaga sya? Pero kayakap ko lang sya kahapon!




"Nasaan ka na..." Nanlumo ako at napaupo nalang sa sahig at malakas na umiyak. Iniwan nya ako. Sigurado ako doon! Hindi ako nananaginip dahil talagang kayakap ko lang sya kagabi kaya alam kong iniwan nya ako! Sinungaling sya! Sabi nya mahal nya ako! Bakit nya ako iniwan? Talagang niloloko nya lang ako!




"Ang pangit mo talaga! Hindi na talaga kita papansinin!" Umiiyak na sigaw ko habang pinupunasan ang luha kong ayaw magpapigil, tuloy-tuloy lang ang agos.




"What happened, baby?" Napasinghap ako bigla nang marinig ko ang boses nyang puno ng pag-aalala. Tinanggal nya ang mga palad kong nakatakip sa mukha ko kaya nakita kong nasa harapan ko talaga sya. Magkapantay ang mga mukha namin.




"Baby, what happened? Are you okay? Should we go to the hospital? Please, baby, tell me..." Napanguso ako at naiyak nanaman kaya mas lalo syang nataranta.




"A-akala ko... I-iniwan mo n-na a-ako... k-kami..." Mabilis nya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. Umiyak ako ng umiyak sa dibdib nya at hinahampas ko pa sya. Inalalayan nya akong tumayo at bumulong.




"No. I won't do that again. I won't leave you again... That's a promise, baby." He kissed my forehead again and hugged me while caressing my stomach. He chuckled while doing that so I look up to him and raise a brow.




"You tried to hide our second child again, huh?" Natatawang aniya. Napasimangot nanaman ako at parang maiiyak nanaman kaya bahagya ko syang hinampas ang ibinaon ang mukha ko sa dibdib nya saktong tumulo nanaman ang luha ko. Nakakainis! Nagiging iyakin na ako!




"H-hindi ko naman gagawin sana, eh! I-ikaw kasi! Sinaktan mo nanaman ako! A-akala ko niloloko m-mo n-nanaman ako..." Natawa sya at inabot ang baba ko at bahagyang inangat ang mukha ko. Nakangiti syang tumitig saakin hanggang sa dumampi na ang labi nya sa'kin.




"I love you, okay? Don't think about that again. If I said I love you, I love you. I won't hurt you. Never again..." Ngumuso ako upang pigilan ang pagngiti.




"Heh! Deserve mo naman mataguan," napahalakhak na sya sa sinabi ko at mas lalo lang akong niyakap. Naiiyak nanaman tuloy ako. Kanina nya pa ako tinatawanan. 




"No, I do not deserve that, baby. Well, if you try to run away again, I'll punish you." Biglang nagseryoso ang kanyang boses. Umangat ang tingin ko sakanya at kaagad na tumama iyon sa mga labi nya. Napalunok ako.




"P-punish? A-ano naman?" Mabilis ang tibok ng pusong tanong ko. Tumaas ang kanyang mga kamay na nasa bewang ko papunta sa mukha ko. He cupped my face and give me a deep kiss. Gaganti na sana ako ng halik nang lumayo sya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa at nagsimula nanaman akong mainis. "Ano ba?!"




After Contract (La Cordova Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora