Kabanata 8

8K 192 3
                                    

Hindi ako maka-focus sa pagdidilig ng halaman at hindi ko na namalayan na umaapaw na ang tubig mula sa potted flowers. Wala akong magawa kaya lumabas nalang ako rito sa garden nya dahil busy naman silang mag-ama sa paglalaro at nakakailang syang kasama.




"Jusko, Ma'am! Ako na ho dyan!" Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang kasambahay na puno ng takot ang mukha nya habang tumatakbo palapit saakin at kinuha saakin 'yong hose.




Wala akong nagawa nang makuha na sa'kin 'yon ng katulong at sya na ang tumuloy roon sa ginagawa ko. Napabuntong hininga nalang ako at natulala sandali bago ko napagdesisyunang pumasok sa loob ng bahay para makapag-paalam sa anak ko.




Kailangan kong maghanap ng trabaho para suportahan ang anak ko sa abot ng makakaya ko. Alam kong kayang-kaya na ni Khalid na gawin iyon mag-isa pero anak ko rin si Khalil kaya gusto kong suportahan ang anak ko at wag iaasa lahat kay Khalid.




Nakarinig ako ng tawanan sa ikalawang palapag ng bahay kaya agad akong dumeretso kung saan nanggaling ang tawanang iyon at naabutan ko ang mag-amang nagkukulitan kaya napasandal nalang ako sa may pintuan at natulala nalang sakanila.




Hindi nila ako napansin dahil sobrang busy silang magkulitan kaya wala sa sariling napangiti ako dahil nakikita ko ang saya sa mukha ng anak ko habang nagkukulitan sila ng ama nya. Ngayon ko lang din nakitang ganyan kasaya si Khalid.




"Mama! Tara po dito, sali ka po!" Napatayo ako ng tuwid at ngumiti lang sa anak ko at medyo kinakabahan pa dahil napalitan ng seryosong emosyon ang kaninang masayang mukha ni Khalid habang mariin ang titig saakin.




Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako palapit sa kama ng anak ko at nang makalapit ako ay medyo dumistansya ako ng kaunti kay Khalid at agad na hinarap ang anak kong malaki ang ngiti.




"A-aalis muna si mama, ha? Magpakabait ka, wag kang masyadong makulit, ha? Mabilis lang ako, anak... Babalik din si mama..." Utal-utal kong sinabi sa anak ko dahil nararamdaman ko ang marii'ng titig saakin ni Khalid kaya hindi ako makapagsalita ng maayos.




"Sige po, mama! Ingat po!" Ngumiti ako at yumakap sa anak ko at hinalikan ang noo nya sabay tayo at halos takbuhin ko na palabas ng kwarto dahil hindi maganda ang ihip ng hangin doon sa loob ng kwarto ni Khalil.




Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ako sa kwarto ng anak ko at agad na dumeretso sa kwarto namin ni Khalid para makapagpalit na. Kahit simpleng trabaho lang ay ayos na saakin, as long as matutustusan ko ang pangangailangan ng anak ko... 'yon naman ang importante saakin.




Janitress sa isang kompanya, tindera sa palengke, kahera sa carinderia o kahit kahera nalang sa coffee shop ay ayos na saakin. Hindi man kalakihan ang sweldo ay sapat na siguro 'yon para mabili ko ang ano mang gusto ng anak ko.




Hindi naman kasi ako matatanggap na bilang sekretarya sa kompanya dahil highschool lang naman ang natapos ko kaya kahit janitress lang sana ay ayos na. Ayoko namang humingi ng tulong kay Irithel dahil nahihiya na ako sakanya dahil sa dami ng naitulong nya saakin ay ni hindi manlang ako nakabawi bilang pasasalamat.




Ayokong humingi ng tulong kay Khaster kahit na alam kong willing naman syang tumulong kaso wala akong masyadong tiwala sa pagmumukha ng lalakeng yun, eh.




"You're not going anywhere." Napatigil ako sa paghahanap ng masusuot ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Khalid sa likuran ko. Imbes na matakot ay nainis ako dahilan para bumigat ang paghinga ko.




After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now