Simula

15.5K 274 11
                                    

"Kaya mo pa ba?" Nag-aalalang tanong saakin ni Irithel. Nasa hospital kami ngayon dahil bigla nalang inatake ng asthma ang anak ko.


"Kaya ko pa, Tel." Mahinang sabi ko habang sinusuklay ang buhok ng anak ko gamit ang daliri ko.


"Sabihin mo nalang kaya sakanya para matulungan ka? Sabihin na nating malaki ang kasalanan nya sayo... Pero Ava, ama parin sya ng anak mo..." Natawa ako ng sarkastiko. Ama? Kahit kailan hindi sya magiging ama ng anak ko.



"Tel, hindi ko kailangan ng tulong nya. Wala na kami. Hindi na kami mag-asawa. Wala syang karapatan sakin. Mas lalong lalo na sa anak ko. Kaya ko pa, Tel. Trust me..." Hindi na ako sinagot ni Irithel pero ramdam ko ang paghagod nya sa likuran ko at nagpaalam na rin sya makalipas ang dalawang oras.



"Anak... Anak gising na... Sad na si mommy oh.. diba ayaw mo ma-sad si mommy? Please, baby... Wake up..." Unti-unting nagsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit kasi kailangang mangyari pa to... Bakit sa anak ko pa? Kung sana pwede ko lang akuhin ang sakit ng anak ko ay ginawa ko na.



"M...mommy.... W-why a-are you c-crying p-po?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong nagsalita ang anak ko! He's awake! My son's awake!



"A-anak... Goodness! You're awake! Thanks God!" Nayakap ko agad ng anak ko ng mahigpit. Ang saya ko! Gising na ang anak ko. Salamat sa Diyos!



"M-mommy.. i c-can't breath..." Nagulat ako sa sinabi nya kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sakanya at tinadtad sya ng halik. I missed him! "I miss you so much, baby.." Ani ko habang umiiyak parin. Nakatitig lang saakin ang anak ko kaya nag-alala ako na baka may masakit sakanya.



"I miss you too, mommy... Stop crying na po, you make me worry po..." Natawa ako ng mag-pout sya kaya niyakap ko agad ng sya ng mahigpit. God! I missed him so much!



"Mommy go home na po tayo?" My son asked habang inaayos ko ang mga gamit namin. Uuwi na kasi kami dahil maayos na naman si Khalil.



"Yes, baby. Uuwi na tayo. At dapat, pag-uwi natin ay wag ka nanaman maglaro ng sobra ha? Ayaw na ni mommy makita kang nakahiga sa hospital bed..." Sabi ko at nilapitan sya.



"Opo, mommy... Promise po! I love you, mommy!" Napangiti naman ako at niyakap sya ng mahigpit.



"Mommy loves you so much..." He kiss me on my lips and hug me tighter.



"Ang drama nyong mag-ina. Tara na! Uuwi ma tayo!" Masayang anunsyo ni Irithel kaya napatalon naman ang anak ko sa tuwa.



"Halika na baby boy! Tita Tel will carry you!" Nakangiting ani Tel. Si Tel ang nakasama ko habang ipinagbubuntis ko si Khalil after the divorce with Khalid La Cordova. That jerk ex husband of mine!



Naisahan ako ng gagong yun! Ni hindi ko nga alam na marriage contract pala yung pinirmahan ko! Akala ko kung contract yun para sa magiging trabaho ko sakanya pero gulat nalang ako isang araw ay kalat sa buong mansyon na kasal na sya. Ang alam ko kasi ay wala naman syang kasintahan. Nagulat nga din ako at nagtaka pa kung sino yung pinakasalan not knowing na ako pala yun!



Ginamit nya lang ako... Ginamit nya lang ako para sa walang kwenta nyang plano. Pinakasalan nya ako para lang pagselosin ang babaeng totoo nyang mahal. At ngayon na bumalik na sakanya yung babae nya. Eto ako ngayon, wasak na wasak. Sino ba kasing tanga ang nahulog sakanya kesyong alam naman na peke lang yun. Syempre ako.



Sya ang nakakuha sakin. Sya lang ang gumalaw sakin.Alam kong may nangyari samin pero hindi ko naman ine-expect na magkakabunga. Lasing sya nun at ako naman itong sobrang tanga para malunod sa mga halik nya.



After Contract (La Cordova Series #1)Where stories live. Discover now